Iginiit ni Heart Evangelista na may nais siyang patamaan sa nag-viral niyang post sa Instagram kamakailan.
Ito’y matapos niyang pasuotin ng multi-million-peso worth luxury-brand necklace ang alaga niyang aso na si Panda.
Noong August 15, 2024, napag-usapan sa social media ang pagpu-post ni Heart ng larawan ni Panda habang ito ay nakasuot ng Serpenti Viper necklace mula sa luxury jewelry brand na Bulgari.
Photo/s: Heart Evangelista on Instagram
Ang presyo ng high-end necklace ay tumataginting na PHP11 million.
Bagamat maraming netizens ang napa-sana all, mayroon din namang mga bumatikos kay Heart dahil sa anila’y “pag-disrespect’ nito sa craftmanship ng kilalang fashion brand.
May ilan ding pinaratangan siyang “insecure” at gumagawa umano ng “shade” o patama kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na napiling Philippine brand ambassador ng Bulgari noon lamang June 2024.
Read: Bulgari hosts exclusive dinner for Pia Wurtzbach
Marami ang nakahalata na ang suot daw na kuwintas ng aso ni Heart ay may pagkakatulad sa suot na Serpenti emerald and diamond necklace ni Pia sa kanyang post noong June.
Photo/s: @piawurtzbach on Instagram
Ang kuwintas ni Pia ay tinatayang nagkakahalaga ng 220,000 Swiss francs – 325,000 Swiss francs, o katumbas ay PHP14 million – PHP21 million, ayon sa international auction house na Sotheby’s.
Ang ipinasuot na kuwintas ni Heart sa kanyang aso at ang necklace ni Pia ay kabilang sa Serpenti collection ng Bulgari.
HEART reacts to netizens accusing her of throwing shade at Pia
Sa panayam ni Heart sa 24 Oras nitong Biyernes, August 23, minarapat na niyang magsalita para depensahan ang sarili laban sa aniya’y mapanirang akusasyong ibinabato sa kanya.
Ani Heart, “I’m a very candid person, I’m very transparent and honestly, I love my dogs. Anak ko yun e.”
Hindi rin daw ito ang unang pagkakataon na pagsuotin ni Heart si Panda ng mamahaling alahas, kaya’t hindi niya mawari kung saan nanggagaling ang mga batikos na ipinupukol sa kanya.
Saad niya, “I wanted to set an example na ang aspin they are a special kind of breed na sariling atin, so ini-spoil ko talaga siya.
“Hindi lang naman iyan basta-basta na ginagawang alarm or parang doorbell ng bahay na nakakulong
“In fact, ang goal ko talaga is makarating siya sa Paris.”
Sundot na tanong ng 24 Oras entertainment reporter na si Nelson Canlas, “May mga nagko-comment na netizens, may pinapatamaan daw ba si Heart?”
Hindi man direktang pinangalan ni Nelson ang aniya’y tinutukoy ng netizens, ngunit mahihinuha na si Pia ito.
Hindi kasi kaila ang pagbabangga sa kampo nina Heart at Pia kasunod ng paglipat ng glam team ng Kapuso actress sa beauty-queen-turned-influencer earlier this year.
Sagot dito ni Heart, matagal na niyang nabili ang kuwintas bago pa man maging Philippine brand ambassador ng Bulgari si Pia kaya’t wala raw siyang rason para paringgan ito.
Pahayag ni Heart: “Well, the necklace has been mine since pandemic times so, I honestly don’t see anything.
“I feel like, more than anything, it should be an inspiration that, you know, you should treat the people around you the same they deserve the best.
“So, honestly, I don’t really feel like there’s anything that I should do and not do, especially since I do own the necklace.”
Nagsasalita raw ngayon si Heart hindi para mag-ingay, kundi para ipakita na marunong siyang lumaban sa mga oras na inaagrabyado na siya.
Aniya, “At the end of the day, you know, kailangan naman din minsan kailangan palaban ka rin.
“Alam ko na rin kung paano kapag hindi ka masyadong palaban, talagang natatapakan ka, so I bite now in a very sweet way pero masakit.”
Heart addresses issue on letting her pet dog Panda wear a Bulgari necklace
Samantala, hindi ito ang unang beses na nagsalita si Heart tungkol sa kontrobersiyal niyang pagpapasuot ng Bulgari accessory kay Panda.
Noong August 18, nag-Instagram Live si Heart para ipaliwanag kung bakit niya ipinasuot sa alaga ang mamahaling alahas.
Katuwiran ng aktres: “I own the necklace, you know. I can do whatever I want, then pull it out.
“Basically, Panda owns the necklace. So, hindi siya loan. So, she can do whatever she wants with it.
“So, Panda is my most spoiled baby girl. So, I [don’t] understand why people are making it such ano… that I put diamonds on her…”
Katuwiran pa ni Heart, mainam daw ipasuot sa kanyang alaga ang mamahaling mga alahas dahil hindi ito mananakaw.
Sabi niya, “Actually, she’s the best person to put diamonds on. You know why? Because she’ll bite you if you go near her. So, hindi puwedeng manakaw.
“So, sometimes I do that also, I put diamonds on her and that’s fine because hindi siya puwedeng makuha kasi mananakawan kayo ng daliri.”
Rason pa niya sa tulad ni Panda na rescued dog, “These are aspins or rescued dogs, they deserve the world…
“So, we’d like to alleviate their look, and, why not? I mean, siya naman ang totoong tagapagmana.
“Minana niya yon. So, she can do whatever she wants. I don’t understand what the deal is, like, di ba?” pagtukoy niya sa alagang si Panda.
News
Coleen Garcia UMAMIN NA sa Totoong Nangyari kay Billy Crawford kaya PAYAT na PAYAT (t)
Kamakailan lamang, nagbigay ng isang matapat at emosyonal na pahayag si Coleen Garcia tungkol sa kalagayan ng kanyang asawa, si Billy Crawford, at kung bakit siya ay labis na pumayat. Sa isang interview, inamin ni Coleen ang mga pinagdadaanan ni…
SHOCKING: SOFIA Andres released EVIDENCE of the WOMEN who had been with DANIEL PADILLA, you will be shocked to know this…
This shocking news has stirred up the entire online community when Sofia Andres, a famous Filipino actress, suddenly released evidence that made everyone question Daniel Padilla’s past relationships with women. This evidence has made fans, especially those who love…
HOT NEWS: Kathryn Bernardo is aiming for a big project. Isang nakakagulat na sikreto ang malapit nang mabubunyag… (t)
Kathryn Bernardo is Working on a Big Project. What Could It Be? With Kathryn Bernardo playing iconic roles in the past, it’s only bound that one of them makes a comeback. The long-running career of Kathryn Bernardo has allowed her…
SHOCK: Alora Sasam CONFIRMS THE TRUTH ABOUT THE DIVORCE OF Kathryn Bernardo and Daniel Padilla! (t)
In a shocking development for fans, Alora Sasam has confirmed that the relationship between Kathryn Bernardo and Daniel Padilla has officially ended. The news has caused mixed reactions in the media and the fan community, known as “KathNiel”. According…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu (t)
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa isang panayam kay Paulo Avelino para sa pagpopromote niya ng kanyang panibagong pelikula ay naitanong sa kanya ng mga host…
SHOCKING: Kathryn Bernardo’s mother has released a mysterious message that has left Kathryn’s fans in shock. (t)
Ina Ni Kathryn Bernardo, Naglabas Ng Mensahe Pinaasa Ang KathNiel Fans Nagbigay ng pahayag ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo para sa kanyang anak at para sa lahat ng mga tagahanga ng kanyang anak at para sa…
End of content
No more pages to load