Bayani Agbayani, thankful na napunta sa “mabait, maalalahanin, at mapagmahal” na pamilya ni Bea Alonzo ang panganay niyang si Thalia

PHOTOS: @bayaniagbayani & @beaalonzo on Instagram

PHOTOS: @bayaniagbayani & @beaalonzo on Instagram

Todo papuri ang komedyanteng si Bayani Agbayani kay Bea Alonzo at sa pamilya ng aktres ngayong mas nakilala n’ya ang mga ito dahil magkamag-anak na sila.

Ang half-brother kasi ni Bea na si James Carlos ang napangasawa ni Thalia Rogacion na eldest daughter ni Bayani at misis nitong si Lenlen.

Kaya naman nang matanong ang TV host-comedian tungkol kay Bea at sa pamilya nito during his virtual press conference na inihanda ng Viva Artists Agency para sa kanya ngayong araw, April 26, ay ganu’n na lang ang pasasalamat n’ya.

Ay, salamat. Thank you na dinala ang anak ko [si Thalia] sa isang pamilya na mabait, maalalahanin, mapagmahal...”

K’wento ng newest Viva artist, ilang family occasions na n’yang nakasama si Bea at nagustuhan raw n’ya ang ugali nito.

Si Bea, pag nakita mo kung sino ang mga bisita n’ya… Kasi lately, dalawang Christmas and New Year na magkasama kami,” pagre-recall ni Yani [nickname ni Bayani.]

“Before, hindi pa naman kami magkasama kasi hindi pa naman kami magkamag-anak. So, makikita mo na ’yong mga hindi sinuwerteng mga pamilya n’ya, pamilya ng nanay n’ya, ’yon ang kasama n’ya ng New Year’s Eve at Christmas Eve,” lahad pa n’ya sa entertainment press.

“So, ganu’n s’ya ka-down to earth. Ang inuuna n’ya ’yong pamilya n’ya bago ‘yong ibang mga tao which is ’yon ’yong maganda,” dagdag pa ni Bayani.

Mahal na mahal din daw ni Bea ang pamangkin nito na apo n’ya, ang anak nina Thalia at James.

Matatandaan na February 2020 ay nag-host pa si Bea ng nautical-themed baby shower para sa kanyang sister-in-law na si Thalia.

Last April 22 naman sa kasagsagan ng COVID-19 lockdown nang isilang ni Thalia ang anak nila ni James na si Santiago Vito.

Ito na ang naging newest bundle of joy ng pamilya ni Bayani kahit sa video call lang sila nakakapag-usap dahil sa Zambales naka-base ang pamilya ng kanyang anak.

Pagbibida pa n’ya sa pikapika.ph tungkol sa kanyang apo: “Kausap ko nang madaling araw kanina, e, mga 12 midnight. Ginising ako. Nocturnal, e. Gising sa gabi. Ayon nakakatuwa.

Happy din daw ang misis n’yang si Lenlen na meron na silang apo pero ayaw daw nito magpatawag ng lola.

Ang pinapatawag n’ya [aymama… Ayaw n’yang tanggapin [na lola na s’ya],” natatawang panlalaglag ni Bayani sa kanyang asawa. “Ako, tanggap ko na. [S’ya na] lola, nagpapatawag [ng] mama? Nakakatuwa.

Hindi pa raw niya ma-gauge kung anong klaseng lolo siya—kung disciplinarian ba o spoiler—dahil madalang nga daw niyang makasama ang apo. Masaya daw s’ya na kahit malayo ang kanyang apo sa kanila ay alam n’yang safe ito sa piling ng kanyang mga balae sa Zambales.

Okey naman awa ng D’yos,” aniya. “E kasi mas safe sila du’n, e. Unang-una, sariwa ang hangin. Sariwa ang mga pagkain nila. Maganda du’n kasi puro puno. ’Tsaka [malapit sabundok, [malapit sadagat…

Biro namin, bumili na rin siya ng property doon para mapalapit sa apo.

Kung ako lang ang masusunod ang tagal ko nang nakabili doon,” tsika pa n’ya sa press. “Si Lenlen masyadong… ayaw, e.

Sabi ko nga kay ano, sisikretuhin ko. Bibili ako nang ’di n’ya alam. Papahanap na ako [ng lot for sale doonngayon…mamaya,” biro ni Bayani.

Samantala, bukod raw sa acting and possible directing, kasali rin ang pag-aayos ng social media contents niya sa pinirmahan niyang kontrata sa Viva Artists Agency. Moreover, baka raw masundan na sa wakas ang novelty hit song niyang “Otso-Otso” sa tulong ng Viva Records.