SHOCKING: unbelievable story _ Discovering that Ivana Alawi was dating Paulo Avelino, Kim Chiu immediately posted a status on Instagram!

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang umano’y pasaring ni Kim Chiu para kay Ivana Alawi matapos kumalat ang larawan at videos nila ni Paolo Avelino na magkasama.

Habang naroon sa Siargao si Chinita Princess Kim Chiu para dumalo sa second wedding ng kanyang bestfriend na si Angelica Panganiban ay kumalat naman ang mga larawan at videos nina Paulo Avelino at Ivana Alawi na tila nagdidate sa isang mall.

Pinagkakaguluhan sa isang mall ang sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi at aktor na si Paulo Avelino matapos mamataan ng maraming mga netizens na tila masayang namamasyal.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na una nang inamin noon ni Ivana Alawi na may crush siya kay Paulo Avelino dahil sa pagiging gwapo nito.

Inamin ito ni Ivanna Alawi sa press conference ng kinabibilangan niyang pelikula na Sit-Sit kung saan si Paulo Avelino ang producer. Aminado rin si Ivana Alawi na nakaramdam siya ng pressure dahil kay Paulo Avelino.

Gayunpaman, hindi umano maitago ang kanyang tuwa dahil nakasama niya iisang project ang matagal na niyang crush na artista na walang iba kundi si Paulo Avelino.

Sa kabilang banda, kaagad namang nagkomento ang mga KimPau kung saan inilahad nila na collaboration lamang ang naganap sa pagitan nina Paulo Avelino at Ivana Alawi kaya hindi umano nararapat na iship ang mga ito.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may panibagong pelikula si Paolo Avelino kaya naman naniniwala ang mga KimPau fans na for promotion lamang sa pelikula ni Paolo ang pagsasama nila ni Ivana Alawi na mayroong maraming subscribers sa YouTube.

Nauna na rito, naging elevator boy din si Paulo Avelino sa isang mall para i-promote ang kanyang pelikula na pinamagatang Elevator.

Samantala, tila naging makahulugan naman ang ibinahaging caption ni Kim Chiu sa kanyang post na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account patungkol ito sa paniniwala sa sarili at hindi pagtitiwala ng ganoon na lamang sa ibang tao.

“I believe that everything happens for a reason. People change so that you can learn to let go, things go wrong so that you appreciate them when they’re right, you believe lies so you eventually learn to trust no one but yourself, and sometimes good things fall apart so better things can fall together.”