HOT: Got a favorite? Netizens surprised by ABS-CBN’s announcement
May Pinaboran? Netizens Nagulat Sa Anunsyo Ng ABS-CBN
Ikinagulat ng mga netizens at ng mga DonBelle fans ang bagong inilabas na trailer ng ABS-CBN studio sa teleserye version ng Linlang dahil sa timelot nito.
Sa dulo ng ibinahaging video teaser para sa teleserye version ng Linlang, makikita ang ibinagay na timeslot ng ABS-CBN kapag magsimula na itong umire sa darating na January 22, 2024.
Marami ang nagulat ng makita na ang official timeslot nito ay 8:45 p.m, ibig sabihin ito ang programa na mapapanood kasunod ng ‘Ang Batang Quiapo’. Inaasahan na kasi ng ilang mga manonood na ang oras na ibibigay para sa teleseryeng Linlang ay ang pangatlong slot sa primetime block dahil sa mature content nito at ang kasalukyang pangatlong programa naman ang papalitan nito.
Bukod sa mga nagulat na manonood, disappointed naman ang mga DonBelle fans sa naging desisyon ng ABS-CBN management na ibigay sa teleseryeng pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang timeslot ng Can’t Buy Me Love.
Ayon sa mga fans ng DonBelle, tinatangkilik naman ng mga manonood ang teleseryeng Can’t Buy Me Love na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Panalo din umano ito sa ratings kumpara sa mga katapat nitong teleserye.
Bukod pa rito, nababagay naman umano sa pangalawang slot ang tema ng Can’t Buy Me Love kaysa sa Linlang na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may mga mature contents.
Samantala, may mga naghinala na man na ibinase umano ng ABS-CBN management sa naging resulta ng seryeng Linlang sa Primevideo kung saan naging number 1 ito sa napakaraming bansa at nakasama pa sa top 20 ng buong mundo.
May mga nagsasabi pa na tila sinadya rin ito ng management para maging katapat ng Linlang ang teleseryeng pinagbibidahan naman ng dating nobyo nitong si Xian Lim na Love. Die. Repeat.