KathNiel meme

Kahit napakaraming lumuha sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nilagyan din ito ng ilang netizens ng humor sa pamamagitan ng memes.


Matapos bumaha ang luha sa social media nang magpahayag sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng pagtatapos ng kanilang 11-year relationship, bumuhos din ang samu’t saring memes tungkol sa kanilang breakup.

Yup, that’s Pinoy humor at its best.

Sa harap man ng mga kalamidad, sakuna, at iba pang malulungkot na pangyayari, nagagawa pa rin nating tumawa.

Sabi nga, laughter is the best medicine—lalo na kung ang apektado ng sakit ay ang mga damdamin.

Kaya umpisahan na natin ang mga naglipanang KathNiel memes, at nagpapasalamat ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa mga witty nating kababayan na nakaisip nito.

Here it goes…

Ang una raw pinakaapektado sa KathNiel breakup ay ang Dakilang Supremo—na idol pa naman yata ni Daniel. Himutok ni Gat Andres Bonifacio—bakit daw naman sa birthday pa niya itinaon ang paghihiwalay?

KathNiel meme

Happy naman daw si former Senator Juan Ponce Enrile sa panibagong milestone sa kanyang napakahabang buhay at pagiging immortal. Sa dami nang nasaksihan niyang hiwalayan sa kasaysayan ng mundo, naabutan pa rin niya ang kina Kathryn at Daniel.

JPL meme

May netizen namang nagsabi na akala raw niya ay hanggang “katapusan” ang idol niyang magdyowa. Pero hirit ng isang kapwa netizen, eksakto naman na katapusan—dahil November 30 naganap ang breakup.

KathNiel meme

May nagdeklara naman na ang December 1 ay “no classes all levels.” Ang okasyon—KathNiel breakup day. Tiyak nga namang maraming magluluksang estudyante lalo na ang naging fans ng She’s Dating the Gangster stars.

KathNiel meme

Ang breakup din umano ang dahilan kaya inilipat ang Bonifacio Day noong November 27. Mukhang may manghuhula sa Malacañang at na-foresee na ang magiging kaganapan bago naglabas ng calendar ng Philippine official holidays ngayong 2023.

KathNiel meme

Maging ang biyahe ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Dubai, United Arab Emirates ay nakansela. May intel report daw kasing natanggap na maghihiwalay na ang KathNiel sa araw ng flight ni BBM. For once, pun intended, medyo credible ang source ng intel na ito.

KathNiel meme

Isang creative netizen naman ang ginawang letter of resignation ang naging statement ni Kathryn sa nangyaring breakup. Ito umano ang kanyang LOR pagkatapos niyang matanggap ang kanyang 13th month pay.

KathNiel meme

May eagle-eyed netizen na napansing may OOTD sina Kathryn at Andrea Brillantes na kapareho ng suot ng mga guest sa Face To Face na nag-cat fight sa naturang TV5 show. If a picture paints a thousand words, hindi na namin kailangang mag-elaborate.

KathNiel meme

At dahil laging kumakalat sa social media ang throwback photo ni Daniel at ng bata pa noong si Andrea, may nag-post din ng picture ni Kathryn na may kasamang little boy. E, sino naman kaya ang batang ‘to? At ano ang konek? Paki-explain… labyu!

KathNiel meme

Kung malakas naman ang iyak ng baboy nang katayin, kahit nilitson na ito ay lumuluha pa rin dahil sa lungkot sa nangyari—hindi sa kanya kundi sa KathNiel!

KathNiel meme

Pero dahil Pasko ngayon at kahit hindi masyadong malamig ang simoy ng hangin, dapat ay masaya ang bawat damdamin.

KathNiel meme

Paalala ni Jose Mari Chan, inistorbo ninyo siya nang maaga at August pa lang ay pinasisilip na sa inyong mga walls, kaya move on na tayo sa hiwalayang Kathryn at Daniel—and let’s sing Merry Christmas and a happy holiday.

KathNiel meme

At kung nag-emote si Gat Andres Bonifacio dahil na-overshadow ng KathNiel breakup ang kanyang special day, chill lang si Dr. Jose Rizal.

KathNiel meme

Umabot man sa Rizal Day sa December 30 ang pagluluksa ng sambayanan sa naging hiwalayan, handa siyang ipaubaya sa dalawa ang limelight.

After all, ibinuwis nga niya ang sariling buhay para sa kalayaan.

Ay, may ganun?!