Faith Da Silva, 20, neither confirms nor denies relationship with Albert Marti
NILANTAD NA! FAITH Da Silva, INAMIN NA ang RELASYON nila ni ALBERT Martinez!
nez, 60
Faith Da Silva on rumors about her and veteran actor Albert Martinez: “Napag-usapan namin pero in passing lang. Hindi siya yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiru-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang. Para sa aming dalawa kasi, professional lamang lahat. Walang ilangan.”
Walang paligoy-ligoy na tinanong nina Boobay at Super Tekla kay Faith Da Silva, 20, ang tunay na estado ng relasyon nito kay Albert Martinez, 60.
Pero walang itinanggi o inamin ang anak ng 48-year-old actor na si Dennis Da Silva, na nagdurusa sa bilangguan ngayon dahil nahatulang guilty sa kasong rape at child abuse.
Si Faith ang naging bisita sa The Boobay and Tekla Show, ang comedy-talk show ng GMA-7, nitong Linggo ng gabi, September 26.
Inusisa sa kanya ang matagal nang napapabalitang ugnayan nila ni Albert, na kasama niya sa Las Hermanas, ang upcoming drama series ng Kapuso Network.
Sagot ni Faith: “Iba yung relationship namin together. Komportable kami sa isa’t isa.
“Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level. He was really there to support me and guide me.
“Maalaga kasi talaga siya and very grateful ako na yung side na yun of him, e, nakita ko dahil hindi ko ine-expect na isang beteranong aktor, e, ganoon makitungo sa akin.”
AGE DOES NOT MATTER
Apatnapung (40) taon ang agwat ng mga edad nina Albert at Faith, pero halos magkasunod ang kanilang mga kaarawan.
Isinilang si Albert noong April 19, 1961.
April 29, 2001 naman ang araw ng kapanganakan ni Faith, na may malaking pagkakahawig kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at nangangarap ding maging beauty queen sa tamang panahon.
Nang tanungin kung posibleng magmahal siya ng lalakeng mas matanda sa kanya, makahulugan ang sagot ni Faith.
Aniya, “For me, walang edad na pinipili ang pagmamahal. Basta maramdaman mo na totoo yung nararamdaman mo sa tao.
“Regardless of the age, kahit anong bagay ‘yan, basta mahal ninyo ang isa’t isa, wala kayong tinatapakang tao, e, go lang ‘yan!”
WORKING TOGETHER IN LAS HERMANAS
Read more about
Faith Da Silva
Albert Martinez
Sinabi ni Faith na napag-usapan nila ni Albert ang mga tsismis tungkol sa kanila pero hindi ito seryoso.
Lahad ng Kapuso newcomer, “Nag-usap kami. Napag-usapan namin pero in passing lang.
“Hindi siya yung seryosohan talaga. Parang pinagbibiru-biruan lang namin. Tuksu-tuksuhan lang.
“Para sa aming dalawa kasi, professional lamang lahat. Walang ilangan.
“The fact na nakikita ng mga tao na okay ang chemistry namin together, I think yun ang mas importante sa amin.”
Matunog na “Direk Albert” ang tawag ni Faith sa veteran actor.
Biyudo na si Albert dahil pumanaw ang kanyang misis na si Liezl Martinez noong March 14, 2015 kaya malayang-malaya itong muling magmahal at makipagrelasyon.
Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
Get more updates on the Philippine entertainment industry on PEP.ph
News
Bea Alonzo SUES Ogie Diaz and Cristy Fermin for defamation
Bea Alonzo KINASUHAN sina Ogie Diaz at Cristy Fermin Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pormal na pagsasampa ng kaso ng Kapuso actress na si Bea Alonzo laban…
Tanders ng AlDub Nation, Nagalit Kay Alden Richards Matapos Tawaging ‘Love’ si Kathryn Bernardo
Tanders Ng AlDub Nation, Galit Kay Alden Richards Dahil Tinawag Si Kathryn Bernardo Na Love Hindi natuwa ang ilang mga tagahanga ng AlDub na patuloy naniniwala sa romantic na relasyon nina Maine Mendoza at Alden Richards sa kabila ng…
Fyang Denies They Look Like His Aunt, Gives Bold Statements to Netizens’ Comments
Fyang Itinangging Kamukha Sila Ni Tiyang Nagkaroon ng isang nakakaaliw na live exchange si Fyang at Lander, ang kapatid ni JM, nang mapansin nila na maraming netizens ang nagkomento na magkakamukha sila ni Tyang, isang kilalang personalidad. Ang usapan nila…
Heart Evangelista Emotionally Shares The Betrayal Of Her ‘Loyal Soldiers’
Heart Evangelista, Emosyunal Na Ibinahagi Ang Pagtataksil Sa Kanya Ng ‘Loyal Soldiers’ Niya Hindi napigilan ni Heart Evangelista, isang fashion icon at aktres, na maging emosyonal habang ibinabahagi ang kanyang karanasan tungkol sa mga tinatawag niyang “pinakamatalik na sundalo.”…
The Best Wedding of the Year: Kasal na May Runaway Bride, Viral Sa Buong Mundo!
Run Away Bride Ng Biggest Wedding of the Year, Viral Nag-viral kamakailan ang isang video ng isang kasalang tinaguriang “#BiggestWeddingOfTheYear” na nagpakita ng isang kontrobersyal na insidente kung saan ang bride ay biglang tumakbo palayo mula sa altar. Ang…
Mark Anthony Fernandez, Trending Dahil sa Alleged Video Scandal – FULL VIRAL VIDEO, Umalma sa Social Media
Mark Anthony Fernandez Admits He’s The Man In The Viral Video In an interview, Mark Anthony Fernandez confirmed that it was him in the video. Actor Mark Anthony Fernandez revealed how his controversial private video with a woman leaked online,…
End of content
No more pages to load