Janine Gutierrez, Jericho Rosales kissing? Lotlot de Leon reacts
Boto ba si Lotlot kay Echo?
Lotlot de Leon on eldest daughter Janine Gutierrez: “Nasa marrying age na siya, if she finds the right man for her, na with all the qualifications na hinahanap niya, bakit hindi?”
PHOTO/S: @mslotlotdeleon on Instagram
21
Shares
Pinag-usapan sa social media ang tungkol sa mga “sightings” kina Janine Gutierrez at Jericho Rosales.
Napagkikikita umano ang dalawa na magkasama, at tila nagde-date sa iba-ibang lugar, dahilan upang mabuo ang katanungan kung may relasyon ba ang dalawa.
Read:Jericho Rosales, Janine Gutierrez spotted at museum, bookstore
Photo/s: @jonarct TikTok
Sa isang eksklusibong panayam, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nanay ni Janine na si Lotlot de Leon tungkol dito.
Natatawang paliwanag ni Lotlot, “Hahaha! Alam mo, nakakatuwa, kasi si Echo kasi magkasama kami nung launch ng kanta ni Diego na “Hanggang Sa Dulo,” in a bar in Katipunan.”
Palayaw ni Jericho ang Echo at ang tinutukoy na singer ni Lotlot ay ang anak niyang si Diego Gutierrez, kapatid ni Janine.
Aniya pa, “I was really surprised that he came, so nakakatuwa. I was surprised, I was touched.
“Kasi siyempre nakakatuwa that he was there, he was very supportive, and wala lang, it was all fun, we were there as a family.
“Nagpakita siya and sumuporta, so nakakatuwa, I’m very thankful.”
Photo/s: @mslotlotdeleon on Instagram
Read more about
Jericho Rosales
Lotlot de Leon
JANINE GUTIERREZ AND JERICHO ROSALES, KISSING?
Sa naturang launch ng bagong kanta ni Diego nagsimulang kumalat ang mga fake news na may nakakita raw na naghahalikan sina Janine at Jericho.
Sambit ni Lotlot, “Oo nga, nakakaloka, hindi naman totoo yun, nandun tayong lahat, it was all fun.”
Naroon din ang sumulat ng artikulong ito sa gabing iyon at wala talagang halikang naganap.
Ano ang reaksiyon ni Lotlot nung unang nakarating sa kanya ang tsismis tungkol sa halikan ng dalawa?
Lahad niya, “Oo, hindi ko alam, nakakatawa, hindi ko alam kung saan nila…na-shock ako.
“Kasi nandun ako the whole time, so wala naman akong nakita na kissing or anything na ganyan, and you know Janine is…hindi, e, hindi siya ganun.”
Si Janine at Echo ay magkasama sa upcoming drama series na Lavender Fields, kung saan may guest role si Lotlot.
Dahil nagti-tape ang dalawa, madalas ang mga “sightings” sa kanila.
THE REAL SCORE BETWEEN JANINE GUTIERREZ AND JERICHO ROSALES
Sa pagkakaalam ni Lotlot, ano ang sitwasyon sa pagitan nina Janine at Jericho?
CONTINUE READING BELOW ↓
Lorna Tolentino, BALIK-HORROR FILM! | PEP Exclusives
“Well, they’re both single, so nakikita ko nga na they’re always together. That’s good if they’re trying to get to know each other.
“There’s nothing wrong with that, they’re both single, they’re both adults, they’re both mature individuals, so yeah, there’s really nothing wrong with it.”
Ano ang magiging reaksiyon niya kapag nagpaalam sa kanya si Jericho na liligawan nito si Janine?
“’That’s not up to me, but thank you for asking permission.’ Di ba, nakakatuwa na parang humingi ng paalam or mag-abiso, hindi ba?
“Nakakatuwa yun, so if eventually they are really dating, then I trust Janine, I trust her decision.”
Gaano niya kakilala si Jericho, ilang beses na niya itong nakatrabaho?
“Eto pa lang, first time.”
Sa ngayon, ano ang pagkakikilala niya kay Jericho?
“I know that he’s also maalaga, maasikaso, mapagmahal sa pamilya, he’s very family-oriented, and he’s a very responsible guy.
“So, yeah, that’s how I know him, that’s what I know of him also.”
Magugulat ba si Lotlot kung biglang magsabi si Janine na nais na nitong mag-asawa?
“Well, alam mo, basta ako, kung nakikita ko na tinatrato yung anak ko nang maayos, na may respeto, na aalagaan siya nang mabuti at mamahalin at magiging tapat, bakit hindi?
“Nasa marrying age na siya, if she finds the right man for her, na with all the qualifications na hinahanap niya, bakit hindi?
“Again, I trust my daughter’s decision.”
Samantala, ano ang naramdaman ni Lotlot na noong pumasok sa showbiz si Janine ay kilala lang ito bilang “anak nina Lotlot at Monching” o “ang gandang babae!.”
Pero pinatunayan ni Janine with her many acting awards na hindi lamang siya pretty face kundi isa ring mahusay na artista?
“I’m very proud,” bulalas ni Lotlot.
“Kagaya ngayon paalis siya, she’s going to Venice, she has a movie with direk Lav Diaz, with Tito Ronnie Lazaro, she’s so excited.
“Actually, nung nagsu-shooting sila niyan, tuwang-tuwa na talaga si Janine na napili siya ni direk Lav!
“Ang ganda din nung story, so kaabang-abang and para mapili siya to participate in the Venice Film Festival, it’s an honor,” tuwang-tuwang reaksyon pa ni Lotlot na pagtukoy sa pelikulang Phantosmia.
“Sabi ko nga, ‘Excited na akong makita ka to walk that red carpet’, kasi naka-entry din dun yung pelikula ni Lady Gaga saka ni Joaquin Phoenix, yung Joker sequel, iyon yung nakakatuwa,” sinabi naman ni Lotlot.
Ang nabanggit na pelikula nina Joaquin Phoenix at Lady Gaga ay ang Joker: Folie à Deux.