Julia Montes celebrates 27th birthday on the set of Ang Probinsyano.

Mangiyak-ngiyak si Julia Montes sa birthday surprise na pinangunahan ng kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin.
Noong March 19, 2022 pa ang ika-27 kaarawan ni Julia. Pero kahapon, March 20, siya kinantahan at inalayan ng cake ni Coco at ng lahat ng mga kasamahan niya sa Kapamilya prime-time series na Ang Probinsyano.
Ayon kay Rosanna Roses, na bahagi rin ng teleserye, abala kasi ang lahat sa taping kaya medyo naantala ang sorpresa para kay Julia.
Buong caption ni Rosanna sa video na kanyang ibinahagi sa Facebook: “Yeyyyy kanina lang sya nakantahan. Dami kasi work ng lahat.”
In-upload din ito ni Rosanna sa kanyang Instagram, at iba naman ang isinulat niyang caption. Mas maiksi rin ang video na ito kaysa na-upload niya sa Facebook.
Saad ng aktres, “Happy Birthday bebe juls we love you @montesjulia08”
Kitang-kita naman ang kasiyahan sa mukha ni Julia sa sorpresa sa kanya ng mga katrabaho.
Sa isang bahagi ng video, makikitang hinalikan ni Coco si Julia sa pisngi.
Sa bandang dulo naman ay nagyakapan ang magkasintahan.
Kinilig naman ang kanilang mga katrabaho sa sweet moments ng dalawa.
THE COCO-JULIA RUMORED RELATIONSHIP
Matagal nang napapabalitang magkarelasyon sina Coco at Julia, pero hindi pa rin sila direktang umaamin hanggang ngayon.
August 2016, hindi itinanggi ni Julia na si Coco ang pinakamalapit na lalaki sa kanya.
Aniya, “Flattered naman po. Kasi kahit ako, kapag ako natatanong, siya naman po ang close ko, siya rin ang…”
October 2016, inanunsiyo ng Cornerstone Entertainment, Inc. na sila na ang mamamahala sa showbiz career ni Julia.
Usap-usapan noon na si Coco ang nag-udyok kay Julia na iwanan ang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, upang maamin na nila ang kanilang relasyon.
Noong panahong iyon ay nasa ilalim ng Star Magic ang dalawa, bagamat ngayon ay nasa pangangalaga na ni Biboy Arboleda si Coco.
Gayunman, walang pag-aming naganap sa pagitan ng dalawa.
December 2017, umugong ang balitang naghiwalay na sina Julia at Coco.
Enero ng taong 2018, sa grand presscon ng Asintado, ang pinagbidahang panghapong serye ni Julia noon sa ABS-CBN, isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naimbitahan upang ma-interview ang cast.
Dito ay inusisa namin si Julia kung bakit hindi mamatay-matay ang isyung may relasyon sila ni Coco.
Sagot ng aktres, “Kasi siguro, close talaga kami.
“Hindi lang siya naging close dahil lang sa trabaho, kasi prior nga, lagi naming sinasabi before pa, nagkasama na kami.
“Hindi siya yung, parang, after work, wala na. May communication pa rin.”
Sa tanong kung perfect boyfriend ba si Coco, nakangiting sabi ni Julia, “Maano siya, maalagang tao, mabait, mapagmahal.
“So, kung as a boyfriend, yes.”
News
Vice Ganda, Napikon Sa Nanay Ng Batang Nagpa-Picture Sa Kaniya?: Ogie Diaz Nag-React
Lumulutang sa social media ang isang video kung saan makikita si Vice Ganda na tila napikon sa ina…
Daniel Padilla, Balak Nga Bang Ligawan Ulit Si Kathryn Bernardo?
Sa kasalukuyang panahon, napakalaki ng pagpapahalaga ni Daniel Padilla sa kanyang pag-unlad at pagbabago para sa kanyang sarili. Isa…
Management Ni Jaclyn Jose Nagsalita Na Sa Biglaang Pagpanaw Ng Actress Sa Edad Na 59
Kasalukuyang nagluluksa ang local entertainment industry dahil sa paglabas ng balita ng biglaang pagpanaw ng batikang aktres na si…
VICE GANDA BiNULGAR ANG GiNAWA NI COLEEN GARCIA KAY BILLY CRAWFORD!
VICE GANDA BiNULGAR ANG GiNAWA NI COLEEN GARCIA KAY BILLY CRAWFORD! Introduction Isang nakakagulat na insidente ang naganap sa isang…
Nora Aunor natakot nang sigawan ni Gina Alajar ang kaeksena niya: “Tapos, sumigaw siya talaga! Natakot ako!”
Nora Aunor natakot nang sigawan ni Gina Alajar ang kaeksena niya Nora Aunor: “Tapos, sumigaw siya talaga! Natakot ako!” Nora…
Paolo Contis Isiniwalat Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Siya Nagbibigay Ng Sustento Sa Kanyang Mga Anak
Nagbigay na pahayag ang aktor na si Paolo Contis patungkol sa hindi niya pagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak…
End of content
No more pages to load