Derek Ramsay denies Sarah Lahbati went to his Alabang home “bloodied”

Derek: “Yung duguan na yan, ewan ko ba. Ewan ko saan nanggaling yan.”
Derek Ramsay denies Sarah Lahbati run to their Ayala, Alabang home "bloodied"
Derek Ramsay, seen with wife Ellen Adarna, strongly denies Sarah Lahbati (right) went to their Ayala, Alabang abode “bloodied.”

Mariing pinabulaanan ni Derek Ramsay ang mga kumakalat na balitang duguang pumunta sa bahay nila ng misis na si Ellen Adarna sa Ayala, Alabang, si Sarah Lahbati.



Magkapitbahay ang mag-asawang sina Derek at Ellen, at si Sarah at ang mister nitong si Richard Gutierrez.

Ngayong gabi ng Miyerkules, December 20, 2023, sa eksklusibong pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kampon actor, sa pamamagitan ng Facebook messenger, pinabulaanan niya ang balitang ito.

Ayon kay Derek, magkaibigan si Sarah at ang best friend ni Ellen na si Vito Selma.

Si Vito ay isang tanyag na furniture designer mula sa Cebu.

Lahad ni Derek sa PEP.ph, “Si Sarah ay pumupunta dito sa bahay dahil kaibigan niya yung best friend ni Ellen.

“At ang anak ni Sarah at anak namin ay nagpupunta sa same school.

“So, yung duguan na yan, ewan ko ba. Ewan ko saan nanggaling yan.

“Basta si Sarah, parang two times pa lang, three times nagpunta dito para bisitahin si Vito na best friend ni Ellen, kasi may colab din sila sa furniture.”

Sa hiwalay na panayam naman ni Cristy Fermin kay Derek sa online show na Cristy FerMinute ngayon ding araw, sinabi ng aktor na kung totoo ngang may ganoong pangyayari — na duguan si Sarah at hihingi ng tulong sa kanila — siya mismo ang pupunta sa bahay nina Sarah at Richard Gutierrez at kakausapin niya ang huli.

Saad ng aktor, “Hindi pumunta dito si Sarah na duguan. Kasi kung duguan pumunta dito, ako mismo pupunta dun sa bahay ni Richard at kakausapin ko siya.”

Dagdag pa ni Derek, “This is between Richard and Sarah.

“I think all parties should keep quiet, kasi in my experience, people who talk more are the ones na may itinatago.

“Both parties are keeping quiet and it’s sad na may ganito.

“Pero ang dapat talagang pag-iisipan, as a guest, kasi family man na talaga ako, naaawa… yung ang mga bata.

“Dapat tahimik na lang.”