Aleck Bovick: “…nasa LGBT world tayo ngayon.”

Matapang na inamin ng dating sexy star na si Aleck Bovick na kamakailan lang nang malaman niya ang kanyang tunay na sexual orientation.
Ito ay ang pagiging bahagi niya ng LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, and asexual) community.
Ang pagsasapubliko ni Aleck ay naganap nang mag-guest siya sa GMA Public Affairs program na Lutong Bahay sa GTV, hosted by Mikee Quintos, nitong Huwebes, February 6, 2025.
Dito ay nabanggit ni Mikee ang naikuwento noon ni Aleck tungkol sa paghahanap nito ng kanyang identity.
Saad ni Mikee, “Sabi niyo po na, for a while, nahirapan kayong hanapin yung identity niyo.
“Sabi niyo, last year lang, at 39-year-old, niyo lang nahanap yung sexuality niyo.
“Ano pong kuwento nun?”
Pagbabahagi ni Aleck, bago siya tumuntong sa edad na forty (40) ay pumasok na sa isip niyang tila may kulang sa kanyang pagkatao.
Pilit daw itong hinanap ni Aleck hanggang sa mapagtanto niyang may kinalaman ito sa kanyang sexual preference.
Pahayag niya: “Bata pa lang kasi ako, meron na akong napi-feel, napapansin sa sarili ko. Pero hindi ko siya pinansin or in-entertain, tuluy-tuloy lang.
“The way ako kumilos, the way ako pumorma, the way ako magsalita.
“Tapos ayun, nung thirty-nine na ako, sabi ko, ‘Magpo-forty na ako, parang may something missing.’
“Hindi ko alam kung ano yon. So, para kang hinahanap mo, anong mali, parang may kulang, parang ganon.
“Tapos, ayun na.”
ALECK ADMITS HAVING A PARTNER
Sundot na tanong ni Mikee, “May partner na po kayo ngayon?”
Dito na sa puntong ito inamin ni Aleck na mayroon siyang partner ngayon, at bahagi rin siya ng makulay na LGBTQ community.
“Yes, nasa LGBT world tayo ngayon,” matapang na pag-amin ng aktres.
Naunahan din daw kasi siya noon ng takot na baka hindi siya matanggap ng mga tao sa kanyang paligid dahil sa biglaan niyang pag-a-out.
Lahad ni Aleck, “Nung una, yes [nahirapan akong i-accept].
“Kasi ang tanda ko… ‘Ano na lang sasabihin nila? Paano yung ganito-[ganyan]? Totoo ba ito. Mako-confirm ko ba sa sarili ko?’
“Tapos, parang sabi ko, ‘E, keber. Kung ganito talaga ako, kailangan kong tanggapin, kailangan ko siyang i-accept.’”

Dagdag pa niya, “Hindi ka rin naman siguro magiging selfish kung pipiliin mo rin namang [tanggapin] at mahalin yung sarili mo.”
Nagkaroon na noon ng bulung-bulangan tungkol sa sexual preference ni Aleck.
Taong 2008 nang mahiwalay siya sa partner niya noon, ang actor-producer na si Carlo Maceda dahil umano sa third party.
Nangyari ito ilang buwan lamang makaraang isilang ni Aleck ang anak nila ni Carlo na si Leonne Lancelot noong January 2007.
Dito rin unang lumabas ang haka-hakang lesbian si Aleck.
News
Piolo Pascual at Gabby Concepcion, Nasa Kontrobersiya Matapos ang Di-inaasahang Insidente!
Muling yumanig ang mundo ng showbiz matapos kumalat ang balitang may tensyon sa pagitan nina Piolo Pascual at Gabby Concepcion….
Christine at Axel Sinupalpal Si Vice Ganda Dahil Sa Maling Statement Nito Sa Showtime!
Lalong lumaki ang isyu sa pagitan ng It’s Showtime host na si Vice Ganda at dalawang guest/contestant sa segment…
Nasapawan Si Kapuso Star, Kapamilya Aktres Bagong Primetime Queen?
Mainit na pinagdedebatehan ngayon ng maraming mga netizens sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa pagiging bagong…
Andi Eigenmann, Nag-React Matapos Mapabilang Ni Jaclyn Jose Sa ‘Memoriam’ Ng Oscars 2025
Nagbigay ng reaksyon si Andi Eigenmann, isang dating aktres, hinggil sa pagkilala sa kanyang ina na si Jaclyn Jose,…
Lolit Solis: Walang experience si Bong sa beki, hindi complete buhay niya
Lolit Solis at Bong Revilla PINAIYAK ni Manay Lolit Solis ang kanyang alagang si Sen. Bong Revilla, Jr. sa naging…
Jaclyn Jose honored in Oscars’ In Memoriam segment
The late screen actress Jaclyn Jose was honored and remembered in the In Memoriam segment of the recently concluded 2025…
End of content
No more pages to load