Dina Bonnevie, na-beast mode dahil sa mabaho niyang tent sa taping
-feature.jpg?v=1664447052)
PHOTOS: @dinabonnevie0127 on Instagram
Sosyalera ang papel ni Alma Moreno sa Kalye Kweens bilang president ng home owners’ association ng isang village habang kapitana naman ng barangay ang role ni Dina. Pero sa totoong buhay, aminado si Dina na mas maselan at mas maarte s’ya kumpara kay Alma. In short, tila nagkapalit daw sila ng role dahil siya dapat ang sosyal.
May nakakatawa at nakakalokang experience pala itong si Dina Bonnevie habang sinu-shoot nila ang upcoming TV5 comedy series nilang Kalye Kweens dahil minsan daw siyang na-assigned sa isang mabahong tent.
Ipinatapat n’ya ito sa naging tsikahan nila ng kumare at co-star n’yang si Alma Moreno sa entertainment press kahapon, September 28.
Napunta ang usapan sa naging karanasan ni Dina sa kanyang tent nang mapagkumpara ni Alma ang kanilang mga roles sa nasabing comedy show.
Sosyalera kasi ang papel ni Alma na president ng home owners’ association ng isang village habang kapitana naman ng barangay ang role ni Dina.
Pero sa totoong buhay, aminado si Dina na mas maselan at mas maarte s’ya kumpara kay Alma. In short, tila nagkapalit daw sila ng role dahil siya dapat ang sosyal.
“Sabi ko, ako pa naman ’yong, ‘Eeew! Ang dumi-dumi,’” nakakatawang pagpapaka-totoo ni Dina sa harap ng press people.
“Ganyan s’ya. Ako wala. Ako ang napunta sa [mayamang role]. Baliktad,” natatawang agree naman ni Alma. “Dapat du’n s’ya sa sosyal.”
At sa puntong ito na na-open ang naging karanasan ni Dina nang ma-assign s’ya sa mabaho umanong tent.
“Si Ness [nickname ni Alma] napunta doon sa sosyal na part. E, ako ’yong, ‘Amoy manok! Amoy tae ’yong tent ko!’” pagre-recall ng aktres sa kanyang naging reklamo with matching demo.
Nakagalitan nga raw n’ya ang taga-production dahil sa nangyari.
“‘Bakit mo doon ako nilagay?’ ‘Ms. D, pasensya na kasi merong ano d’yan…’ ‘E, bakit mo pinili ito? Amoy tae! Hindi ako magla-last d’yan. Asan ang Lysol [Disinfectant Spray]?’ Nilagyan ng Lysol [pero] hindi pa rin natanggal [ang mabahong amoy],” tila sumbong pa ni Dina sa press.
Huli na raw nang ma-realize nila na naitayo pala ang tent n’ya malapit sa basurahan at manukan.
“Sa likod pala [ng tent ay may] tambakan ng basura. ‘Ay, hindi p’wede. Kuhanan mo ako ng bagong tent! Sabi ko, ‘Dapat palit na lang kami ni Nes,’” natatawang recall niya sa request n’ya that time.
Ang nakakatawa, kung gaano daw katindi ang pagka-tensyon n’ya ay s’ya namang pagiging kalmado ni Alma.
“Pero si Ness parang, ‘Oh, ano’ng nangyari sa’yo?’ ‘Ang baho-baho ng tent ko! Buti pa ’yong sa’yo, ang bango-bango. ’Yong sa akin mainit, ’yong sa’yo malamig.’ ‘Oh?’ S’ya kalmang-kalma, ako [beast mode],” lahad pa n’ya sa usapan nila na ikinatawa ng press people.
“Kasi naman, maghapon ka [doon], kaya mo? One hour pa lang… kasi puro tae ha. As in, puro tae ang amoy. Hindi pala nila alam na sa likod [ng tent ay] tambakan [ng dumi],” katwiran ng seasoned actress.
“Hindi rin nila alam na sa likod din nu’ng mga plants may mga manok. Hindi nila alam. So, nu’ng hinanap nila, ‘Bakit ang baho-baho dito?’ Tapos, [nagsiputakan ang mga manok], ‘Ay, may manukan pala.’”
Kaya naman nagpumilit daw s’ya mailipat talaga ng tent dahil hindi n’ya daw kinaya ang amoy.
“Hindi ito p’wede. Hindi ako magla-last [sa loob ng tent], ’no? Paano ko gagawin ang mga eksena…’” salaysay ng aktres.
Pinatotohanan naman ni Alma ang naging experience ni Dina sa location nila.
“Naririnig ko s’ya. ‘Atsu-tsu-tsu-tsu…’ ‘Ay, si Dina, nagagalit,’” tsika ng mommy ni Winwyn Marquez.
“Biglang lumabas ito [si Alma]. ‘Ano’ng nangyari sa’yo?’ Kalmang-kalma. ‘My God, Ness, ’yong [tent] ko amoy tae!’” tuloy-tuloy pa ring pagbabalik-tanaw pa ni Dina sa sumbong n’ya sa kanyang kumare.
Umabot din daw sa point na pinagpalit na lang sila ng tent ni Alma at game naman daw na pumayag si Alma.
“Tapos nu’ng second [time], kinausap na nila ako. ‘P’wede ba si Ms. D [dito]?’ Sabi ko, ‘Oo, dito s’ya [sa tent ko]. Ako ang [lumipat sa p’westo mo], ’di ba? Ako ang nasa likod. S’ya ang [napunta sa harap]. Sabi ko, ‘Sige, walang problema,’” lahad ni Alma.
“Nilinis naman kaya lang ’yong amoy [nandu’n pa rin]. Nilinis naman,” pagtatapos naman ni Dina.
Anyway, mapapanood ang nakakaaliw na bangayan nina Dina at Alma, kasama sina Vitto Marquez, Jairuz Aquino, Aubrey Caraan, and more, sa Kalye Kweens simula October 1 (Sabado), 8:30pm sa TV5, at tuwing Linggo, 8:00pm sa Sari Sari Channel.
News
Breaking News: Many netizens were left in tears after Dani Barretto’s emotional birthday message for her mother, Marjorie Barretto — a post that sparked heated debates! /lo
Dani Barretto, with a touching birthday message for Marjorie Barretto – Dani Barretto, a famous celebrity, tugged at the heartstrings…
‘Kadenang Ginto’: Romina and Cassie are left shattered as they uncover the devastating truth about Robert in a heart-wrenching climax! (VIDEO) /LO
‘Kadenang Ginto’: Romina, Cassie find out truth about Robert in heartbreaking climax Romina (Beauty Gonzales) and Cassie (Francine Diaz) find…
UNBELIEVABLE! Robert Mondragon and Cassie finally meet — the emotional moment from Kadenang Ginto on October 30, 2024!
A Heart-Wrenching Moment: Robert Mondragon and Cassie Reunite in Kadenang Ginto (October 30, 2019) On October 30, 2019, a momentous…
Vice Ganda’s reaction to Anne Curtis giving birth will leave you speechless! /LO
Vice Ganda’s Heartfelt Reaction to Anne Curtis’ Childbirth: A Celebration of Friendship and New Beginnings The Philippine entertainment industry has…
Sam Milby insists that he and Catriona Gray are on good terms despite their breakup! /LO
Sam Milby Iginiit Maayos Sila Ni Catriona Gray Kahit Hiwalay Na Matapos ang halos isang taon ng mga usap-usapan at…
Breaking News: Public was left stunned after the shocking revelation of Dina Bonnevie’s true connection with Kristine Hermosa! /LO
Public Shocked by the Real Relationship Between Dina Bonnevie and Kristine Hermosa: A Surprising Bond Unveiled In the world of…
End of content
No more pages to load