Alden Richards on Maine Mendoza and Arjo Atayde wedding: “‘Yong nabibigay ni Arjo sa kanya is ‘yong talagang love na deserve n’ya and I’m very happy for them—sincerely.”
Isa sa mga araw ng buwang ito ng Hulyo ay nakatakda nang mag-exchange ng I dos sina Maine Mendoza at Congressman-actor Arjo Atayde.
At alam naman ng lahat na naging malapit sa isa’t isa sina Maine at Alden Richards by virtue of their nabuong loveteam, ang AlDub, sa “Kalyeserye” ng Eat Bulaga.
“Very much, Maine Mendoza has been a very huge part of my life… hindi ko alam kung ganu’n din ako sa kanya pero ako that’s how I feel,” agad na saad sa amin ni Alden nang makaharap namin siya after the presscon proper ng iho-host n’yang talent search, ang Battle of the Judges.
At inalam nga namin sa kanya kung ano ang damdamin niya ngayong malapit ng maging Mrs. Atayde ang matagal niyang naka-loveteam.
“Parang hindi ako masyadong naging vocal about this for the longest time and I think it’s the right time [to say ang] malaking pasasalamat ko sa kanya… sa pagtiwala n’ya sa akin, in a way,” pagpapatuloy ni Alden.
“And although may we had differences and misunderstandings in the past, at least, we remained good friends.
“And ngayon nga po na medyo tuluyan na talagang parang nawalan ng possibility na makabalik po ako sa Eat Bulaga it’s because of different network and exclusive po ako. So, medyo nakakalungkot.”
(He actually meant E.A.T.)
Sa pagkakakilala raw niya kay Maine, alam niya raw na ito ang gusto talagang mangyari nito sa kanyang buhay, ang maging maybahay at a certain age.
“Now that she’s going into a path na talagang nakuk’wento na n’ya sa akin na gusto niya ever since… kasi si Maine very planned ‘yong buhay n’ya, very goal-oriented—by the age of ganito, ganito na ako—So, ngayon na nandyan na s’ya… ngayon, of course, with Arjo [Atayde], siguro ‘yong nabibigay ni Arjo sa kanya is ‘yong talagang love na deserve n’ya and I’m very happy for them—sincerely.
“Sinasabi ko ‘yon sa kanya and I really wish her well and sana I hope that wherever she is now, I hope that she’s very happy kasi for the longest time she deserves that. And ‘yon ang dapat para sa mga taong nagtatrabaho ng…she’s hard working and kumbaga kasi parang biglaan din po ‘yong dating po talaga sa buhay ni Maine ng show business, e. So, kumbaga, I think this is her reward.”
Nabanggit din namin kay Alden ang tungkol sa mga nananatiling AlDub fanatics na naniniwala pa ring sila talaga ni Maine ang may relasyon at may anak pa nga raw. Ang kasal kaya ni Maine kay Arjo ang magtutuldok na sa ganitong paniniwala?
Maganda ang naging paliwanag ni Alden tungkol dito.
“Dumating na rin po ako sa time na... let’s just give it to them,” aniya. “Kumbaga, we said already our part, we answered all the speculations… wala po kaming anak, hindi po kami mag asawa, everything! Because ‘yong realidad po is ito.
“Of course, Maine and Arjo are together and they’re engaged and they’re getting married… But for me, ayoko ko na po silang durugin. Ayoko na pong sabihin nang sabihin paulit-ulit na parang ipamukha na wala, wala, wala.
“Basta ‘yon na po ‘yong nasabi namin. Maine said her piece, I said my piece… but kumbaga if doon ‘yong kaligayahan ng mga tao na still they believe in that, bakit natin tatangalin ‘yon sa kanila? So, parang hayaan na lang natin po. ‘Yon po.
“But on my end, nasabi ko na po ‘yong piece ko so whatever it is that they want to speculate on, kayo na pong bahala. Pero, of course we are grateful for all the support that we have received during our time.”
Biro naman namin, baka mas magka-closure na pag siya naman ang ikinasal?
“‘Yon na ang ultimatum. Malapit na yata ‘yan!,” sakay naman ni Alden.
Hirit pa ulit namin na baka may non-showbiz girlfriend lang siya na ayaw niyang ipakilala sa amin.
“Wala po. Wala po, Miss Anna.”
News
SAD NEWS: Alden Richards will temporarily stop showbiz activities after losing his grandfather
Alden Richards Magpapahinga Muna Sa Showbiz Matapos Ang Pagkawala Ng Kanyang Lolo Nagdesisyon muna si Alden Richards, ang tinaguriang Asia’s…
Unbelievable: Rufa Mae Quinto Physically Impacted and Shares Her Near-Death Experience During Her Last Visit to the US
Rufa Mae Quinto, muntik nang mategi habang nasa US! Ibinahagi ng Kapuso comedy actress na si Rufa Mae Quinto ang…
Dindo Balares Reveals Secret Conversation With Kris Aquino – What Did The Media Queen Say?
Kris Aquino, known as the “Queen of All Media” in the Philippines, has always been in the spotlight not only…
Carmina Villaroel Explodes in Anger Over Questions About Mavy Legaspi’s Father: “Si Aga ba?”
In a recent interview, actress Carmina Villaroel couldn’t hide her frustration and anger over repeated questions regarding the paternity of…
Marian Rivera flaunts new hairstyle for the New Year
Marian Rivera flaunts new hairstyle for the New Year Fans and followers of Kapuso actress Marian Rivera-Dantes were mesmerized upon…
Sofronio Vasquez shocks the music world by signing with Taylor Swift’s record label after making history on The Voice
Sofronio Vasquez shocks the music world by signing with Taylor Swift’s record label after making history on The Voice Years…
End of content
No more pages to load