Maingat si Mayor.

“Huwag! Maawa ka. Maawa ka!” ang pahayag o pakiusap ni Lucena City Mayor Mark Alcala sa Cabinet Files nang tanungin ito kung gustong magkaroon ng Part 2 ang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Hulyo 29, 2024.
Naiulat noon ang diumano’y kanyang panliligaw kay Kathryn Bernardo.
Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap ang 29-year-old mayor ng Lucena City nang mag-courtesy call sa kanya noong Pebrero 18, 2025, ang television host na si Willie Revillame na kumakandidatong senador at si Atty. JP Padiernos ng GP Party-list.

Alam ni Alcala na unang lumabas sa PEP ang balita tungkol sa panliligaw niya kay Kathryn kaya nagtanong siya kung sino ang source ng Cabinet Files habang nakamasid at napapangiti ang kanyang ama, si Vice-Mayor Dondon Alcala ng Lucena City.
Nagulat si Alcala nang sabihin ng Cabinet Files na malapit sa kanya ang pinagmulan ng balita, pero nabigo siyang malaman dahil tumanggi kaming isiwalat ang katauhan ng aming “reliable source.”
Nang itanong ng Cabinet Files kung totoo ba o hindi na nanliligaw siya kay Kathryn, walang kinumpirma o itinanggi ang alkalde.
Mauunawaan ang pagiging maingat ni Mayor Mark sa pagsasalita dahil naranasan na niyang mabatikos nang unang lumabas ang balita tungkol sa kanyang panliligaw sa aktres.
Muling napag-uusapan ang diumano’y pagkakamabutihan nina Mayor Mark at Kathryn dahil sa lumitaw na balita na diumano’y may relasyon na sila simula pa noong Disyembre 2024.
Pero ayon naman sa mga nakakaalam sa kuwento, nasa “dating” stage pa lamang ang dalawa.
News
Sixto Dantes Proving That Greatness Knows No Age: Gold Medal in Taekwondo!
Sixto Dantes Proving That Greatness Knows No Age: Gold Medal in Taekwondo! 🥇✨ In an inspiring display of talent and determination,…
Si Baste Duterte ANG TOTOONG TATAY ng ANAK ni John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna?
BREAKING NEWS: “Si Baste Duterte ANG TOTOONG TATAY ng ANAK ni John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna?” Isang napakalaking eskandalo…
Boy Scout Elias Modesto Cruz wins hearts online
A netizen commented, “Ang guapooo!” Ellen Adarna’s son, Elias Modesto Cruz, continues to win over social media with viral photos…
Ellen reveals true reason why she and John Lloyd split
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna and Elias FOLKS have been asking why John Lloyd Cruz and Ellen Adarna called it quits after they had a…
Ysabel Ortega, The Stunning Daughter of Lito Lapid and Michelle Ortega, Reveals Shocking Secrets About Her Family!
Ysabel Ortega: Ang Magandang Anak ni Lito Lapid at Michelle Ortega Si Ysabel Ortega ay isa sa mga pinakasikat na…
PHILMAR ALIPAYO Makes Explosive Revelations About Andi Eigenmann and Jake Ejercito – You Won’t Believe What He Said!
In an unexpected and explosive revelation, professional surfer Philmar Alipayo has opened up about his relationship with Andi Eigenmann and…
End of content
No more pages to load