
Hindi pinalampas ni Sharon Cuneta ang pagkakataong masaksihan ang makasaysayang pagbabalik-noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—kilala rin sa tawag na TVJ—at ng legit Dabarkads.
Present si Sharon sa pilot episode ng EAT—ang pangalan ng bagong noontime show ng TVJ sa TV5 nitong Sabado, July 1, 2023.
Sa kanyang pagbisita sa EAT, nag-alay si Sharon ng awitin para sa mga Dabarkads.
Kasama ang iconic TV host na TVJ, inawit nila ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” at “Bituing Walang Ningning.”
Ayon kay Sharon, labis-labis ang kasiyahan niya nang sa wakas ay nakabalik na sa ere ang TVJ.
Ngunit katambal nito ang naramdaman niyang pagkadismaya sa naging trato ng TAPE Inc. sa TVJ.
Ang TAPE Inc. ang producer ng longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga!
Pahayag ni Sharon, “Karangalan ko pong narito ako dahil bumalik sa ere ang ating show ng TVJ.
“Pero talagang sumama ang loob ko dahil dapat inalagaan kayo.
“Ayoko yung pinagdaanan niyo, you didn’t deserve that.”
Humirit naman si Joey na maaaring pagmulan ng away ang naging pahayag ng Megastar.
Natatawang sagot ni Sharon sa kanya, “Hindi naman, kalmang-kalma nga ako.”
Depensa pa ng singer-actress, mayroon mang ibang noontime show sa bansa ay iba pa rin ang saya at pagmamahal na naibibigay ng TVJ at “legit Dabarkads” sa kanilang manonood.
Ani Sharon, “Maraming shows sa noontime, ang may kanya-kanyang nagmamahal pero iba pa rin ang pagmamahal sa mga kasama ng TVJ at Dabarkads.
“So, huwag nating pababayaan na mawala ang kaligayahan ng taumbayan.”
Noong June 29, 2023, unang inanunsyo ni Sharon sa kanyang Instagram ang paglabas niya sa noontime show bilang suporta sa TVJ.
Malaki raw kasi ang naging tulong ng Eat Bulaga! sa kanyang karera sa loob ng 44 years nito sa ere.
Binanggit din ni Sharon ang naging partisipasyon nina Tito at Joey sa kanyang showbiz career.
Si Sharon ay pamangkin ni Helen Gamboa-Sotto, asawa ni Tito at kapatid ng yumaong ina ng Megastar na si Elaine Cuneta.
Ayon sa singer-actress, “See you on July 1!!! [heart emojis] Without my Daddy Tito Sotto who discovered me, I never would have become a singer or (more importantly) have had a second father; without Tito Vic Sotto I never would have had my first memorable hits after Mr. D.J.; without Tito Joey De Leon I never would have had memorable hits after Mr. D.J. as well, or a first co-host on my own The Sharon Cuneta Show from 1986 on IBC 13 until around 1988 on ABS-CBN”
Sabi pa ni Sharon, regular siyang napapanood sa Eat Bulaga! mula pa noong ito ay nasa RPN-9, ang unang tahanan ng longest-running noontime show sa Pilipinas.
Nirerespeto naman daw ng kanyang home network na ABS-CBN ang kanyang desisyong lumabas paminsan-minsan sa Eat Bulaga! kahit nasa ibang istasyon ito.
Aniya (published as is), “I have a 44-year history with eat-bulaga — I used to appear there regularly starting in their first home, RPN 9, in my St. Paul uniform without makeup!
“As much as I love my ABS-CBN Kapamilya, I could NEVER NOT give importance to my eat-bulaga family.
“My home station ABS-CBN has known and respected this since I joined it in 1988.
“Wala pang legit dabarkads o si @iceseguerra sa Little Miss Philippines sa eat-bulaga noon, ako na ang baby nila!”
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load