Vico Sotto, pumalag sa aniy’ay troll account na nagpakalat ng maling impormasyon
– Pinuna ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang troll account na nagpakalat ng maling impormasyon tungkol sa paggamit niya ng campaign tarpaulins
– Ipinaliwanag niya na simula pa noong 2016, hindi siya nagpapakabit ng tarp bago ang opisyal na campaign period na magsisimula sa Marso 29, 2025
– Binigyang-diin niya ang malaking “loophole” sa batas na nagpapahintulot sa premature campaigning, dahilan kung bakit maraming kandidato ang lumalabag sa mga regulasyon ng Comelec
– Nanindigan si Sotto na hindi na uubra ang tradisyunal na pulitika sa Pasig at nanawagan sa mga Pasigueño na ipakita ang pagbabago sa darating na halalan
Pinuna ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang troll account na nagpakalat ng maling impormasyon tungkol sa paggamit niya ng campaign tarpaulins. Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Sotto ang screenshot ng nasabing post ng troll at tinawag itong isang halimbawa ng mga taktika upang guluhin at lituhin ang publiko.

Source: Facebook
Ipinaliwanag ng alkalde na simula pa noong 2016, hindi siya nagpapakabit ng tarp bago ang opisyal na campaign period, na magsisimula pa lamang sa Marso 29, 2025. Aniya, bagamat may ilang tagasuporta na kusang nagpapagawa ng tarp, lagi niya itong pinakikiusapan na huwag munang ikabit bago ang itinakdang panahon.
Binigyang-diin din ni Sotto ang malaking “loophole” sa batas pagdating sa premature campaigning, kung saan pinapayagan ng desisyon ng Korte Suprema ang maagang pangangampanya dahil hindi pa opisyal na kandidato ang isang tao hangga’t hindi pa nagsisimula ang campaign period. Dahil dito, marami umanong pulitiko ang walang takot na lumalabag sa mga regulasyon ng Comelec ukol sa laki ng campaign materials at gastos sa pangangampanya.
Dagdag pa ng alkalde, dapat tanggalin ang anumang campaign materials na nakakabit sa pampublikong lugar, anuman ang partido o kandidato. Gayunpaman, kung ang mga ito ay nakalagay sa pribadong ari-arian, dapat umanong magpaalam muna sa may-ari. Sa pagtatapos ng kanyang post, muling pinanindigan ni Sotto na hindi na uubra sa Pasig ang lumang istilo ng tradisyunal na pulitika, at muling nanawagan sa mga Pasigueño na ipakita ang pagbabago sa darating na halalan
Si Vico Sotto ang kasalukuyang alkalde ng Lungsod ng Pasig. Ipinanganak siya noong Hunyo 17, 1989 at anak ng aktor at TV host na si Vic Sotto at aktres na si Coney Reyes.
Nakilala siya bilang isang reformistang lider na lumalaban sa tradisyunal na pulitika at padrino system sa Pasig. Noong 2019, tinalo niya ang mahigit tatlong dekadang pamumuno ng pamilya Eusebio sa lungsod. Sa kanyang termino, ipinagdiinan niya ang transparency, good governance, at anti-corruption measures.
Muling nahalal si Sotto noong 2022, at patuloy niyang ipinapatupad ang mga reporma sa lungsod, kabilang ang mas epektibong social services, digitalization ng proseso sa city hall, at maayos na urban planning.
Naging usap-usapan si Vico sa social media dahil sa isang viral na video kamakailan. Sa TikTok, isang user na may pangalang @lafable26 ang nag-upload ng video kung saan makikitang nakikipag-usap si Mayor Vico sa isang matandang babae. Ngunit bigla na lamang binanggit ng matanda ang pangalang “Aga,” na agad na nakatawag ng pansin ng alkalde. Sa huli, nagbigay si Mayor Vico ng nakakatawa ngunit tapat na sagot sa matanda.
Ang muling pag-post ni Ogie Diaz sa social media tungkol sa kung sino ang nais niyang suportahan sa halalan sa pagkapangulo sa 2034 ay naging usap-usapan online. Sa kanyang repost, ibinahagi ni Ogie ang isang post na pumupuri sa kakayahan sa pamumuno ni Pasig City Mayor Vico Sotto. Nilagyan din niya ito ng caption na nagpapahiwatig kung sino ang kanyang susuportahan bilang pangulo sa 2034. Sa kasalukuyan, 35 taong gulang pa lamang si Mayor Vico, kulang pa ng limang taon sa kinakailangang edad upang tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas.
News
Sunshine Cruz BREAKS SILENCE on Her Heartbreaking Breakup with Macky Mathay! 😢
Sunshine Cruz has opened up on her breakup with Macky Mathay. On Thursday’s “Fast Talk with Boy Abunda,” Sunshine said…
Heartbreaking: Gene Hackman and Wife’s Cause of Death REVEALED!
Gene Hackman and wife cause of death revealed Gene and his wife Betsy reportedly died a week apart from each…
SHOCKING REVEAL! Lyca Gairanod and Her Boyfriend Celebrate Their FIRST ANNIVERSARY—Fans Left In AWE!
In an emotional and unexpected twist, Lyca Gairanod, the former The Voice Kids champion, has shared an intimate glimpse into…
The REAL STORY Behind Aegis Vocalist Mercy Sunot’s Condition Revealed by Doctor Doc Alvin! 😱 What You Need to Know!
The TRUTH Behind Aegis Vocalist Mercy Sunot’s Death: Doctor Doc Alvin’s Analysis Reveals What Happened The Philippine entertainment industry has…
🔥ATONG ANG BINAWI ANG 10M BAGONG SASAKYAN KAY SUNSHINE CRUZ! MATAPOS ANG 2 MONTHS IN-RELATIONSHIP! 🔴
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly taken back a luxury car worth 10 million pesos…
Sunshine Cruz Reveals Shocking Truth: Reconciliation with Cesar Montano Filled the ‘Missing Piece’ in Their Daughters’ Hearts!
Sunshine Cruz says reconciliation with Cesar Montano completed ‘lacking piece’ in their daughters’ hearts Sunshine Cruz opened up about her…
End of content
No more pages to load