Gabby confirms Sharon gifted him with his first pair of color blind eyeglasses.

Ikinatuwa ni Gabby Concepcion, 60, na makitang ginagamit pa rin ng ex-wife niyang si Sharon Cuneta, 59, ang “friendship ring” na bigay niya.
Ipinarating ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gabby na namataang suot ni Sharon ang ring nang dumalo si Sharon sa isang endorsement event nito noong January 30, 2025.
“Yeah, I think yung pagbibigay ng ring is very powerful. Mas lalo na siguro kung [smart watch and ring brand] din yun, makakatulog ka nang mabuti,” nakangiting saad ni Gabby.
Ibang brand ang ibinigay ni Gabby kay Sharon dahil isa lang daw ang health ring na dala niya noon sa U.S.
“At that time, iisa lang yung ring ko. Nagpunta pa ako sa mall at binigyan ko siya ng ring.”
Nakapanayam ng PEP at piling entertainment press si Gabby sa presscon para sa endorsement niya ng mWell smart watch and ring noong Martes, February 25, 2025.
Nagkasama sina Sharon at Gabby sa Dear Heart eight-city concert tour sa U.S. at Canada noong October-November 2024.
November 23 nang bigyan ni Gabby si Sharon ng friendship ring sa gitna ng kanilang concert sa Hawaii.
Patuloy ni Gabby, “Okay naman nangyari sa amin.
In fact, yung umpisa ng Dear Heart was a good thing for us because it renewed friendships.
“From that point on until now, natutuwa ako, minsan nakikita ko sa reels niya—may nagpapadala sa akin—na parati niyang hawak yung ring.
“Thank you very much for cherishing that friendship.”
GABBY CONCEPCION ON GIFT FROM SHARON CUNETA
May regalo ring natanggap si Gabby kay Sharon—isang color blind glasses, na makikitang suot ng aktor sa pictorial niya para sa bagong endorsement.
“Oo, yan yun,” kumpirma ni Gabby sa suot niyang glasses sa tarp na nasa presscon.
“Kasi color blind ako. Kaya pinasuot niya yan sa akin para makita ko raw siya nang mas malinaw,” nakangiting dagdag ni Gabby nang tanungin ng entertainment editor na si Jun Lalin.

Na-appreciate daw ni Gabby ang regalo ni Sharon.
“Of course, kasi ngayon lang ako nakakita, at least sa aking perspective ng version ng green.
“Yung green ko kasi, ako lang nakakaalam ng color na yun.
“Nag-test na ako ilang bess ng color blindedness, talagang green and red ang aking [hindi nakikitang color].
“So, madalas naka-blue or black and white.”
Sabay biro ni Gabby, “Maganda nga kasi I’m not racist. I’m color blind.”
Iyon ang unang color blind glasses niya.
Iyon lang ang gamit niya dahil wala pa raw ibang nagbibigay sa kanya ng color blind glasses.
WILL gabby concepcion TOUR AGAIN WITH SHARON cuneta?
Nang tanungin kung kailan uli sila magkakasama ni Sharon para sa isang concert tour, wala pang pinal na masagot si Gabby.
“Wala pa kami napag-uusapan so di namin alam kung matutuloy yung mga concert na gagawin sana namin abroad.
“Pero hoping na matuloy…”
Sa ngayon ay nakatakda raw gawin ni Gabby ang bagong teleserye niya sa GMA-7.
“…because mag-uumpisa na yung teleserye namin. We’ll end in November. So, baka wala ng time mag-show.
“I’m under contract with GMA, baka di ko magawa yung [concert] shows.”
News
WATCH NOW: Nora Aunor’s dance video is going viral, choreographer Geleen Eugenio talked about Nora with 2 words that shocked the whole country…😱😱(DG)
WATCH NOW: Nora Aunor’s Dance Video Goes Viral, Choreographer Geleen Eugenio Talks About Nora with 2 Words That Shocked the…
REAKSYON ni Coco Martin Di MAPINTA Ang MUKHA ng Makita HARAP-HARAPAN si Doc Analyn Jillian Ward(DG)
Isang nakakakilig na moment ang naganap kamakailan nang magkasama sa isang event si Coco Martin, ang tanyag na aktor at…
ALJUR Abrenica Di KiNAYA Mapinta MUKHA ng HARAPAN sa PASABOG Photo ni KYLIE Padilla Ngayon(DG)
Kamakailan lang, isang viral photo ni Kylie Padilla ang nagbigay ng malakas na reaksyon mula sa mga netizens, pati na…
NAKADUDUROG ng PUSO💔Billy Crawford EMOSYONAL na INALAYO sa ANAK Baby AMARI Dahil sa Daming PROYEKTO(DG)
Ang kilalang singer at TV host na si Billy Crawford ay nagbigay ng isang emosyonal na pahayag kamakailan tungkol sa…
PAG-UUGALI Ni LEA Salonga na PINALAYAS Ang mga FANS na Gusto Magpa-PICTURE sa Kanyang Dressing Room(DG)
Si Lea Salonga ay isang kilalang international performer at Tony Award winner, at isa sa mga pinaka-respetadong pangalan sa industriya…
REAKSYON ng SHOWTIME Host NATULALA Kay ALDEN Richards ng MAKITA HARAPAN Nila sa GMA Gala-Night(DG)
Ang GMA Gala Night ay isang highly anticipated event sa mundo ng showbiz, at isa sa mga pinaka-inaabangan na mga…
End of content
No more pages to load