Noli de Castro Criticized Over Wedding Comment

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang tila wala sa lugar na komento ni Noli de Castro sa closing spiels nila sa TV Patrol kagabi, July 28, 2023.
Ang huling balita kasi ay ang tungkol sa kasalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde at matapos ang balita ay oras na para sa closing banter ng hosts na sina Noli, Karen Davila, Bernadette Sembrano, at Henry Omaga-Diaz.
Ayon kay Karen, kahit gaano kasikat ay maari pa ring ilihim ang kasal ng mga artista o personalidad.
Hirit ni Noli, “Kayo habang kinakasal, kawawa naman yung mga binabagyo.”
Sabay na tila saway nina Karen at Bernadette: “Eto naman, o.”
Dagdag pa ni Noli ukol sa bagyong Egay na kakatapos lamang manalasa sa bansa, “Si Egay na kalalabas lang ay may papalit na naman na si Falcon.
“At ang possibility na maaring ang dinaanan ni Egay ay daanan din ni Falcon, at mabigat yang pasanin para sa ating mga kababayan na hindi pa rin nakakabangon hanggang ngayon.
“Andun pa rin sa lugar kung saan napinsala sila ng bagyo at binabaha.”
Sabi ng isang netizen sa Twitter, “ano ‘to? parang kasalanan pa ni maine & arjo na may bagyo at ngayon kasal nila? kaloka ha nakakasira ng mood ‘yung pagsingit ni noli de castro”
Ayon sa isa pa, “Anong kinalaman nila arjo at Maine dun!?muntanga lang si Noli de Castro”
Ikinasal sina Maine at Arjo sa isang pribadong pagtitipon kahapon din sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City, Benguet.
Alas-tres ng hapon ang kasal nila pero gabi na kumalat ang mga pictures ng seremonya.
Tunay ngang pinahalagahan ng mga bisita ang pakiusap ng bagong kasal na huwag muna maglabas ng mga larawan habang idinadaos ang seremonya.
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load