Emosyunal na nagbigay ng mensahe ang comedian-TV host na si Vice Ganda sa katatapos lamang na contract signing ng ABS-CBN at GMA sa pag-ere sa GMA7 ng Kapamilya show na It’s Showtime.
Sa kanyang speech inilahad niya ang kanyang pasasalamat sa mga taong bumubuo ng GMA Network sa mainit na pagtanggap sa kanila.
Ipinahayag din ni Vice Ganda na palagi niyang sasambitin kung gaano kabait ang mga taga-GMA at kung gaano kaayos kausap ang mga ito.
Emosyunal ding inilahad ni Vice Ganda ang tulong na ibinigay sa kanila ng GMA Network noong lugmok na lugmok ang ABS-CBN.
Ayon kay Vice Ganda, noong sadsad na sadsad ang ABS-CBN ay naroon ang GMA hindi para lalo silang tapakan kundi nag-offer umano ang mga ito ng kamay upang unti-unti silang makabangon sa kanilang pagkakalugmok.
Dahil dito, hinding-hindi umano nila makakalimutan ang tulong na ibinibigay sa kanila ng Kapuso Network.
Nagpapasalamat rin si Vice Ganda sa panibagong opportunity na ibinigay sa kanila ng GMA Network na magkaroon ng panibagong tahanan upang lalo pang maka-reach ng marami madlang pipol.
“Hindi niyo lang kami tinutulungan makatayo, pinagbuksan niyo pa kami tahanan para doon muli magpalakas, magpagaling magpahilom at makatindig ulit, na kapiling kayo,” pahayag ni Vice Ganda.
Inilahad pa ni Vice Ganda na malaki ang pasasalamat ni Vice Ganda sa GMA7 dahil marami naman umano silang pagpipilian subalit sila pa rin ang pinili ng mga ito sa huli.
“Napakarami niyong pwedeng ibang piliin pero sa dulo ay pinili niyo kami. Maraming-maraming salamat po sa pagpili niyo sa amin. Napakarami niyo pong maaring piliin pero sa huli ay pinili niyo ho pa rin kami. Ngayon po na pinili niyo kami, halika na magsanib-pwersa na po tayo para mapanalunan at mapagtagumpayan ang mas malalaking hamon.”
Una nang umire sa subsidiary channel ng GMA na GTV ang It’s Showtime matapos nilang umalis sa TV5. Matapos naman ang pag-alis ng Tahanang Pinakamasaya nasa GMA Network na ang It’s Showtime.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjzGQ0sIaZ0oxqcH1CQDxvN9QN1SqPv5Iz9WM4Ysuc6rYeXNRt0t-I831UkDr2DbPmnc93WSQm-7AYHgVUTCBjxmkIasrKpJOonMSDW3hZCGt3RsprUerFWcB2UTG3qbrYfO8Y8ShLUwK46uN61HwHF0NDDLItm8mYSdAFQVFQG_EQnSAqVdZ1qc15XaYY/s16000/2.png)
News
MALA-DONCIC ang LARO ni CARL TAMAYO! 😱 37PTS Career HIGH—GUTANG, NAGPASABOG sa CLUTCH!
Noong Enero 9, 2025, nagpakitang-gilas si Carl Tamayo para sa Changwon LG Sakers sa Korean Basketball League (KBL), kung saan…
BAGONG ANYO ng GILAS WALANG SOTTO! 😱 Andray Blatche bilang BIGMAN COACH—GAME-CHANGER BA?!
Ang Gilas Pilipinas ay kasalukuyang sumasailalim sa mga pagbabago sa kanilang lineup at coaching staff. Dahil sa injury ni Kai…
GILAS SASABAK kontra ARAKJI at MGA HIGANTE ng EGYPT! 💥 13-Man Initial Pool, MAY MALAKING SUPRESA?!
Ang Gilas Pilipinas ay naghahanda para sa kanilang mga nalalapit na laban sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers, kung saan…
GILAS GAME SCHED, KASADO NA! 🔥 Gilas BIGMAN CAMP ni Boogie Cousins—MATINDING PAGSUBOK, HANDANG-HANDA NA?!
Gilas Pilipinas Game Schedule Ang Gilas Pilipinas ay kasalukuyang nakikibahagi sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers. Narito ang mga nalalapit…
QMB, TINATAGO?! 😱 May PALIHIM na galawan sa papeles para sa FIBA—ANO ANG TOTOO?!
TINATAGO DAW SI QMB? KUMIKILOS NGA BA ANG PAPELES SA FIBA? Matagal nang usap-usapan sa mundo ng basketball ang posibleng…
BARBIE FORTEZA, ISINUGOD SA OSPITAL! 😱 TRAHEDYANG SINAPIT, ikinaiyak nang husto ni David Licauco—REBELASYON, BINUNYAG!
Isang nakakabahalang insidente ang naganap kamakailan sa buhay ng aktres na si Barbie Forteza, nang siya ay isugod sa ospital…
End of content
No more pages to load