Aubrey Miles, inaming may sexy videos sila ng asawang si Troy Montero



Troy Montero, Aubrey Miles confirm, react to viral sex video | Philstar.com

Masiyado na bang malamig ang buwan na ito para sa inyo, mga YesPren? Heto na ang pampainit na tea ni Aubrey Miles tungkol sa kanilang sexy time ng asawang si Troy Montero. Sa pinakabagong YouTube episode ng ‘Your Honor’ kasama sina Buboy Villar at Tuesday Vargas, inamin ni Aubrey na mayroon silang sexy videos ng asawa at inuudyukan pa niya ang mister na panoorin ito.

Hindi naman nakakaloka na naisama ito sa usapan dahil ang topic ay may kinalaman sa sex education. Dito ay napagchikahan nila kung paano nila pinapangaralan ang kanilang tatlong junakis tungkol sa usaping ito. Kilala ang dalawa sa pagiging open nila sa lahat ng bagay kaya’t walang ilangan at perpuk ang bagay na ito para sa kanila.

“Hindi, meron kami. Sabi ko nga sa kaniya, ‘panoorin mo ‘yan, ha?’ Sine-send ko sa kaniya.” ‘Yan ang naging sagot ng aktres nang tanungin ni Buboy kung ikinagagalit niya ba ang panonood ng p*rn ni Troy.Matatandaan na noong 2024 ay may kumalat na maselang  video ang mag-asawa, chikang hindi naman nila itinanggi at deadma sa opinyon ng iba dahil sa matagal na raw ang video na iyon.Napanood niyo ba…. ang episode ng “Your Honor,” mga YesPren? Baka iba-iba ang nakikita ng mga mata niyo, ha!