Karla: “Grabe naman ang comment na ito di na makatao.”

karla estrada basher
Actress-host Karla Estrada to a Kakampink who posted a comment about a BBM supporter: “Isa lang ito sa nagutya sa taong may kapansanan ng dahil hindi tayo magkakatugma ng pinaniniwalaan. Nakakasulasok na pamamaraan, hindi ka makakatulong sa sinusuportahan mo.”



PHOTO/S: Facebook (Karla Estrada)

Idinaan ni Karla Estrada, 47, sa social media ang pagkondena sa netizens na aniya’y kinutya ang isang may kapansanan dahil sa iba ang sinusuportahan nitong pulitiko.

Pero ang pagpunang ito ni Karla ay ibinalik sa kanya dahil “selective” at double standard umano ang paraan ng pagbatikos ng actress-host.

Lumalabas na sumbatan ito sa pagitan ng supporters ng magkatunggaling presidential candidates na sina Vice President Leni Robredo at Ferdinand Marcos Jr.

Nagsimula ito nang i-post ni Karla sa Instagram at Twitter ang screenshot ng isang pro-Leni Robredo supporter (Kakampink) na tila kinutya ang isang pro-Marcos Jr. supporter (pro-BBM) na may eye condition.

Base sa screenshot, ang pro-BBM netizen ay nagpahayag ng suporta kay Marcos Jr. sa Facebook.

Nagkomento naman ang Kakampink ng “Weh dilat ka nga”

Sa caption, ipinahayag ni Karla ang pagkadismaya niya dahil kinutya raw ang isang taong may kapansanan dahil lang iba ang sinusuportahan nitong kandidato.

Tweet ni Karla (published as is): “Isa lang ito sa nagutya sa taong may kapansanan ng dahil hindi tayo magkakatugma ng pinaniniwalaan.

“Nakakasulasok na pamamaraan, hindi ka makakatulong sa sinusuportahan mo.”

karla estrada

Sa IG story ni Karla, may dagdag pa siyang pahayag ukol sa isyu.

Aniya: “Hindi ko lang ito kaya kailangan ko lang magsalita, naawa ako sa kalagayan ni kuya na may kapansanan sa mata.

“Grabe naman ang comment na ito di na makatao.”

Maanghang pa niyang sabi: “Yan lang ang kaya mo mangutya??? Porke’t di kayo magkapareho ng pinaglalaban????

“Pasalamat ka na lang at buo ang sanggkap ng mukha mo!”

Nauna nang ipinahayag ni Karla ang pagsuporta niya kay Marcos Jr.

Kumakandidato rin si Karla bilang third nominee ng Tingong party-list, na ang kasalukuyang representative ay si Yedda Romualdez.

Si Romualdez ang isa sa 70 kongresista na bumoto na huwag i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, ang network na kinabibilangan ni Karla.

KAKAMPINKS CASTIGATE KARLA

Hindi pinalampas ng ibang Kakampinks ang ginawang pagbatikos ni Karla sa isang Kakampink.

Ang ilan sa kanila, ibinahagi ang screenshots ng pagbabanta at di kaaya-ayang posts ng ibang pro-BBM.

Kabilang na rito ang death threats kay Robredo at sa supporters nito.

“Sniper ready give me a target hahaha,” komento ng isa.

“Sarap hagisan ng bomba” at “suicide bomber” komento ng isa pa sa kuhang larawan ng isa sa campaign rallies ni Robredo.

leni robredo basher

Mensahe ng isang Kakampink kay Karla: “Kung kinocall out mo lahat regardless kung sino man ang manok eh baka paniwalaan kapa kaso selective yarn??”

Ang ilan, tinawag na “double standard” ang ginawa ni Karla.

Sumbat naman ng isa pa: “Bakit di mo cino-callout yung mga nambabalahura kay VP Leni dyan sa grupo niyo??”

karla estrada

karla estrada basher

Ang iba naman ay sinumbatan si Karla sa anila’y mga hindi magandang biro nito sa co-host na si Melai Cantiveros sa kanilang morning talk show na Magandang Buhay.

karla estrada basher

Paliwanag ng isang Kakampink, hindi nila kukunsintihin ang di magandang asal ng kasamahan nila, pero hiniritan si Karla na maglinis ng sarili nitong bakuran.

karla estrada basher

Hindi na muling nag-react si Karla.