Muli na namang binabatikos ngayon ang aktres na si Liza Soberano matapos ang kanyang komento tungkol sa loveteam culture ng Pilipinas. 



Sa panayam ng mga podcasters na sina Peniel at Ashley Choi, sinabi ni Liza na minsan ay toxic ang love team culture sa Pilipinas.

Minsan ay napipilitan pa umano ang kanilang artist na dumikit sa kanilang celebrity pair para ipakitang mahal nila ang isa’t isa kahit sa likod ng camera.

Matatandaan na sumikat ang dating Kapamilya actress matapos na ipares kay Enrique Gil na naging longtime boyfriend din niya.

“In the Philippines, there’s this huge phenomenon called love teams. Love team is when they put two actors together and they become like `Brangelina.’ They ship you and this scenario, there’s reel and real, and we’re supposed to be a real couple on and off cam and we only work with each other our whole career,” pahayag ni Liza.

“So if you look at my previous movies and TV shows, I mainly worked with one co-actor and love team and you’re expected to be with that just one person throughout your career and your personal life. And people don’t wanna see you with other male actors or any other male in general,” pagpapaliwanag pa niya.

Agad namang pinutakte ng mga negatibong komento at reaksyon mula sa mga netizens ang naging pahayag ni Liza Soberano.

Pinatunayan lamang umano ng aktres ang kanyang pagiging inggrata gayung nagsimula siya at sumikat dahil sa pagkakaroon ng love team.

Hindi rin pinalampas ng mga ito ang pahayag ni Liza na napipilitan ang magkaloveteam na magpakitang mahal ang isa’t isa on or off cam.

Napipilitan lamang daw ba umano ang actress na ipakitang mahal niya si Enrique Gil?

“Grabe naman ang pagka bitter nito. Walang utang na loob. Ang toxic loveteam mo ang bumuhay sa pamilya mo. Ayaw mo pala sa loveteam eh bakit ka tumanggap ng projects? Inggrata ka! Shut up!”

“Ang cheap ng ganitong atake. Pagkatapos mong pagkakitaan, ngayon sisiraan mo, for what? Lahat naman ng superstars sa pinas dumaan sa loveteam bago sumikat ng bongga. Mas bibilib ako sakanya kung dati niya pa sinasabi yang mga yan nung malakas pa siya kumita sa pinas.”

“Love team maybe crazy, i agree… but that corny strategy  gave Liza and her family the comfortable life she wanted all along. Just saying..”

 

“JLC & Bea were clear from the start that they weren’t dating. Angel Locsin, Anne Curtis, Jodi, Maja and many more didn’t rely on love teams, just pure talent.”