Muling nagpaunlad ng isang panayam ang Mega Star na si Sharon Cuneta kung saan sinagot niya ang mga katanungan ng press patungkol sa nangyari at mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya nitong nakaraang taon.
Matatandaan na dumaan sa matinding pang-iintriga ang aktres na si Sharon Cuneta matapos magbahagi ng sunod-sunod na hugot sa kanyang social media.
Naging controversial din noon ang ibinahaging post ni Sharon Cuneta kung saan makikita ang kanyang buong pamliya subalit tila sinadya ni Sharon Cuneta na putulin ang ulo ni Kiko Pangilinan sa sa nasabing larawan na tila pahiwatig na hindi na ito kasama sa kanilang pamilya.
Samantala sa kamakailang panayam kay Sharon Cuneta, isiniwalat niya ang totoong dahilan kung bakit pugot ang ulo ni Kiko Pangilinan sa ibinahagi niyang family picture nila.
Ayon kay Sharon Cuneta, noong panahon na ibinahagi niya ang larawan ay may tampuhan sila ng kanyang mister na si Kiko Pangilinan.
Kaagad rin namang nilinaw ni Sharon Cuneta na wala namang kinalaman ang ibang tao sa kanilang hindi pagkakaintindihan ni Kiko Pangilinan. Ang nangyaring away nila ay iyong pag-aaway na normal lamang sa isang mag-asawa.
Humingi na rin umano ng paumanhin si Sharon Cuneta kay Kiko Pangilinan sa ginawa niyang pagpopost sa kanilang picture kung saan hindi makikita ang ulo nito.
Inamin rin ni Sharon Cuneta na nagkahiwalay sila noon ni Kiko Pangilinan subalit saglit lamang dahil naayos rin nila ang kanilang hindi pagkakaunawaan.
Iginiit rin ni Sharon Cuneta na wala namang problena ang kanilang mga utak, matatandaan kasi na marami sa mga netizens ang nagsasabing tila nangangailangan ng professional help si Sharon Cuneta sa kanyang mental state dahil hindi na umano naiintindihan ang kanyang mga post sa social media.
Sa ngayon ay maayos at masaya naman umano sila ng kanyang pamilya at normal lamang din umano na minsan ay magkakaroon talaga ng hindi pagkakaintindihan.
News
Si Paul Soriano ay nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat kay Kris Aquino sa pagprotekta sa kanya mula sa madilim na negatibiti: “Iniligtas ni Kris ang aking buhay”
Paul Soriano thanks Kris Aquino for defending him from negative issues During the intimate thanksgiving press conference of the award-winning…
Meet Atong Ang’s Wife and the Shocking List of His Past Relationships in Showbiz – This Revelation Will Leave You Stunned!
Meet Atong Ang’s Wife and His Relationships in the Showbiz World (VIDEO) Atong Ang is one of the well-known personalities…
Kris Aquino’s past attempt to bring Taylor Swift to the Phl resurfaces online
Did you know that the Queen of All Media once tried to bring Taylor Swift’s concert here in the country?…
Andrea Brillantes reveals spending a million on ex-boyfriend Ricci Rivero
The actress joined “Meme” Vice Ganda in his newest vlog titled Ang Beshie Kong Gen Z, which referred to Andrea…
Dolly de Leon describes Kathryn Bernardo as ‘young Nora Aunor’
Golden Globe nominee Dolly De Leon compared her co-star Kathryn Bernardo to National Artist for Film Nora Aunor. During the…
Marian Rivera and Dingdong Dantes’ daughter Zia wins 6 medals at swimming competition
Marian Rivera is one proud mom after her daughter Zia bagged several medals at a swimming competition recently. The Kapuso…
End of content
No more pages to load