
MANILA, Philippines — Inamin na nina Coco Martin at Julia Montes ang kanilang 12-taong relasyon matapos ang matagal nang ispekulasyon — pero tumaas ang kilay ng ilan nang malamang menor de edad pa ang aktres nang gawing nobya ng noo’y 29-anyos na aktor.
Martes lang nang aminin ni Coco sa panayam ng TV Patrol na meron nang namamagitan sa kanila noon pang 2011. Si Coco ay 41-anyos na habang si 28-anyos pa lang si Julia.
“If my math is mathing, 12 years ago ay 16 y/o pa lang si Julia Montes at si Coco Martin ay 29 na,” komento ng Facebook user na si Adrian Puse nitong Miyerkules.
“Tinago kasi baka mabansagang Groomer. Char,” sabi naman ng netizen na si Leslie Mae Aya-ay.
Biro naman ni Geoff Pelaz, “Probinsyanong groomer” na dapat ang itawag sa aktor na siyang reference sa “FPJ’s ang Probinsyano” kung saan naging bida si Coco.
Kinekwestyon tuloy ng ilan ang pagiging “toxic” ng Filipino love culture, lalo na’t itinambal si Julia kay Coco sa teleseryeng “Walang Hanggan” kahit na 17-anyos pa lang ang aktres. Mahigit 30-anyos na noon ang aktor.
‘Gusto kasi namin ng privacy’
Kahapon lang nang sabihin ni Coco sa panayam na meron talaga silang relasyon noon pa. Hinahayaan lang daw nila na nakikita silang dalawa magkasama sa publiko ngunit tahimik lang dahil gusto raw nilang maging pribado ang personal na buhay.
“Napakasarap ng pakiramdam namin dahil 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin tulad ng dati,” sabi ng aktor.
“Nilu-look forward namin kapag may project na magkasama kami and then kapag may pagkakataon, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao pero name-maintain namin ang privacy sa buhay namin.”
Siniguro naman ni Julia na totoo ang nakikita ng publiko. Bukod pa riyan, ipinagmalaki naman ng aktres na hindi nawawala sa sentro ng kanilang relasyon ang Panginoon.
“Basta kami, hindi naman na kami mga bata. Kung ano ‘yung nakikita at iniisip ng mga tao, ‘yun na ‘yun,” patuloy ni Coco.
“Mas masarap ‘yung pakiramdam na pribado ang buhay namin, tahimik. Walang mga issue. Ito, masaya kami.”
Krimen ang grooming
Ipinagbabawal at pinarurusahan ng Republic Act 9775 (Anti-Child Pornography Act of 2009) at R.A. 11930 (Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act ang “grooming.”
Tinutukoy ng Section 3 ng RA 11930 ang ibig sabihin ng grooming:
Grooming refers to predatory conduct, act, or pattern of acts, of establishing a relationship of trust, or emotional connection by another, with a child or someone who is beheved to be a child, and/or the family, guardian, and/or caregivers, whether in person or via electronic and other similar devices, for the purpose of perpetrating sexual abuse or exploitation or the production of any form of CSAEM.
To engage in the luring or grooming of a child: Provided, That grooming taking place offline as a prelude to violations under this Act shall also be penalized.
Paglabag sa Section 4 paragraph (m) ng RA 11930 ang “grooming” at pinarurusahan ng hanggang 20 taong kulong o reclusion temporal. Bukod pa ‘yan sa multang maaaring umabot ng P20 milyon
Ito ay labag sa batas kahit na magbigay ng “consent” ang bata.
News
BREAKING NEWS: “JULIA MONTES, WIFE OF COCO MARTIN, REACTS TO HIS DARING SCENE IN ‘BATANG QUIAPO’!”
The entertainment world is once again buzzing after Julia Montes, the rumored wife of actor-director Coco Martin, reacted to his…
BREAKING NEWS: “NAKADUDUROG NG PUSO!” – ROMMEL PADILLA & ROBIN PADILLA NAPA-IYAK SA BIGLAANG NANGYARI KAY MAMA EVA
Nakakalungkot na balita ang bumungad sa pamilya Padilla matapos ma-ospital ang kanilang minamahal na ina, si Gng. Eva Cariño Padilla,…
Angel Locsin reveals being diagnosed with depression, anxiety in the past
Angel Locsin. Image: Facebook/@AngelLocsin It may not be known to many, but actress Angel Locsin was diagnosed with depression and…
Confirm: Kathryn Bernardo Is A Judge On ‘Pilipinas Got Talent’ Season 7
Eugene Domingo, one of the new judges, says Kathryn is the heart of the show. PHOTO: Instagram/abscbnnews Looks like TV’s…
SARAH Geronimo Pina-IYAK ni Matteo Guidicelli Super Proud sa Asawa Nag-ral sa Harvard School
Matteo Guidicelli Starts His Journey At Harvard Business School Good luck on your student endeavors, Matteo! PHOTO: instagram/matteog For many,…
HALA! HABANG NASA 22ND FLOOR SA JAPAN OSAKA INABUTAN ASAWA AT ANAK NI JHONG HILARIO TAKOT NA TAKOT (VIDEO)
Jhong Hilario experiences Japan earthquake with family, recalls chilling moments Photo from Jhong Hilario’s Instagram page “It’s Showtime” host and…
End of content
No more pages to load