Nadine Lustre, may napaiyak na fan sa Pampanga

Touched na touched si Nadine Lustre sa isang fan niyang nagngangalang Angelica na naging super emotional nang paakyatin niya ito onstage during their Greed mall show in SM Pampanga. Umiyak ito nang todo at halos hindi maka-hinga kaya’t pina-inom muna ng tubig. Hindi inaasahan ni Nadine ang naging reaksyon sa kanya ni Angelica na walang pagsidlan ng ligaya nang mayakap ang idolo niya. “Nanggaling pa raw siya ng Zambales just to see me, oh,” sambit ni Nadine onstage.



Photos: Reggee Bonoan

Touched na touched si Nadine Lustre sa isang fan niyang nagngangalang Angelica na naging super emotional nang paakyatin niya ito onstage during their Greed mall show in SM Pampanga. Umiyak ito nang todo at halos hindi maka-hinga kaya’t pina-inom muna ng tubig. Hindi inaasahan ni Nadine ang naging reaksyon sa kanya ni Angelica na walang pagsidlan ng ligaya nang mayakap ang idolo niya. “Nanggaling pa raw siya ng Zambales just to see me, oh,” sambit ni Nadine onstage.

Hindi nawawala ang mga ngiti sa labi nina Diego Loyzaga at Nadine Lustre habang kasalamuha ang kanilang mga fans sa kanilang pa-mall show sa SM City Pampanga kamakailan.

Ang nasabing mall show ay para sa promo ng kanilang Vivamax movie na Greed.

“Sobrang na-miss ko ’to!” bungad sa amin ni Nadine nang makausap namin siya sa backstage bago siya sumampa ng entablado para magpa-games at magbigay entertainment sa sumugod doon para makita sila ni Diego. 

“Kanina nang pumasok ako dito, sabi ko, ‘Ang tagal kong hindi ginawa ito. Talagang nakaka-miss silang lahat, nakaka-miss mag-perform sa maraming tao, nakaka-miss na makausap sila.”

Sinang-ayunan naman ito ni Diego na nasa tabi niya. “Exactly the same!  Nakakataba ng puso. After how many years of pandemic, of not seeing your fans personally…When you see them now, how they react kapag nakikita ka nila, parang ‘Uy, wow!’  Parang it boosts also your confidence. Na-miss din pala ako ng tao.”

Sobrang na-miss di naman ng mga fans na makita ang mga idolo nila dahil mahigit na dalawang taong walang mall show. Kaya nagpasalamat din ang mga taga-Pampanga dahil dinalaw sila ng mga artistang hinahangaan nila.

Samantala, noong nagsimula na ang programa, touched na touched si Nadine sa isang fan niyang nagngangalang Angelica na naging super emotional nang paakyatin niya ito onstage. Umiyak ito nang todo at halos hindi maka-hinga kaya’t pina-inom muna ng tubig.

Hindi inaasahan ni Nadine ang naging reaksyon sa kanya ni Angelica na walang pagsidlan ng ligaya nang mayakap ang idolo niya.

“Nanggaling pa raw siya ng Zambales just to see me, oh,” sambit ni Nadine onstage.

Isa rin kami sa naawa kay Angelica, dahil naghintay talaga ito nang matagal sa pila. Natsambahan naman na siya pa ang tinawag para sa game. At tila nag-allign ang mga stars for her that day dahil, nakalaro na ang idol, nanalo pa!

Samantala, that time ay si Diego pa lamang ang nakapanood na ng pelikula nilang Greed, his second project with Direk Yam Laranas (the first being Death of a Girlfriend with AJ Raval) and his first ever with Nadine.

“Hindi mo mahuhulaan ang ending,” warming ni Diego sa amin. “You keep on your toes, keep on your feet on what’s gonna happens next. So, it’s really a suspense and he achieved what he really wants to achieve.”

Si Nadine, for her part, ay hindi pa nakakapanood that time dahil kakarating lang niya galing France at marami siyang dinaluhang events.

Pero marami na raw siyang narinig na magagandang feedback mula sa fans.

“Marami na pong feedback mula sa nakapanood sa advanced screening [sa Vivamax Plus].

“Marami pong nagsabing maganda, may mga nagko-congratulate… s’yempre nakaka-proud kasi hindi ko rin ini-expect po, e, kasi wala kaming preview or anything at hindi rin kami nag-dub. So, ang nakita ko lang talaga is ’yung trailer at ’yung teaser.

“Kahit alam ko ’yung kuwento, hindi ko pa rin alam ’yung ini-expect ko. Saka pag nagso-shooting kami, hindi naman kami nanonood ng playback, e, kasi sunud-sunod and we have to finish a lot of scenes. Saka hinahabol din namin ’yung weather saka ’yung araw.”

Si Diego naman ay puring-puri si Direk Yam at Nadine.

“it’s always out of the box,” aniya sa mga obra ni Direk Yam. “Pero s’yempre ang highlight dito is to work with one of the best actresses…walang bola ito. Everybody knows that in the industry. This is a very big milestone in my career.”

Nalulula naman ang aktres sa mga papuri ni Diego sa at mga nakakarating sa kanya.

“Parang nasa ulap pa rin ang utak ko but I’m proud of it….but at the same time, I want to be humble also. So, baka mas ’yun,” masayang sabi pa ng bida sa Greed.

Kung sakali, baka daw mag-collab sila ni Direk Yam Laranas for another project after Greed. Tila nagkapalagayan ng loob ang dalawa.

“Meron po kaming mga napag-uusapan pero right now po kasi wala pa namang final, so, ’wag na munang sabihin baka ma-jinx pa,” sambit ng dalaga.

Pero baka raw next year na iyon dahil muli siyang magpo-pokus sa music pagkatapos ng Greed.

“Next year na po ulit ako gagawa ng pelikula kasi gusto ko namang bigyan ng panahon ’yung ibang mga gusto kong gawin like music at iba ko pang dapat gawin,” saad ng aktres.

Si Diego naman, for his part, ay tuluy-tuloy pa rin ang paggawa ng pelikula. Sa tingin namin ay abutin ng 10 movies ang gagawin niya ngayong 2022.

“Every single opportunity I get, I’m not wasting time,” nakangiting saad ng aktor.

At mukhang papasukin na rin ni Diego ang music industry.

“I’m thinking of writing a song, yes I really am.”

Katuwang ni Diego ang mga kaibigan niya sa paggawa ng kanta at pagre-record nito.

Kasalukuyang pa ring streaming sa Vivamax ang suspense-thriller na Greed, na hatid sa atin ng Viva Films at Mesh Lab.