Jake Cuenca aminadong tinamaan kay Bea Alonzo



Inamin ni Jake Cuenca na nainlab siya kay Bea Alonzo.

Sa YouTube channel ng aktres, sumalang si Jake sa legit lie detector test.

Tinanong siya ni Bea, “Na-in love ka ba sa akin?”

“Wow, what a question,” nasambit ng aktor.

Sinundan niya ito ng “yeah”.

Tsika ni Bea, nag-date sila ni Jake noon pero nagkasundong maging magkaibigan na lang sila.

Dagdag niya, magaling daw manligaw si Jake.

“Nung nagdi-date kami ni Jake, dinala niya ako sa isang restaurant sa Katipunan… Pinasarado niya pala ‘yung restaurant tapos ang daming mga flowers, tapos nag-dance, dance pa kami, ganoon siya ka-sweet na manliligaw,” sey ni Bea.