James may surprise kay Nadine sa Europe!

Aalis ngayon ang magdyowang James Reid at Nadine Lustre para sa kanilang world tour dahil dadalhin nila sa Doha, Dubai, London, at Milan ang JaDine Love, ang successful concert nila sa Smart Araneta Coliseum.



JAMES_NEWSO

Aalis ngayon ang magdyowang James Reid at Nadine Lustre para sa kanilang world tour dahil dadalhin nila sa Doha, Dubai, London, at Milan ang JaDine Love, ang successful concert nila sa Smart Araneta Coliseum.

Bago sila nagbabu ngayon, nag-shooting muna kahapon ang dalawa para sa This Time, ang bagong project nila sa Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan sa April 20.

Hitsurang tirik na tirik ang sikat ng araw kahapon, nag-shooting sina James at Nadine sa Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway o TPLEX.

Babalik sa Pilipinas ang magdyowa sa last week ng March mula sa concert tour nila sa Europe at Middle East pero aalis uli sila sa April dahil kukunan sa ibang bansa ang mga eksena ng This Time. Pahulaan pa ang bansa na pupuntahan nina James at Nadine dahil hindi pa yata sila allowed na magbigay ng mga impormasyon.

May surprise si James kay Nadine kapag nagpunta sila sa Europe.

Ayaw sabihin ni James ang sorpresa niya dahil hindi na ito magiging surprise ‘no!
Ang hula ng mga reporter, dadalhin ni James sa Paris ang kanyang girlfriend pero no comment siya.

Siyempre, intrigang-intriga si Nadine sa surprise ni James pero hindi niya kinukulit ang kanyang boyfriend. Hihintayin na lamang niya ang mga kaganapan. (Pilipino Star Ngayon)