Sinabi ni Mae na nagalit siya kay Lee O’Brian, na dating partner ng kaniyang ina na si Pokwang, dahil sa ginawang pananakit umano nito sa aktres. Gusto rin daw siyang palayasin ni Lee nang bigla siyang mabuntis noong 2020 na panahon ng pandemic.
Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, bisita sa programa ang mag-ina. Inihayag ng aktres ang paghingi niya ng paumanhin dahil nadamay sa gusot ng pakikipagrelasyon niya kay Lee ang kaniyang anak na si Mae.
Ayon kay Mae, nakagalit siya kay Lee dahil hindi ito tumupad sa usapan nila na hindi nito sasaktan ang kaniyang ina.
“I told him, ‘Ingatan mo ‘yung mama ko kasi for 21 years, kaming dalawa lang.’ Wala kaming ibang kasama sa buhay, so ang gusto ko lang, ingatan niya sa mama at huwag niyang sasaktan,” saad ni Mae.
Nangako naman umano si Lee na hindi nito sasaktan si Pokwang pero hindi nito tinupad ang pangako.
“Pero in the end he broke his promise,” ayon kay Mae.
Gusto rin daw siyang paalis ni Lee sa bahay nang mabuntis siya noong 2020.
“Nagulat po ako na gusto akong palayasin ng ex niya sa house cause I got pregnant without getting married. He wanted me out of the house, and I don’t know why,” ani Mae.
“Tsaka between me and him, parang ako ‘yung mas may karapatan na nasa bahay, hindi siya. Kung tutuusin,” paliwanag pa niya.
Sa naturang episode, inamin ni Pokwang na lola na siya sa anak ni Mae na apat na taong gulang na.
Sa isang vlog ni Ogie Diaz, sinabi ni Pokwang na sinasaktan siya ni Lee.
Hunyo 2022 nang aminin ni Pokwang na hiwalay na sila ni Lee.
Noong December 2023, nanalo si Pokwang sa deportation case na inihain niya kay Lee, at napaalis ito sa bansa noong nakaraang Abril.
News
Tom Rodriguez, Nakipagsagutan Sa Mga Bashers Na Nakikisawsaw Sa Issue Nila Ni Carla Abellana!
Hindi napigilan ng aktor na si Tom Rodriguez ang sumagot sa komento ng isang netizen tungkol sa hiwalayan nila…
BB Gandanghari bares ‘untold story’ behind Rustom Padilla, Carmina Villaroel split
From left: BB Gandanghari; Rustom Padilla and Carmina Villaroel in an undated photo BB Gandanghari via Instagram; The Good…
What is the real reason Kris Aquino does not want to hand over Joshua and Bimby to Philip Salvador and James Yap?
What is the real reason Kris Aquino does not want to hand over Joshua and Bimby to Philip Salvador and…
JUST IN! Rustom Padilla and His Son with Carmina Villaroel REUNITE for the First Time! EMOTIONAL Moments Unfold!
In a heartwarming and highly emotional encounter, Rustom Padilla has reunited with his son, the child he shares with actress…
Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, posibleng magtagpo sa 34th wedding anniversary sana nila
Sharon at Gabby, magtatagpo sa wedding anniversary nila? Kung hindi nagkahiwalay sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta bilang mag-asawa, ipagdiriwang…
More dramatic than fiction: 10 things to know about the late Barbie Hsu’s life
Taiwanese actress Barbie Hsu first became known to the public in 1994 as part of the pop duo SOS with…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply