Karla Estrada firmly denies Cristy Fermin’s claim she confirmed Kathryn Bernardo-Daniel Padilla breakup
Karla Estrada (left photo) issues very short statement after showbiz columnist Cristy Fermin (not in photo) confirmed that son Daniel Padilla and Kathryn Bernardo (right photo) are no longer together.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
Mariing pinabulaanan ni Karla Estrada ang balitang kinumpirma niya sa isang kaibigan na hiwalay na talaga ang anak na si Daniel Padilla at ang longtime girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.
Eleven years na ang KathNiel bilang magkarelasyon; 12 years bilang love team.
Read: PEP OUTTAKES: KathNiel, KimXi, Richard-Sarah rumored breakups
Sa YouTube channel na Showbiz Now Na ngayong Biyernes, November 24, 2023, isiniwalat ni Cristy Fermin na si Karla mismo ang nagkuwento.
Tinuldukan na raw nina Daniel at Kathryn ang kanilang relasyon.
Pinag-usapan muna ni Cristy at ng kanyang co-hosts na sina Wendell Alvarez at Romel Chika ang tungkol sa pagkakadawit ni Andrea Brillantes sa isyu.
Si Andrea umano ang dahilan ng breakup nina Daniel at Kathryn.
Panimula ni Cristy: “Ang tanong, kailan ito ipinanganak, itong paghihiwalay na ito?
“Ang sabi ng aking source, bilangin ninyo yung panahon na si Kathryn ay ibang-iba na ang gayak.
“Nagpapakita na ng skin, nagpapa-sexy. Ito ay bago pa yung pelikula nila ni Miss Dolly de Leon.”
Ang tinutukoy na pelikula ni Cristy ay ang A Very Good Girl na pinagbidahan nina Kathryn at Dolly noong September 2023.
Dagdag pa ni Cristy: “Nagtataka kasi ang buong mundo kung bakit, sa kabila ng pagiging napaka-protective, maingat masyado si Daniel kahit sa mga kapatid niya, e, di ba?
“Napaka-protective niya kay Kathryn.
“Pero nagtataka tayo, nagtu-two piece, naka-one piece, tapos litaw ang dibdib, di ba? Parang ganon.
“So, kung bibilangin natin yun, noon pala ay tapos na.”
Matagal na itong naitago?
Ayon kay Cristy: “Buwan na ang bibilangin natin, di ba?
“Siguro talaga lamang na hindi magsasalita si Daniel kasi parang napaka-ungentlemanly for a man na magsabing tapos na ang relasyon.
“Siguro, pupuwedeng sabihin natin na mas maganda kung sa babae manggagaling.”
Hirit naman ni Romel, baka raw may iniendorso ang dalawa na bawal silang magkahiwalay.
Sagot ni Cristy: “O puwede, puwede rin yun, puwede rin naman kasi may clause yan, e, may ganoon.
“Pero ngayon na si Karla Estrada na nagsabi sa isa niyang kaibigan na tapos na talaga ang relasyon, isa po ang patunay at pampublikong imahe ng bendikasyon ni Ogie Diaz ito.
Read more about
Karla Estrada
Cristy Fermin
Daniel Padilla
Kathryn Bernardo
“Pinakain niyo ng pagkakasakit na salita yung tao.
“Tinawag niyo pa ng pinangpakain sa kanyang pamilya ay sa pagsisinungaling, pag-iimbento at paglalatag ng fake news
“Tinawag niyong peddler ng mga maling balita.
“Paano ito ngayon?”
Sinasabing nagsimula ang sitsit tungkol sa KathNiel, sa report ni Ogie Diaz sa isang YouTube vlog, na nakatanggap raw ito ng di pa kumpirmadong balitang break na sina Kathryn at Daniel.
Ang dinig pa niya, pasikreto umanong nakikipagkita sina Daniel at Andrea.
Read: Ogie Diaz denies starting KathNiel breakup rumors
Pagpapatuloy pa ni Cristy, “Nag-ano yan, nag-trending, ‘Ogie Diaz, fake news peddler.’
“Ang tanong ko ngayon, paano niyo babawiin ito?
“Samantalang totoo naman ang kanyang sinabi. At may patunay na talagang hiwalay na ang inyong mga idolo.
CONTINUE READING BELOW ↓
BLIND ITEM: May sariling partners pero NAGTITIKIMAN SA SET? | PEP TROIKA TALK
“Puwede bang mag-trending din yung pagsu-sorry ninyo kay Ogie?”
Dagdag pa ni Cristy, “Nakakaawa ang mga KathNiel fans.
“Pero sabi nga natin, walang forever.
“Pero meron po tayong panlaban diyan. Malay naman natin kung magpapahinga lamang sila ng ilang panahon.
“At isang araw ay magigising sila na kailangan pa rin nila ang isa’t isa. Magkakabalikan sila.
“Yun ang pinakamagandang punto doon.”
“DATI INSEPARABLES, DI BA?”
Obserbasyon pa ni Cristy, parang kanya-kanya na raw ng lakad sina Daniel at Kathryn.
Sabi nito, “Pero sa ngayon, kailangan niyo pong tanggapin na tapos na ang kanilang relasyon.
“Ang kanilang love team nandiyan pa rin, pero yung puntong personal, tapos na yun, di ba? Yun lang naman yun.
“Kaya nakakalungkot talaga.
“Pero wala tayong magagawa, e, kung natagpuan nila ang kanilang mga sarili na, ‘Tapos na, e. Wala na, e.’”
Napag-usapan din ang tagal na ng relasyon nina Kathryn at Daniel, lagpas na sa isang dekada at kasal na lamang ang kulang.
Mas maigi raw na naghiwalay na kaysa naman maghiwalay matapos maikasal.
Sabi pa ni Cristy, “Dati, inseparables, diba? Kailangang magkasama.
“Pero nitong bandang huli, nakikita naman po natin na talagang kanya-kanya na sila ng lakad.”
Huling mensahe ni Cristy tungkol sa isyung ito: “Basta kami po, paninindigan namin, hiwalay na po talaga sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
“Ngayon, ang desisyon kung ipagpapatuloy pa nila ang relasyon na ito, magiging masaya po kami, at sana nga, mauwi sa pagbabalikan ito.
“Kaya nga, yung pangako sa inyo na nandiyan pa rin sila at sila pa rin, ayaw po namin ang mga huwad na pangako.
“Magising po tayo sa katotohanan na hanggang dito na lamang sila, at yan naman po ay nanggaling sa bibig mismo ng ina ni Daniel Padilla.”
Dito nag-repost si Karla Estrada ng isang online post ng mga sinabi ni Cristy.
Maikling komento niya: “Ito po ay walang katotohanan.”
News
Barbie Hsu’s sudden de@th has left Filipino fans in shock, as they flood social media with heartfelt messages, mourning the loss of the Meteor Garden star. /lo
Barbie Hsu Dies, Filipino Fans Share Heartfelt Messages Fans are shocked by the passing away of Barbie Hsu Famous Taiwanese…
JUST IN: Meteor Garden star Barbie Hsu, aka “Shan Cai,” has tragically passed away at 48 due to pneumonia, leaving fans in shock. /lo
Barbie Hsu, ‘Meteor Garden’ Star, Dies at 48 from Influenza Complications Barbie Hsu Yahoo is using AI to generate takeaways…
Hot: Barbie Hsu, best known for her role in Meteor Garden, has tragically passed away at the age of 48 due to pneumonia, leaving fans around the world heartbroken and in shock. /lo
Barbie Hsu ng ‘Meteor Garden’ pumanaw na dahil sa pneumonia Barbie Hsu NAAALALA niyo pa ba ang Taiwanese…
Kris Aquino’s romantic history is filled with twists and turns, and fans are curious—who could have truly been her ideal partner all along? /lo
LOOK BACK: Kris Aquino’s controversial relationships through the years Who among the men from Kris Aquino’s past could have been her…
Kris Aquino stunned fans with her emotional confession, saying, “I made the mistake of loving you,” to Phillip Salvador, leaving the internet buzzing with speculation and curiosity about their past. /lo
‘I made the mistake of loving you,’ Kris Aquino tells Phillip Salvador Kris Aquino addresses her former partner Phillip Salvador…
Jennylyn Mercado, Sa Unang Tv Appearance: ‘Di Ko Naman Alam Na Pagseselosan Pala Ako’ /lo
Jennylyn Mercado, Sa Unang Tv Appearance: ‘Di Ko Naman Alam Na Pagseselosan Pala Ako’ Ibinahagi ng Ultimate Star na…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply