Bea Alonzo’s mom asked about ex-BF of daughter she most disliked
Mary Anne Ranollo wants Bea to choose a future husband who’s not “babaero.”
Inihayag ng ina ni Bea Alonzo na si Mary Anne Ranollo ang “most disappointing moment” niya sa aktres: “Kapag pumapayag ka na niloloko ka. Kapag nagpapaloko ka.”
Prangka ang ina ni Bea Alonzo sa paghayag ng disgusto sa isang hindi pinangalanang ex-boyfriend ng Kapamilya actress.
Sumalang si Mary Anne Ranollo sa Q&A sa YouTube vlog ni Bea na may petsang January 9, 2021.
Kuha ang video sa kanilang mango farm sa Zambales.
Tanong ni Bea kay Mary Anne: “Sino ang pinaka-ayaw mong ex-boyfriend ko?”
Ang prangkang sambit ng ina ng aktres, “Oh my god. Tinatanong pa ba ‘yan?!
“Ayoko magsalita, pero huwag niyo na itanong. Alam niyo na. Next question, please.”
Tawa lang nang tawa si Bea at wala nang ikinomento pa.
Tatlong aktor ang kilalang naging ex-boyfriend ni Bea—sina Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, at ang yumaong si Mico Palanca.
Bukas din si Mary Anne sa pagsasabing “most disappointing moment” para sa kanya iyong nakita raw niya ang anak na nagpapaka-martir sa isang karelasyon.
Aniya, “Kapag pumapayag ka na niloloko ka. Kapag nagpapaloko ka.”
Halatang ayaw na pag-usapan ni Bea ang hindi pinangalanang ex-boyfriend niya dahil hindi na nito binigyan ng pagkakataon ang ina na ipaliwanag ang sagot nito.
Napapangiting sabi lang ni Bea, “Next…”
Kaya hirit ni Mary Anne, “Andaya mo! Tinatapos mo agad, e!”
BEA ALONZO MOM WANTS A GUY WHO’S NOT “BABAERO”
Simple lang naman daw ang pangarap ng ina ni Bea—ang makitang masaya ang aktres sa piling ng lalaking tunay na magmamahal dito.
Payo ni Mary Anne, “Sa love, sana matuto ka na at natuto ka na. Sa life, alagaan mo sarili mo.
“Alagaan mo ang puso mo, aanak. Hinay-hinay lang. Huwag todo-todo.”
Ano ba ang gusto ni Mary Anne na katangian ng “future husband” ni Bea?
Sagot ni Mary Anne, “Maging mabait lang. Maging totoo. At huwag babaero, please!”
DOES BEA’S MOM APPROVE OF DOMINIC ROQUE?
Mahihinuhang tila maraming hugot si Mary Anne sa ex-boyfriend ni Bea na nanloko umano sa aktres.
Read more about
Bea Alonzo
ex-boyfriend
Pero kung anu’t ano man, nagpahiwatig si Mary Anne tungkol sa positibong disposisyon ngayon ni Bea.
“Pinakamasaya ako kasi masaya ka na,” nakangiting sabi ni Mary Anne.
Bukas sa pagsasabi si Bea na nasa “dating” stage siya ulit ngayon.
Hindi sinasabi ni Bea kung sino ang lalaking nakaka-date niya, pero lahat ng clues na nahahanap ng fans sa social media ay naka-point sa kapwa-artista nitong si Dominic Roque.
Sa dulong bahagi ng vlog ni Bea, nabanggit si Dominic sa “Jojowain o Totropahin Challenge” na nilaro ng mag-ina.
Walang pag-aalinlangang sinabi ni Mary Anne na “jojowain” niya si Dominic kung magkasing-edad sila.
Sabi naman ni Bea, “Jojowain ko rin.”
HOT STORIES
News
Mark Herras finally breaks his silence about his viral dance at a gay bar, revealing the real story behind the controversy! /LO
Mark Herras, nagsalita na tungkol sa viral niyang pagsasayaw sa gay bar – Mark Herras has finally talked about his…
Alodia Gosiengfiao fires back at the unauthorized use of her video in a gambling ad, calling out the blatant exploitation of her image! /LO
Alodia Gosiengfiao Slams Unauthorized Use of Her Video in Gambling Ad Alodia Gosiengfiao Exposes Scam Using Her Video Without Permission…
Kris Aquino makes a shocking admission, confessing that she was wrong to blame her former business partner for her condition! /LO
Kris Aquino admits mistake in blaming former business partner for condition The legal battle between Kris Aquino and her former…
SHOCK: Gretchen Barretto storms out of a press conference after uncomfortable questions about her alleged rift with younger sister Claudine Barretto! /LO
Gretchen Barretto walks out of press conference Questions about her supposed gap with younger sister, Claudine Barretto, make her feel…
Nicko Falcis stirs the pot, alleging Kris Aquino lost control and went ‘all berserk’ after ABS-CBN secured the PR rights for Crazy Rich Asians! /LO
Nicko Falcis hits Kris Aquino for trivializing her threat to his life Nicko Falcis on Kris Aquino’s P40M: ‘All investments…
WATCH NOW: Judy Ann Santos, with a heavy heart, apologizes to her mother, saying, ‘I’m sorry, Mom, because I know I wasn’t the best daughter,’ revealing a deeply emotional and honest moment of reflection. /LO
Judy Ann Santos as a daughter: “I’m sorry to mom because I know I wasn’t the best daughter.” In an…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply