Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, naghihintay ng invitation sa kasal nina Sarah at Matteo

Secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, natuloy ba?



Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, peg nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli pagdating sa lihim na kasalan? Nang ikasal sina Judy Ann at Ryan noong 2009, four days before the wedding lang nang matanggap ng guests ang wedding invite. 

Inilunsad ang pamilya nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos bilang bagong Kapamilya ng isang popular fastfood chain.

Maganda ang campaign na pinasimulan nilang may kinalaman sa advocacy ng pagbabasa.

Kaya nagbasa ang mag-asawa, kasama ang anak nilang si Luna, ng isang libro para sa mga bata.

Ngunit hindi natapos ang pagwe-welcome sa kanila nang hindi naitatanong o nakukuha ang kanilang reaksiyon sa balitang kasalan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Maliban sa malapit kina Ryan at Judy Ann sina Matteo at Sarah, peg din ng AshMatt ang mag-asawa sa gusto nilang maging kasal—simple, pribado, at masaya lang.

Sobrang naging malihim noon sina Ryan at Judy Ann tungkol sa preparasyon ng kanilang kasal, pati na sa pag-imbita ng wedding guests.

Tila ganito rin ang estilo ngayon nina Matteo at Sarah na walang ibinibigay na detalye tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib.

Heto ang mabilis na pagbati at sagot ni Ryan patungkol kay Matteo: “O brad, kita tayo! Basta ang invite, ha!!!”

Mula naman sa Ate Juday nila: “Ano na’ng nangyari? Basta ako, naghihintay lang ako, beh, ha!

“Mahina na ba signal mo? Basta, text-text, naghihintay lang kami rito!”

Clearly, parehong pa-safe ang mga sagot ng mag-asawa at walang kumpirmasyon kung kailan ang kasal nina Sarah at Matteo.

GORGY RULA

Ito ang pinag-uusapan ngayong Huwebes: kung totoo bang today ang wedding nina Matteo at Sarah?

May nasagap akong kuwento tungkol sa napabalitang kasalan, pero hindi ito kumpirmado.

Ang nakarating sa akin, nasa taping si Sarah ng The Voice Teens kanina, pero maaga siyang natapos.

Tumuloy raw ito sa Victory Church kung saan nagsi-service sina Sarah at Matteo, pati na si Pilo Pascual.

Ang nangyari raw ay isang mabilis na Christian ceremony, alinsunod na rin sa kagustuhan ng couple.

May biruan kasing baka pigilan pa ng ina ni Sarah na si Divine Geronimo, na mas kilala sa showbiz bilang Mommy Divine, ang kasalan.
Read more about

Judy Ann Santos
Ryan Agoncillo

Pero ang malaking seremonya raw talaga ay ang church wedding na gagawin sa Italy, at ang lumalabas na petsa ay March 28.

Pero totoo bang yun din ang date ng renewal of vows nina Mommy Divine at Daddy Delfin ni Sarah?

Ito raw ang dahilan kaya wala sa pamilya ni Sarah ang makakadalo.

Nag-commit daw si Vic del Rosario, big boss ng Viva, na dadalo siya sa Italy wedding kahit medyo hirap na siyang maglakad.

Kailangan daw niya talagang saksihan ang kasalang iyon dahil parehong contract stars ng Viva sina Sarah at Matteo.

Sana, dumating ang araw na may magsasalita sa kanila kaugnay sa mga naglalabasang kuwento.

Pero understandable naman kung ayaw muna nilang magsalita sa ngayon.

JERRY OLEA

Inaasahan nating may NDA (non-disclosure agreement) ang lahat ng sangkot sa AshMatt wedding.

Bali-balita noon na Marso 14 ang kasal nina Sarah at Matteo sa Italy, kapareho ng petsa ng kasal nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

‘Tapos, heto at usap-usapan na ngayong Pebrero 20, 2020 (02-20-2020) mag-iisang dibdib na sina Sarah at Matteo.

May narinig din kaming balita na may planong renewal of vow ang parents ni Sarah na sina Mommy Divine at Daddy Delfin sa first week daw ito ng Marso.

Uunahan ang AshMatt wedding? Kaya nauna na today sina Sarah at Matteo?

If ever, matatawag ba iyang SUKOB?!