Trending at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pagpunta ni Gretchen Barretto sa pawnshop ni Boss Toyo para magbenta, kasama pa niya rito si Atong Ang.
Kaagad na nagviral sa ilang mga social media platform ang TikTok video na ibinahagi ni Boss Toyo sa kanyang account kung saan makikitang nagpunta sa Pinoy Pawnstar ang dating actres at socialite na si Gretchen Barretto kasama ang gambling icon billionaire na si Atong Ang.
Saglit namang nakausap ni Boss Toyo si Gretchen Barretto kung saan naitanong nito sa dating aktres kung ang kanyang ibinibenta.
Kaagad naman itong sinagot ni Gretchen Barretto at sinabi na ang kanyang ibinibenta ay mismong si Atong Ang.
Bagama’t nagulat ay natatawa namang sumagot si Boss Toyo at inihayag na hindi niya afford si Atong Ang.
Samantala, hindi naman nakaiwas sina Gretchen Barretto at Atong Ang sa panibagong kontrobersiya patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na matagal ng pinaghihinalaang mayroong mas malalim na relasyon ang dalawa bukod sa pagiging magkaibigan.
Lalo pang tumindi ang mga isyung ito patungkol sa dalawa dahil naging madalas na ang pagsasama nina Gretchen Barretto at Atong Ang na sila lamang dalawa.
Matatandaan na noong January 2024, naglabasan rin ang mga videos kung saan nakitang magkasama sina Gretchen at Atong Ang sa pamimili ng gadget sa isang mall sa Green Hills.
Samantalang, nitong March 6, lamang ay namataang kasama ni Gretchen Barretto si Atong Ang sa pagdiriwang ng kanyang birthday.
Dahil dito, patuloy na tinatanong ng ilang mga netizens si Gretchen Barretto kung ano ang totoong relasyon nila ni Atong Ang at kung bakit hindi na sila nagkakasama ngayon ng kanyang longtime partner na si Toni Boy o kung naghiwalay na nga ba silang dalawa dahil tila naging bukas na sa publiko ang pagsasama nila ni Atong Ang ngayon.
Marami naman ang naniniwalang naghiwalay na sina Toni Boy Cojuangco at Gretchen Barretto dahil hindi na sila nakikitang nagkasama at maging noong kaarawan ni Gretchen ay wala rin doon si Toni Boy.
Samantala, noon pa man ay may mga intriga nang mayroong tinatagong relasyon sina Gretchen Barreto at Atong Ang kahit pa pareho silang mayroong karelasyon.
Subalit, palagi itong pinabubulaanan ni Gretchen Barretto at iginigiit na magkaibigan lamang silang dalawa at kasosyo sa negosyo.
Maging si Atong Ang ay nanindigan noon na wala silang relasyon ni Gretchen Barretto at iginiit na kahit kailan ay hindi niya sisirain ang kanyang pamilya.
News
Ken Chu BREAKS HIS SILENCE on BARBIE HSU’s PASSING! Dee Hsu REVEALS the Shocking Cause of Barbie’s De@th!
In a heart-wrenching turn of events, Ken Chu, a member of the popular Taiwanese boy band F4, has finally spoken…
Vloggers WILL DOMINATE in 2025!’ What the Year of the Snake Holds for Local Celebs
Feng Shui expert Master Hanz Cua revealed that vloggers will still be on top of the entertainment industry this Year…
ToRo family witnesses Papi Galang deliver third child in water birth
By Lance Joseph Martinez Internet personality Charisse Galang, also known as Papi Galang, delivered her third child through a water…
New couple alert? Kyline Alcantara, Kobe Paras spark dating rumors
Actress Kyline Alcantara and basketball star Kobe Paras are the latest subjects of swirling dating rumors. The speculation began when…
Is this Jane de Leon’s response to green screen allegations against ‘Incognito’ scene?
Actress Jane De Leon seemingly addressed allegations that a green screen effect was used in the backdrop of her scene…
Barbie Hsu’s FUNERAL OPENED TO THE PUBLIC! Jerry Yan Breaks Silence on Barbie’s Passing
Barbie Hsu FUNERAL, Ipinasilip sa Publiko! Jerry Yan, Nagsalita na sa Pagpanaw ni Barbie Hsu Isang malungkot na balita ang…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply