Pamilya ni Gloria Romero umalma sa pekeng last will and testament

Fake news ang mga kumakalat na social media posts tungkol sa last will and testament ng yumaong batikang aktres na si Gloria Romero.
Pumanaw ang movie icon at Queen of Philippine Cinema, sa edad na 91, noong Enero 25, 2025.
Read: Legendary actress Gloria Romero dies at 91
Nilinaw ng pamilyang naulila ni Gloria na walang katotohanan, walang basehan, at walang ebidensiya ang kumakalat na last will and testament kaya hindi dapat magpalinlang ang publiko.
Isang paglapastangan sa alaala ni Gloria ang fake news na ikinalat habang nakaburol ang premyadong aktres at nagdadalamhati ang kanyang pamilya.
Pinag-aaralan na ng naulilang pamilya ni Gloria ang legal na hakbang na kanilang pinaplanong gawin para mahinto ang patuloy na pagkalat ng fake news, at para managot sa batas ang mga nagpapakalat na ito.
Read: Gloria’s daughter and grandson recount last moments with actress
FAKE LAST WILL AND TESTAMENT OF GLORIA ROMERO
Nakasaad sa kumalat at gawa-gawang balita ang diumano’y malaking halaga ng pera nito na nakadeposito sa bangko; ang halaga ng mansion ni Gloria; ang presyo ng isang paaralan na kanyang nais ipatayo sa Pangasinan; ang halaga ng mga donasyon niya para sa tatlong institusyong hindi pinangalanan; at ang halaga ng mga ipamamana ng yumaong aktres sa anak na si Maritess Gutierrez at apong si Chris Gutierrez.

Wala itong katotohan at walang basehan.
Sa panayam ng TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori nakiusap si Maritess Gutierrez na bigyan sila ng pagkakataong makapagluksa.
Nakapanayam ni MJ si Maritess sa cremation sa mga labi ni Gloria sa Arlington Memorial Chapels & Crematory sa Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon, Enero 29, 2024.
Inaasahan ang paghahain ng reklamo ni Maritess sa mga susunod na araw.
News
SHOCK: Angel Locsin’s Actions Before Her Father’s Death Shock Fans, Ogie Diaz Reveals Their Conversation. /lo
Angel Locsin Did This Before Her Father’s Death Ogie Diaz shared what he and Angel Locsin talked about Prominent actress…
Andrea Brillantes Confirms She’s Dating A Non-Showbiz Guy /LO
Andrea Brillantes Confirms She’s Dating A Non-Showbiz Guy Actress Andrea Brillantes admits to dating someone. ANDREA BRILLANTES – The ABS-CBN…
SAD NEWS! The REAL Reason Behind Willie Revillame’s 140 Million Loss Revealed! /lo
Nakakalungkot! Nilantad na ang Tunay na Dahilan ng Pagkalugi ng 140 Million ni Willie Revillame Si Willie Revillame, isang batikang…
Neil Arce Speaks Out! Angel Locsin Pregnant by Another Man! Neil and Angel Have SPLIT! /lo
Neil Arce Breaks Silence on Separation and Pregnancy Rumors Involving Angel Locsin In the world of showbiz, rumors and speculations…
Kathryn Bernardo’s Last Heartfelt Message to Daniel Padilla Will SHOCK You to the Core
/lo
Ang relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kilala bilang “KathNiel,” ay matagal nang minamahal ng kanilang mga tagahanga. Noong…
Heartbreaking! Rosanna Roces in Tears After What Coco Martin Did to Her /lo
Nakakadurog ng Puso! Rosanna Roces, Bumuhos ang Luha Matapos Itong Gawin ni Coco Martin Isang emosyonal na sandali ang naganap…
End of content
No more pages to load