Roberto on Barbie & David’s Team: No Selos
Jak Roberto: “Professional lang tayo, trabaho lang.”
Jak Roberto (left) on girlfriend Barbie Forteza’s love team with David Licauco (rightmost): “I’m thankful na successful silang dalawa and maganda yung pagtanggap ng tao sa love team ng BarDa, and ako rin ay sumusuporta rin sa dalawa.”
Proud na ibinida ng Kapuso actor na si Jak Roberto na going strong ang relasyon nila ng kasintahang si Barbie Forteza.
Anim na taon nang magkarelasyon ang dalawa, at masaya raw si Jak na nagsusuportahan sila ni Barbie sa gusto at pangarap ng bawat isa.
Saad niya, “Ayun, happy naman and sobrang supportive ni Madam [Barbie] every time talaga na magkasama kami sa show, sa lahat.
“Happy rin ako for her, support-support lang sa lahat ng achievements and marami kaming nilu-look forward ngayong darating na taon.”
Ito ang ibinahagi ni Jak nang eksklusibo siyang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Gala 2023 noong July 22.
Ayon pa sa Kapuso actor, very proud siya kay Barbie sa achievements na nakakamit nito ngayon, maging ang successful love team ng aktres kay David Licauco.
Hindi kaila na ang love team nina Barbie at David, na mas kilala sa tawag na BarDa, ang isa sa mga tambalang kinahuhumalingan ngayon ng publiko.
Ito’y dahil sa chemistry na nabuo nila nang magkapareha sila sa Maria Clara at Ibarra, ang top-rating primetime series ng GMA-7.
Mapapanood muli sila sa upcoming TV adaptation ng 1991 movie na Maging Sino Ka Man.
Dahil sa madalas na pagsasama nina Barbie at David, may pagkakataon bang nagseselos si Jak?
Sagot ni Jak sa PEP.ph, “Walang selos, go lang! Professional lang tayo, trabaho lang.”
Wala raw kaso kay Jak na may ibang ka-love team ang kanyang nobya dahil parte iyon ng kanilang trabaho bilang celebrities.
Maaaring ang fans daw niya ang madalas naaapektuhan, ngunit siya kailanman ay hindi minasama at pinersonal ang pagtatambal nina Barbie at David.
Aniya, “Nakakatuwa nga lahat nung mga fans. Minsan nagte-trending ako sa Twitter [nang] hindi ko alam. Basta sasabihin lang sa akin, ‘Huy, trending ka sa Twitter.’ Sabi ko, ‘Bakit?’
“I’m thankful na successful silang dalawa and maganda yung pagtanggap ng tao sa love team ng BarDa, and ako rin ay sumusuporta rin sa dalawa.
“So, yung mga tao na yung nagre-react for me, sila na yung mas affected.
“Sobrang touched naman ako [dahil] maraming nagmamahal sa akin.
“So, guys, I love you too.”
JAK AS A BOYFRIEND
Kay Barbie na mismo nanggaling na “napaka-understanding at very supportive” ni Jak pagdating sa kanyang showbiz career.
Sa panayam ng Cabinet Files kay Barbie noong January 28, 2023, sinabi ng aktres na malaki ang pasasalamat niya dahil hindi selosong tao si Jak.
Hindi na rin daw niya kailangang bigyan ito ng assurance dahil malaki ang tiwala sa kanya ni Jak
Ani Barbie, “Actually, bigla akong napaisip kasi, oo nga, I never needed to assure him. Parang, ever since, malaki naman talaga ang tiwala sa akin ni Jak pagdating sa mga ganyang bagay.
“Hindi ko kinailangan na parang patunayan na pagkatiwalaan mo ako. He just understands everything.
“Very patient… naiintindihan kasi ni Jak yung trabaho kasi ganito rin ang trabaho niya. So I’m just lucky to have him.”
Pagbubunyag pa ni Barbie, kailanman ay hindi niya naramdamang nagseselos si Jak at kung sakali man, pa-cute at pahaging na selos lang ang ipinaparamdam nito sa kanya.
Saad niya, “Mga pa-cute na selos. Yung mga pa-tweetums lang kasi naghahanap ng cuddle, pero nothing serious.”
News
😢 PLEASE PRAY for Miss Zsa Zsa Padilla! 😱 She was rushed to the hospital AGAIN for a new operation—what’s really happening behind the scenes? 🏥 This shocking update has left everyone worried and wondering about her health. Is everything okay? Stay tuned for the latest news on Zsa Zsa’s condition! 🙏 (NG)
1. Who is Zsa Zsa Padilla? Zsa Zsa Padilla, born Esperanza Padilla, is a well-loved singer and actress in the…
OMG! Atong Ang REVEALS the Real Reason Behind His BREAKUP with Sunshine Cruz! (NG)
In a bombshell revelation that has stunned the public, businessman Atong Ang has opened up about the real reason behind…
SHOCK FULL VIDEO : Isang malaking rebelasyon ang panloloko nina Andi Eigenmann at Philimar Alipayo na ikinagulat ng mga manonood at (NG)
SHOCK: Isang Malaking Rebelasyon ang Panloloko nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na Ikinagulat ng mga Manonood at Nagpa-Curious sa…
LAHAT NAGULAT DITO ng LUMABAS ANG VIDEO Ni LYCA GAIRANOD AT NG KANYANG BOYFRIEND FIRST ANNIVERSARY (NG)
Isang nakakakilig at nakakagulat na balita ang lumabas sa social media nang ang dating The Voice Kids champion na si Lyca Gairanod ay mag-share…
KATOTOHANAN SA NAKAHAHAWANG SAKIT NI CANDY PANGILINAN: Ano ang Dapat Mong (NG)
In recent weeks, Candy Pangilinan has become the center of public attention due to her candid statements about her struggles…
Kilalanin ang mga Babae sa Buhay ni Coco Martin: Mga Nakarelasyon at Mga Pagkakaugnay na Mag-iiwan sa Iyo ng Gulat! (NG)
The Women in Coco Martin’s Life: Past Relationships and Link-ups EXPOSED! Coco Martin, the King of Philippine television, is not…
End of content
No more pages to load