Darren reportedly hired a hitman to beat a ride-hailing driver and dispatcher.

Iniimbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang Taiwanese actor na si Darren Wang, 33, matapos siyang akusahan ng attempted murder.
Si Darren (Ta Lu Wang) ay kilala sa kanyang coming-of-age film na Our Times (2015) at sa Netflix movie na No More Bets (2023).
Ayon sa ulat ng ilang Taiwanese news sites, dalawang katao ang nagreklamo sa pulisya na binugbog umano sila ng taong inutusan ni Darren.
Nangyari ang insidente nang bumalik sa Taiwan si Darren buhat sa bakasyon sa ibang bansa.
Pagkalapag daw ng aktor sa Taoyuan International Airport ay nag-book siya sa isang ride-hailing app ng sasakyang maghahatid sa kanya sa bahay.
Pagdating pa lang ng na-assign na sasakyan ay hindi na umano ito nagustuhan ng aktor dahil mukha raw itong “too poor.”
Hindi rin nasiyahan ang aktor sa serbisyo ng driver dahil kung saan-saan daw ito dumaan.
Nagkaroon ng matinding diskusyon ang driver at si Darren na padabog daw bumaba ng sasakyan.
Pagkatapos ng insidente ay tinawagan umano ng aktor ang kaibigan niyang may apelyidong Yu, at inutusang bugbugin ang driver pati na ang dispatcher ng na-book niyang sasakyan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagtamo ng severe injuries ang driver at dispatcher dahil sa pambubugbog umano sa kanila ng kaibigan ni Darren.
Bagamat hindi pa kumpirmado kung si Darren nga ang nag-utos, sinabi ng kanyang manager na inaalam pa nila ang tunay na pangyayari.
Pahayag nito, “We are in the process of looking into the situation. Thank you.”
Kahapon, March 4, 2025, nagsagawa raw ng raid ang New Taipei City Police Department Criminal Investigation Corps at New Taipei City Yonghe Precinct sa apat na lokasyon upang imbestigahan at i-detain si darren at ang kaibigan nito.
DARREN’s ALLEGED military EVASION SCANDAL
Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot si Darren sa isang eskandalo.
Ilang linggo lang bago ang insidente ng umano’y pambubugbog, inaresto si Darren ng pulisya matapos nilang mapag-alaman ang planong pag-iwas ni Darren sa mandatory military service na nakatakda na sa March 13.
Kasamang inaresto ni Darren ang siyam pang nagbabalak umanong i-forge ang kanilang medical certificate para hindi matuloy ang pagpasok nila sa military service.
February 18, 2025, nang makalabas si Darren matapos niyang makapagpiyansa ng NT$150,000 o PHP260,000.

Kabilang pa sa mga pelikula ni Darren ay Suddenly Seventeen (2016), 10,000 Miles (2017), A Better Tomorrow (2018), Fall in Love at First Kiss (2019), at The Rookies (2018).
Napanood din siya sa mga drama series na Ghost Blows Out The Light: Mu Ye Gui Shi (2017) at The Wolf (2020).
News
Jennylyn Mercado Naging Emosyonal sa Isiniwalat Tungkol Kay Luis Manzano: Scandalous na Katotohanan na Magpapagalit sa Iyo!
Jennylyn Mercado Naging Emosyonal sa Isiniwalat Tungkol Kay Luis Manzano: Scandalous na Katotohanan na Magpapagalit sa Iyo! Introduction Sa isang…
MANNY PACQUIAO, BINAWALAN ANG MGA ANAK NA LUMAPIT SA INA NA SI JINKEE PACQUIAO!
Breaking News: “Manny Pacquiao Prohibits His Children from Approaching Their Mother, Jinkee Pacquiao!” The boxing legend and former senator Manny…
Joey de Leon says TAPE wanted Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Paolo Ballesteros, Ryzza Mae out of ‘Eat Bulaga’
In this file photo, the hosts of the longest-running noontime show “Eat Bulaga” are seen having a good time. The…
Maine Mendoza recalls Eat Bulaga audition: “I have conquered a lot of my fears…”
Maine Mendoza is “beyond grateful” for blessings that came to her life after surviving her 2015 audition on Eat Bulaga….
SHOWBIZ SHOCK: Nabawi ni Zoren Legaspi ang lahat ng asset mula kay Carmina Villaroel matapos matuklasan ang pagtataksil. Nagulat ang mga netizens sa inilabas na ebidensya
Shocking news is spreading rapidly in the Philippine entertainment industry: actor Zoren Legaspi is said to have recovered…
PUBLIC ANNOUNCEMENT ng KathDen: Katotohanan kina Kathryn at Alden
In a surprising turn of events, the highly anticipated public announcement regarding Kathryn Bernardo and Alden Richards, two of the…
End of content
No more pages to load