Dingdong Dantes talks about inspiration behind movie Sid & Aya
Dingdong Dantes on Anne Curtis’s acting: “Very natural.”
Kapuso actor Dingdong Dantes (right, with co-star Anne Curtis) on the inspiration behind their latest movie, Sid & Aya: “Ang inspirasyon talaga ay galing kay Direk Irene [Villamor]. Hindi ko alam kung galing sa personal niyang buhay pero matagal na raw niyang pina-project ‘to. Matinding research din ang ginawa niya dahil years ago, pinag-uusapan na namin siya
Ang bagong pelikula ni Dingdong Dantes at Anne Curtis sa Viva Films, ang Sid & Aya (Not A Love Story), ay naihahalintulad ng ilang netizens sa ilang pelikula tulad ng Hollywood movie na Friends with Benefits.
Pero ayon mismo sa actor, “Ang inspirasyon talaga ay galing kay Direk Irene [Villamor].
“Hindi ko alam kung galing sa personal niyang buhay pero matagal na raw niyang pina-project ‘to.
“Matinding research din ang ginawa niya dahil years ago, pinag-uusapan na namin siya.
“So in terms of inspiration, I think the closest inspiration is the book itself, yung Black Swan.”
Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang librong The Black Swan: The Impact of the Highly Improbable, na isinulat ni Nassim Nicholas Taleb.
Maraming naku-curious kung ano talaga ang kuwento ng Sid & Aya.
Sa social media, may mga nagtatanong, multo raw ba si Anne Curtis?
“Panoorin na lang nila,” nakangiting sagot niya.
Pero ano nga ba ang totoong kuwento nito?
Paglinaw pa ni Dingdong, “Well, with Direk Irene’s term, tungkol sa dalawang taong naggagaguhan.
“Ganun nga, parang minsan mas maganda pang wala nang masyadong maraming paliwanag.
“Kaya hindi siya love story, kasi hindi siya siguro yung story na may ending na kikiligin ka.”
ROLE. Naging exciting daw lalo kay Dingdong ang pelikula dahil malayo raw sa kung sino siya sa totoong buhay ang karakter niya bilang si Sid.
Ayon kay Dingdong, “Insomniac kasi ang character ni Sid.
“E, relaxed ako lately, chill-chill lang ako lately so I think, wala.
“Isa ito sa mga character na malayo talaga sa akin.
“Exciting siyang gampanan kasi malayo siya sa katotohanan
“Hindi naman siya outright na good guy.
“Alam mo na flawed character, maraming pinagdadaanan.
“Maraming issues and then suddenly mababago ang buhay niya dahil sa isang Aya na makikilala niya.”
TIMELY TEAM-UP. Hindi ito ang unang pagkakataon na magkasama sina Dingdong at Anne.
Pero halos pareho pa lang silang nagsisimula noon sa Kapuso network nang magkasama sila sa ilang serye.
Yung sila na ang magkapareha ang ngayon pa lamang.
Kumustang katrabaho si Anne?
Lahad niya, “Kasi, malaking bagay na magkasama kami twenty years ago.
“Makikita mo ang growth niya. For one, nasa TV siya araw-araw.
“Alam mo kung ano yung pinanggalingan namin pareho, sa T.G.I.S., yung ganun.
“So nakakatuwa yung evolution yung kanyang pagkatao at saka film choices dahil it really speaks about yung kung ano ang mahalaga sa kanya.
“Makikita mo na hindi lang siya active everyday sa It’s Showtime, pero mahal din niya ang craft niya as an actress dahil nababasa ko rin yung ginagawa niya sa Buy Bust.”
Dugtong pa niya, “Like rito, talagang hangga’t maaari, wala siyang kasabay na pelikulang ginagawa, kasi nakakalito talaga yun kapag dalawa ang sinasabayan niya.”
Katulad ni Anne, wala rin siya halos ginawang kasabay ng Sid & Aya.
News
Hilda Koronel to make movie comeback
Hilda Koronel to make movie comeback Hilda Koronel is back! The award-winning actress was presented in an intimate media launch…
Sophia Montenegro has said about her relationship with father baron Geisler , The truth behind shocked the world, which is..?
Sophia Montenegro Nagsalita Na Sa Estado Ng Relasyon Sa Kanyang Ama Na Si Baron Geisler! Sa isang artikulong nagsilbing…
Coleen Garcia UMAMIN NA sa Totoong Nangyari kay Billy Crawford kaya PAYAT na PAYAT (t)
Kamakailan lamang, nagbigay ng isang matapat at emosyonal na pahayag si Coleen Garcia tungkol sa kalagayan ng kanyang asawa, si…
SHOCKING: SOFIA Andres released EVIDENCE of the WOMEN who had been with DANIEL PADILLA, you will be shocked to know this…
This shocking news has stirred up the entire online community when Sofia Andres, a famous Filipino actress, suddenly released…
HOT NEWS: Kathryn Bernardo is aiming for a big project. Isang nakakagulat na sikreto ang malapit nang mabubunyag… (t)
Kathryn Bernardo is Working on a Big Project. What Could It Be? With Kathryn Bernardo playing iconic roles in the…
SHOCK: Alora Sasam CONFIRMS THE TRUTH ABOUT THE DIVORCE OF Kathryn Bernardo and Daniel Padilla! (t)
In a shocking development for fans, Alora Sasam has confirmed that the relationship between Kathryn Bernardo and Daniel Padilla has…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply