Iginiit ni Heart Evangelista na may nais siyang patamaan sa nag-viral niyang post sa Instagram kamakailan.

Ito’y matapos niyang pasuotin ng multi-million-peso worth luxury-brand necklace ang alaga niyang aso na si Panda.

Noong August 15, 2024, napag-usapan sa social media ang pagpu-post ni Heart ng larawan ni Panda habang ito ay nakasuot ng Serpenti Viper necklace mula sa luxury jewelry brand na Bulgari.

Heart Evangelista denies throwing shade at Pia Wurtzbach

Photo/s: Heart Evangelista on Instagram

Ang presyo ng high-end necklace ay tumataginting na PHP11 million.

Bagamat maraming netizens ang napa-sana all, mayroon din namang mga bumatikos kay Heart dahil sa anila’y “pag-disrespect’ nito sa craftmanship ng kilalang fashion brand.

May ilan ding pinaratangan siyang “insecure” at gumagawa umano ng “shade” o patama kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na napiling Philippine brand ambassador ng Bulgari noon lamang June 2024.

Read: Bulgari hosts exclusive dinner for Pia Wurtzbach

Marami ang nakahalata na ang suot daw na kuwintas ng aso ni Heart ay may pagkakatulad sa suot na Serpenti emerald and diamond necklace ni Pia sa kanyang post noong June.

Pia Wurtzbach for, Bvlgari, Bulgari

Photo/s: @piawurtzbach on Instagram

Ang kuwintas ni Pia ay tinatayang nagkakahalaga ng 220,000 Swiss francs – 325,000 Swiss francs, o katumbas ay PHP14 million – PHP21 million, ayon sa international auction house na Sotheby’s.

Ang ipinasuot na kuwintas ni Heart sa kanyang aso at ang necklace ni Pia ay kabilang sa Serpenti collection ng Bulgari.

HEART reacts to netizens accusing her of throwing shade at Pia

Sa panayam ni Heart sa 24 Oras nitong Biyernes, August 23, minarapat na niyang magsalita para depensahan ang sarili laban sa aniya’y mapanirang akusasyong ibinabato sa kanya.

Ani Heart, “I’m a very candid person, I’m very transparent and honestly, I love my dogs. Anak ko yun e.”

Hindi rin daw ito ang unang pagkakataon na pagsuotin ni Heart si Panda ng mamahaling alahas, kaya’t hindi niya mawari kung saan nanggagaling ang mga batikos na ipinupukol sa kanya.

Saad niya, “I wanted to set an example na ang aspin they are a special kind of breed na sariling atin, so ini-spoil ko talaga siya.

“Hindi lang naman iyan basta-basta na ginagawang alarm or parang doorbell ng bahay na nakakulong

“In fact, ang goal ko talaga is makarating siya sa Paris.”

Sundot na tanong ng 24 Oras entertainment reporter na si Nelson Canlas, “May mga nagko-comment na netizens, may pinapatamaan daw ba si Heart?”

Hindi man direktang pinangalan ni Nelson ang aniya’y tinutukoy ng netizens, ngunit mahihinuha na si Pia ito.

Hindi kasi kaila ang pagbabangga sa kampo nina Heart at Pia kasunod ng paglipat ng glam team ng Kapuso actress sa beauty-queen-turned-influencer earlier this year.

Sagot dito ni Heart, matagal na niyang nabili ang kuwintas bago pa man maging Philippine brand ambassador ng Bulgari si Pia kaya’t wala raw siyang rason para paringgan ito.

Pahayag ni Heart: “Well, the necklace has been mine since pandemic times so, I honestly don’t see anything.

“I feel like, more than anything, it should be an inspiration that, you know, you should treat the people around you the same they deserve the best.

“So, honestly, I don’t really feel like there’s anything that I should do and not do, especially since I do own the necklace.”

Nagsasalita raw ngayon si Heart hindi para mag-ingay, kundi para ipakita na marunong siyang lumaban sa mga oras na inaagrabyado na siya.

Aniya, “At the end of the day, you know, kailangan naman din minsan kailangan palaban ka rin.

“Alam ko na rin kung paano kapag hindi ka masyadong palaban, talagang natatapakan ka, so I bite now in a very sweet way pero masakit.”

Heart addresses issue on letting her pet dog Panda wear a Bulgari necklace

Samantala, hindi ito ang unang beses na nagsalita si Heart tungkol sa kontrobersiyal niyang pagpapasuot ng Bulgari accessory kay Panda.

Noong August 18, nag-Instagram Live si Heart para ipaliwanag kung bakit niya ipinasuot sa alaga ang mamahaling alahas.

Katuwiran ng aktres: “I own the necklace, you know. I can do whatever I want, then pull it out.

“Basically, Panda owns the necklace. So, hindi siya loan. So, she can do whatever she wants with it.

“So, Panda is my most spoiled baby girl. So, I [don’t] understand why people are making it such ano… that I put diamonds on her…”

Katuwiran pa ni Heart, mainam daw ipasuot sa kanyang alaga ang mamahaling mga alahas dahil hindi ito mananakaw.

Sabi niya, “Actually, she’s the best person to put diamonds on. You know why? Because she’ll bite you if you go near her. So, hindi puwedeng manakaw.

“So, sometimes I do that also, I put diamonds on her and that’s fine because hindi siya puwedeng makuha kasi mananakawan kayo ng daliri.”

Rason pa niya sa tulad ni Panda na rescued dog, “These are aspins or rescued dogs, they deserve the world…

“So, we’d like to alleviate their look, and, why not? I mean, siya naman ang totoong tagapagmana.

“Minana niya yon. So, she can do whatever she wants. I don’t understand what the deal is, like, di ba?” pagtukoy niya sa alagang si Panda.