Kahit napakaraming lumuha sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nilagyan din ito ng ilang netizens ng humor sa pamamagitan ng memes.
Matapos bumaha ang luha sa social media nang magpahayag sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng pagtatapos ng kanilang 11-year relationship, bumuhos din ang samu’t saring memes tungkol sa kanilang breakup.
Yup, that’s Pinoy humor at its best.
Sa harap man ng mga kalamidad, sakuna, at iba pang malulungkot na pangyayari, nagagawa pa rin nating tumawa.
Sabi nga, laughter is the best medicine—lalo na kung ang apektado ng sakit ay ang mga damdamin.
Kaya umpisahan na natin ang mga naglipanang KathNiel memes, at nagpapasalamat ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa mga witty nating kababayan na nakaisip nito.
Here it goes…
Ang una raw pinakaapektado sa KathNiel breakup ay ang Dakilang Supremo—na idol pa naman yata ni Daniel. Himutok ni Gat Andres Bonifacio—bakit daw naman sa birthday pa niya itinaon ang paghihiwalay?
Happy naman daw si former Senator Juan Ponce Enrile sa panibagong milestone sa kanyang napakahabang buhay at pagiging immortal. Sa dami nang nasaksihan niyang hiwalayan sa kasaysayan ng mundo, naabutan pa rin niya ang kina Kathryn at Daniel.
May netizen namang nagsabi na akala raw niya ay hanggang “katapusan” ang idol niyang magdyowa. Pero hirit ng isang kapwa netizen, eksakto naman na katapusan—dahil November 30 naganap ang breakup.
May nagdeklara naman na ang December 1 ay “no classes all levels.” Ang okasyon—KathNiel breakup day. Tiyak nga namang maraming magluluksang estudyante lalo na ang naging fans ng She’s Dating the Gangster stars.
Ang breakup din umano ang dahilan kaya inilipat ang Bonifacio Day noong November 27. Mukhang may manghuhula sa Malacañang at na-foresee na ang magiging kaganapan bago naglabas ng calendar ng Philippine official holidays ngayong 2023.
Maging ang biyahe ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Dubai, United Arab Emirates ay nakansela. May intel report daw kasing natanggap na maghihiwalay na ang KathNiel sa araw ng flight ni BBM. For once, pun intended, medyo credible ang source ng intel na ito.
Isang creative netizen naman ang ginawang letter of resignation ang naging statement ni Kathryn sa nangyaring breakup. Ito umano ang kanyang LOR pagkatapos niyang matanggap ang kanyang 13th month pay.
May eagle-eyed netizen na napansing may OOTD sina Kathryn at Andrea Brillantes na kapareho ng suot ng mga guest sa Face To Face na nag-cat fight sa naturang TV5 show. If a picture paints a thousand words, hindi na namin kailangang mag-elaborate.
At dahil laging kumakalat sa social media ang throwback photo ni Daniel at ng bata pa noong si Andrea, may nag-post din ng picture ni Kathryn na may kasamang little boy. E, sino naman kaya ang batang ‘to? At ano ang konek? Paki-explain… labyu!
Kung malakas naman ang iyak ng baboy nang katayin, kahit nilitson na ito ay lumuluha pa rin dahil sa lungkot sa nangyari—hindi sa kanya kundi sa KathNiel!
Pero dahil Pasko ngayon at kahit hindi masyadong malamig ang simoy ng hangin, dapat ay masaya ang bawat damdamin.
Paalala ni Jose Mari Chan, inistorbo ninyo siya nang maaga at August pa lang ay pinasisilip na sa inyong mga walls, kaya move on na tayo sa hiwalayang Kathryn at Daniel—and let’s sing Merry Christmas and a happy holiday.
At kung nag-emote si Gat Andres Bonifacio dahil na-overshadow ng KathNiel breakup ang kanyang special day, chill lang si Dr. Jose Rizal.
Umabot man sa Rizal Day sa December 30 ang pagluluksa ng sambayanan sa naging hiwalayan, handa siyang ipaubaya sa dalawa ang limelight.
After all, ibinuwis nga niya ang sariling buhay para sa kalayaan.
Ay, may ganun?!
News
Hilda Koronel to make movie comeback
Hilda Koronel to make movie comeback Hilda Koronel is back! The award-winning actress was presented in an intimate media launch…
Sophia Montenegro has said about her relationship with father baron Geisler , The truth behind shocked the world, which is..?
Sophia Montenegro Nagsalita Na Sa Estado Ng Relasyon Sa Kanyang Ama Na Si Baron Geisler! Sa isang artikulong nagsilbing…
Coleen Garcia UMAMIN NA sa Totoong Nangyari kay Billy Crawford kaya PAYAT na PAYAT (t)
Kamakailan lamang, nagbigay ng isang matapat at emosyonal na pahayag si Coleen Garcia tungkol sa kalagayan ng kanyang asawa, si…
SHOCKING: SOFIA Andres released EVIDENCE of the WOMEN who had been with DANIEL PADILLA, you will be shocked to know this…
This shocking news has stirred up the entire online community when Sofia Andres, a famous Filipino actress, suddenly released…
HOT NEWS: Kathryn Bernardo is aiming for a big project. Isang nakakagulat na sikreto ang malapit nang mabubunyag… (t)
Kathryn Bernardo is Working on a Big Project. What Could It Be? With Kathryn Bernardo playing iconic roles in the…
SHOCK: Alora Sasam CONFIRMS THE TRUTH ABOUT THE DIVORCE OF Kathryn Bernardo and Daniel Padilla! (t)
In a shocking development for fans, Alora Sasam has confirmed that the relationship between Kathryn Bernardo and Daniel Padilla has…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply