Barbie Imperial on rumor linking her to Daniel Padilla: “Nahiya ako kay Kath.”
Barbie reveals reason why she was at Daniel’s house.
Barbie Imperial (left) on rumored romance with Daniel Padilla after she was seen at his house last December 2022: “So for me, ‘Talaga ba?’ Kung may gagawin akong masama nandun yung Beks Batallion, nasa vlog pa ako, ang bobo ko naman… And nirerespeto ko kung ano meron si Kath and DJ.” Seen with Daniel on the right photo is his longtime girlfriend Kathryn Bernardo
Sa unang pagkakataon, nagsalita si Barbie Imperial, 24, sa pang-iintriga sa kanila ni Daniel Padilla, 27.
Nabigyan ng malisya ang pagbisita ni Barbie sa bahay ng pamilya ni Daniel noon pang December 27, 2021.
Saktong nangaroling ang Beks Batallion sa ina ni Daniel na si Karla Estrada, at nakunan sa video si Barbie na kasama ni Karla.
Walang paliwanag kung bakit naroon si Barbie, at iyon ang nilinaw ng aktres sa kanyang vlog kahapon, September 11, 2022.
“Nanahimik talaga ako, e, as in nung time na yun, nung nangyari yung tsismis na yun.
“Siyempre nahiya ako unang-una kay Kath, kasi anong iisipin niya,” tukoy ni Barbie sa nobya ni Daniel na si Kathryn Bernardo.
Ang sinadya raw talaga ni Barbie ay si Karla at kapatid ni Daniel na si Maggie.
“Pero kasi, pumunta ako ng bahay ni Tita Karla kasi, first, kaibigan ko si Tita Karla and si Maggie kaibigan ko rin.
“And nung pumunta ako dun, sobrang kaka-break lang actually namin ni Diego nun. And ang mga kaibigan ko talaga na pinupuntahan si Ate Ara, si Tita Karla.
“So, pumunta ako kay Tita Karla kasi wala si Mama dito.”
Malapit si Barbie sa dating co-star na si Ara Mina at pati na rin kay Karla na parehong sumusuporta sa kanya nang maging nobyo niya si Diego Loyzaga.
Isang taong naging magkasintahan sina Barbie at Diego, pero natuldukan iyon noong December 2021.
“Ayoko kasi na pag kaka-break ko lang, emotional ako, pupunta ako ng gimikan, iinom—hindi ganun.
“Parang lalapit ako dun sa mom talaga mag-advice. Para fair yung advice, si Tita Karla, kasi parang anak-anakan din niya si Diego.
“So, pumunta ako dun. Wala si DJ dun. Andun lang si Tita Karla, si Maggie… Nandun din yung Beks Batallion,” paglilinaw ni Barbie.
DJ ang palayaw ni Daniel.
ON RESPECTING DANIEL AND KATHRYN’S RELATIONSHIP
Diin pa ni Barbie, hindi siya ang tipo na papatol sa may karelasyon.
“So for me, ‘Talaga ba?’ Kung may gagawin akong masama, nandun yung Beks Batallion, nasa vlog pa ako. Ang bobo ko naman.
“So, walang truth yun.
“And nirerespeto ko kung ano meron si Kath and DJ. Sa lahat ng couples nire-respect ko yun.”
Sinasabing may lumabas ding tsismis na, “DJ comforted and hugged you while you were crying over Diego.”
Gulat na reaksiyon ni Barbie, “Saan galing yun? No, not true!
“Wala ako ma-explain kasi ngayon ko lang nalaman yung about this tsismis. Pero hindi totoo.”
Nang lumabas naman ang isyu noong Enero 2022 ay mismong si Daniel ang naglabas ng pahayag na “nonsense” ang pag-uugnay sa kanila nila Barbie.
Sina Daniel at Kathryn ay nagdiwang ng 10th anniversary nilang bilang couple noong May 2022.
News
Hilda Koronel to make movie comeback
Hilda Koronel to make movie comeback Hilda Koronel is back! The award-winning actress was presented in an intimate media launch…
Sophia Montenegro has said about her relationship with father baron Geisler , The truth behind shocked the world, which is..?
Sophia Montenegro Nagsalita Na Sa Estado Ng Relasyon Sa Kanyang Ama Na Si Baron Geisler! Sa isang artikulong nagsilbing…
Coleen Garcia UMAMIN NA sa Totoong Nangyari kay Billy Crawford kaya PAYAT na PAYAT (t)
Kamakailan lamang, nagbigay ng isang matapat at emosyonal na pahayag si Coleen Garcia tungkol sa kalagayan ng kanyang asawa, si…
SHOCKING: SOFIA Andres released EVIDENCE of the WOMEN who had been with DANIEL PADILLA, you will be shocked to know this…
This shocking news has stirred up the entire online community when Sofia Andres, a famous Filipino actress, suddenly released…
HOT NEWS: Kathryn Bernardo is aiming for a big project. Isang nakakagulat na sikreto ang malapit nang mabubunyag… (t)
Kathryn Bernardo is Working on a Big Project. What Could It Be? With Kathryn Bernardo playing iconic roles in the…
SHOCK: Alora Sasam CONFIRMS THE TRUTH ABOUT THE DIVORCE OF Kathryn Bernardo and Daniel Padilla! (t)
In a shocking development for fans, Alora Sasam has confirmed that the relationship between Kathryn Bernardo and Daniel Padilla has…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply