Kotse ni Daniel ilang gabi nang paikut-ikot sa bahay nina Kathryn?

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
TRULILI kaya ang kumakalat na chika na ilang araw na umanong nagpupunta si Daniel Padilla sa isang subdivision kung saan nakatira ang ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo?
May balita kasi na patuloy na gumagawa ng paraan si DJ para magkausap uli sila nang masinsinan ni Kath dahil sa kagustuhan umano nitong magkabalikan sila.
Ayon sa veteran showbiz columnist at radio-online host na si Nanay Cristy Fermin, may nakapagkuwento rin sa kanya ng tungkol sa pagpunta-punta ni Daniel sa bahay nina Kathryn.
“Ilang gabi na raw po nitong nakaraang linggo na nakikita ang sasakyan ni Daniel Padilla na paikot-ikot sa subdivision kung saan nakatira ang mga Bernardo…sina Kathryn,” pambubuking ni Nanay Cristy sa aktor sa nakaraang pisode ng programa niyang “Showbiz Now Na.”
Rebelasyon pa ni Nanay Cristy, “Ang balita pa, humahanap talaga ng tao na makakapagtulay para sa kanila ni Kathryn.”
Ngunit sabi ng batikang manunulat at TV host, maaari naman daw idenay, kumpirmahin o dedmahin na lang nina Daniel at Kathryn ang nasabing chika na nakarating sa kanya.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nabalitang patuloy pa ring sinusuyo ni Daniel sa Kathryn matapos ang kanilang breakup.
Kasunod nito ang balitang personal na pinuntahan ng aktor si Kathryn sa dressing room nito sa ginanap na Christmas special ng ABS-CBN last December.
Kumalat pa nga ang isang video clip at mga litrato kung saan makikita ang paghalik ni Daniel sa noo ni Kathryn.
At in fairness, hanggang ngayon, kahit matagal na silang hiwalay ni Kathryn, ay hindi pa rin dini-delete ni Daniel ang mga sweet photos nila together sa Instagram.
News
Kim Chiu on ex-boyfriends: “Nagpaalam naman sila nang maayos.”
Kim Chiu: “Sabi nila, ‘Kim, alis na kami! Hahaha!” Kim Chiu says she had closure with ex-boyfriends Xian Lim and…
Maine Mendoza & Arjo Atayde’s Love Story: A Complete Timeline – Did It All Begin with a Coffee Date?
Maine Mendoza and Arjo Atayde romance: A timeline Did it start over a coffee date? After more than three years…
SHOCK: Angel Locsin uncovered a shocking secret involving Niel Arce and Maxine Magalona, and she was completely taken aback!
Angel Locsin Shocked by Alleged Secret Involving Niel Arce and Maxine Magalona In a development that has set tongues wagging…
GRABE! WHAMOS CRUZ, NAKAKAGULAT PALA ANG HALAGA NG KANYANG BIRTHDAY PARTY! 🎉💸
BREAKING NEWS: GRABE! WHAMOS CRUZ, NAKAKAGULAT PALA ANG HALAGA NG KANYANG BIRTHDAY PARTY! 🎉💸 Usap-usapan ngayon sa social media ang…
BREAKING NEWS: “JULIA MONTES, WIFE OF COCO MARTIN, REACTS TO HIS DARING SCENE IN ‘BATANG QUIAPO’!”
The entertainment world is once again buzzing after Julia Montes, the rumored wife of actor-director Coco Martin, reacted to his…
‘Groomer!’: Netizens naalibadbaran nang jowain ni Coco Martin noo’y 16-anyos na si Julia Montes
Litrato nina Coco Martin (kaliwa) at Julia Montes (kaliwa) Mula sa Instagram account ni Coco Martin MANILA, Philippines — Inamin…
End of content
No more pages to load