Hindi pa natapos ang putukan noong January 1, mga YesPren, dahil kinabukasan lamang, may pasabog na kumpirmasyon si Barbie Forteza ng kanilang paghihiwalay ng longtime boyfriend na si Jak Roberto. Sa kaniyang Instagram account, nagpahayag si Barbie ng isang “beautiful goodbye” sa pitong taon nilang relasyon ng aktor.
At malamang, hindi na naman mapakali ang mga chismosang Yespren! Sa parehong linggo ay umarangkada naman sa social media si Xian Gaza. Sa kaniya kasing napakainit na post, sinabi ni Xian na ang tunay na dahilan ng hiwalayang BarJak ay third party. Diumano’y ilang ‘starlet’ ang lumantad sa kaniya at ibinuking ang pangingibang-bangka ni Jak habang sila pa ng aktres. Wala pang kasunod na chismis si Xian pero mukhang nag-iipon na naman siya ng lakas para sa isang pangmalakasang Facebook live.
Hindi pa riyan natatapos, mga YesPren! Kabi-kabilang hula at matutulis na tabas ng dila rin ang naglabasan kasunod ng anunsyong ito. Sabi ng ilan, malamang ay tuluyan nang nabarda ng ka-loveteam na si David Licauco ang puso ng dalaga. Kasunod kasi ng post ni Barbie, siya ring pag-agaw ng eksena ni David sa kumpirmasyon ding hiwalay na siya sa kaniyang non-ShowBiz jowa. Sa kabila ng mga chika, nanatiling kalmado si David at nag-post sa Instagram ng larawan na may caption na “Chill lang.”
Hindi pa nagpapahayag ng saloobin si Jak sa hiwalayang BarJak at maging sa kaliwa’t kanang alegasyon na ibinabato sa kaniya. Humiling naman si Barbie ng respeto at privacy para sa kanilang personal na buhay.
News
MVP MODE: Kevin Quiambao Shines Bright! A True Showtime Performance – He Dominates with Dunks and a Three-Point Barrage!
MVP Mode si Kevin Quiambao! Lumabas ang Tunay na Laro, Nag-Showtime! Sumalpak at Nagpaulan ng Tres! Isang malaking highlight ang…
GINEBRA FANS REJOICE: Ginebra Set to Shock Haters in Playoffs! Tim Cone Concerned About Meralco – What’s at Stake?
Ginebra Haters Kakabahan sa Ipapakita ng Ginebra sa Playoffs | Tim Cone Nababahala Kontra Meralco Habang papalapit ang playoffs ng…
BREAKING: Kevin Quiambao Hits Career High in Korea – ‘MAMAW’ Performance! Kai Sotto Post-Op Updates – What’s Next for the Big Man?
Career High Agad si Kevin Quiambao sa Korea “MAMAW”!! Kai Sotto Post-Op Updates! Ang mga balita tungkol sa ating mga…
BREAKING: SJ Leads the Team to Victory!! Qatar BF Drops a Major Poster of Kai Sotto – The Biggest Move Yet! Gilas Update!
SJ Binu-hat ang Team Panalo!! Qatar BF Naglabas ng Poster Si Kai Sotto Pinakamalaki! Gilas Update! Ang buong Pilipinas ay…
BREAKING: Rufa Mae Quinto Pays Php 1.7M Bail After Surrendering to NBI – What Led to Her Shocking Surrender?
May pagsuko nang naganap, mga YesPren! Umaga nitong January 8 ay dumating sa bansa si Rufa Mae Quinto at boluntaryong…
SCANDAL ALERT: Olympic Bronze Medalist Eumir Marcial Accused of Cheating and Abusing His Wife – What’s the Truth Behind These Shocking Allegations?
Kung inaakala niyong tapos na ang cheating issues, mga YesPren, ay nagkakamali kayo. Pasabog ang naging rebelasyon ni Princess Jenniel…
End of content
No more pages to load