Kumalat ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang usaping wala nang Dominic Roque-Bea Alonzo wedding na magaganap ngayong taong 2024.
Nag-ugat ang mga isyung ito nang mapansin ng ilang mga netizens na hindi na isinusuot ng aktres ang kanyang engagement ring. Marami ang naghinalang
Sa gitna ng mga usaping ito nagbigay na umano ng pahayag ang isang tao na malapit kina Bea Alonzo at Dominic Roque kung saan inilahad nitong bagama’t walang kasalan na magaganap ngayong taon ay hindi naman nangangahulugang naghiwalay na ang dalawa.
Maging sa YouTube channel ng kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ay napag-usapan rin ang isyung ito. Ayon kay Ogie Diaz, may isang source na nagsasabing totoong naghiwalay na ang dalawa.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na maaasahan ang mga sources ni Ogie Diaz kaya naman, marami sa mga tagahanga nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang nalulungkot sa balitang ito.
Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz sa impormasyon na nakuha niya sa kanyang source, nagkaroon umano ng matinding tampuhan sina Dominic Roque at Bea Alonzo matapos ang kanilang Japan trip.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nila ito naayos kaya naman wala na silang panibagong larawan na magkasama, bukod pa rito, hindi rin umano nagpunta si Bea Alonzo sa kamakailang birthday party ng ina ni Dominic Roque.
Tila naging cold na rin si Bea Alonzo sa mga sagot niya sa naging panayam sa kanya nitong February 1, kung saan tila wala itong gana sa pagsagot sa katanungan ng ilang mga press people patungkol sa magiging kasal nila ni Dominic Roque na inaasahan ng marami na magaganap ngayong taon.
Makikita rin umano na tila hindi naman excited si Bea Alonzo na hindi pa niya masasabi kung sino-sino ang kanyang iimbitahan sa kasal nila ni Dominic.
Inilahad din ni Bea Alonzo na maging sa darating na Valentine’s day ay wala pa rin silang napag-uusapan ni Dominic Roque, sa katunayan inilahad pa niyang may nakaschedule siyang taping sa araw na iyon.
Sa kabilang banda, iginiit naman ni Bea Alonzo na nararapat lamang na ang pagpaplano para sa isang kasalan ay two way relationship, hindi lamang umano ang lalaki ang nag-eeffort.
Inilahad din ni Bea Alonzo, na sa relasyon nila ni Dominic ay wala namang mas nag-eeffort at hindi nag-eeffort.
Marami naman ang nakapansin na hindi magkatugma at magkasalungat ang naging pahayag nina Dominic Roque. Matatandaan na noong nakapanayam si Dominic Roque noong nakaraang buwan ng January, inilahad niyang nakaupo na sila ni Bea Alonzo upang mapag-usapan ang detalye ng kanilang kasal.
Inilahad pa noon ni Dominic Roque na labis siyang abala ngayon dahil sa paghahanda niya sa nalalapit na kasal nila ni Bea Alonzo. Nabanggit pa noon ni Dominic Roque na hindi imbitado sa kanilang kasal si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo lamang na kasama pa sa kanilang entourage nila.
News
Jake Zyrus May Pinagdadaanan, Naiyak Habang May Kinakanta!
Kamakailan ay nag-post si Jake Zyrus ng bagong cover video sa kanyang Instagram reels na bumihag sa puso ng…
Nakakadurog Ng Puso! Anne Curtis Iyak Ng Iyak Sa Nangyari Sa Kanyang Mommy Carmen
Maraming mga sikat na personalidad ang nagpakita ng kanilang malasakit at pag-aalala para kay Carmencita Ojales, ang ina ni…
Alex Gonzaga- Insecure Sa It’s Showtime? Aalis Na Sa Lunch Out Loud?
Usap-usapan ngayon sa social media ang Lunch Out oud host na si Alex Gonzaga dahil sa hindi pagsipot nito…
Paulo Avelino, Kinilig at Umamin Sa Kanilang Sweet Eksena Ni Kim Chiu
Aktor na si Paulo Avelino isiniwalat ang kanyang nararamdaman sa tuwing mayroon silang kissing scene ni Kim Chiu. Sa…
Netizens May Napansin Kakaiba Kay James Reid Habang Kasama Si Issa Pressman Sa Palawan! Alamin
Nitong nakaraang Holy Week na kung saan ay marami sa mga pinoy ang nagbakasyon sa iba’t-ibang tourist destination…
Vice Ganda, Tumangging Maging Judge Ng PGT Dahil Sa TV5?
Nag-viral sa social media ang mga pahayag ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update” tungkol…
End of content
No more pages to load