Jellie Aw, Jam Ignacio move on with their separate lives after mauling incident.



Jellie Aw cryptic post about freedom
Is this Jellie Aw’s message after mauling incident involving fiancé Jam Ignacio: “Regalo ko na sa sarili ko yung nakalaya ako sa sitwasyong hindi ko deserved.” PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Nagparinig ba muli ang club disc jockey na si Jellie Aw sa fiancé niyang si Jam Ignacio?

Sa kanyang Instagram Story nitong nakarang Sabado, March 15, 2025, nag-post si Jellie ng mga salitang “regalo ko” at “nakalaya ako” sa sitwasyong hindi raw niya dapat maranasan.

Mensahe niya, “Regalo ko na sa sarili ko yung nakalaya ako sa sitwasyong hindi ko deserved.”

Jellie Aw cryptic post1
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ibig kayang sabihin nito ay tinapos na niya ang lahat sa kanila ni Jam na nag-propose sa kanya ng kasal noong November 2024?

Sa isa pa niyang Instagram Story, ni-repost naman ni Jellie ang quote mula sa @female.focused account.

Nakasaad dito: “You’ve got a masters in lying but I’ve got a PhD in detecting bullshit.”

Jellie Aw cryptic post 2

JELLIE AW: “Tuloy ang kaso”

Noong March 11, tiniyak ni Jellie sa kanyang followers sa Instagram na itutuloy niya ang reklamo laban kay Jam.

Ito ay bunsod ng pambubugbog sa kanya ni Jam sa insidenteng nangyari noong February 11, 2025.

Hindi raw basta ganun-ganun na lang yun.

Alam din daw ni Jellie na maraming katulad niyang biktima ng pang-aabuso ang takot magsumbong.

Hindi raw porke’t mahal ang isang tao ay pinapalampas na lamang ang maling nagawa nila.

Buong post niya (published as is): “sa mga nagtatanong YES po tuloy n tuloy ang KASO!

“d pedeng ganon2x nlng! ano sya sinuswerte?

“alm ko mdming sinsaktn jn natatkot lng magsumbong at mahal ksi nila, oo mahal ntin pero sobrang MALI MANAKIT.

“BABAE tyo my krapatan tayo!”

Samantala, sa Instagram Story ni Jam, ipinakita nito ang pagbabalik niya sa pagmu-motor.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Jam Ignacio motorcycle ride

Mukhang naka-move on na pareho ang dalawa dahil balik-trabaho na si Jellie at balik naman sa kanyang hobby si Jam sa pagmu-motor.

JELLIE POSTS MESSAGE OF JAM WOOING HER BACK

Noong March 3, nagbahagi si Jellie ng screenshot ng mensahe ni Jam sa kanya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi malinaw kung kailan ipinadala ang mensaheng ito, pero mukhang sinusuyo muli ni Jam si Jellie.

Nakasaad ditong ginagawa umano ni Jam ang lahat para maging maayos muli ang relasyon nila, pati sa pamilya ni Jellie.

May pangarap din daw si Jam para bubuin sana nilang pamilya.

Pero, parang deadma rito ang club DJ.