Rabiya Mateo, positibo at negatibo ang paghahanap sa biological father



rabiya mateo biological father
Beauty queen-actress Rabiya Mateo finally found her biological father, Syed Mohammed Hashmi, after long years of searching for him. But her search came in vain after she was disowned by him.

PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram

Positibo at negatibo ang resulta ng paghahanap ni Rabiya Mateo sa kanyang Indian-American biological father na si Syed Mohammed Hashmi.

Iniwanan si Rabiya at ang kanyang ina ng ama niya noong sanggol pa lamang ang aktres at Miss Universe Philippines 2020 titleholder.

Positibo, dahil noong huling linggo ng Enero 2025, natukoy ni Rabiya ang kinaroroonan ng kanyang estranged father sa Amerika at nagkausap sila sa telepono.

Negatibo, dahil itinakwil siya ng sariling ama.

RABIYA MATEO DEVASTATED BY HER FATHER’S HARSH WORDS

Isang nakakaalam sa buong kuwento ng pag-uusap ng mag-ama ang nagsabi sa Cabinet Files na iniyakan nang husto ni Rabiya ang masasakit na salita ng tatay niya.

Isa nang doktor at marangya na raw ang pamumuhay ng biological father ni Rabiya sa Amerika.

Sabi umano ng tatay ni Rabiya sa Kapuso star: “Don’t message me and my family. I don’t care about you. I want nothing to do with you.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Labis daw ikinasakit ng damdamin ng dalaga ang mga salitang binitiwan ng kanyang sariling ama.

 

Rabiya Mateo devastated after being disowned by biological father | PEP.ph

 

Nang tanggihan siya ng kanyang biological father, saka lamang umano sinabi ni Rabiya rito na beauty queen at artista siya sa Pilipinas.

Nais lamang daw ni Rabiya na mahanap ang kinaroroonan ng ama dahil sa kanyang kagustuhang magkita sila. Walang-wala umano sa intensiyon niya ang humingi ng tulong at suporta mula rito.

Sa huli, inunawa pa rin daw ni Rabiya ang naging reaksiyon ng kanyang ama.

Hindi umano alam ng asawa nitong doktor din at kanilang mga anak na may naiwang pamilya sa Pilipinas ang tatay niya nang mag-aral ito noon ng medisina sa Amerika.

 

Rabiya Mateo says she stopped looking for her biological dad | PEP.ph

 

Ayon sa Cabinet Files informant, sinubukan din ni Rabiya na makipag-ugnayan sa kanyang half-sister.

Pero hindi siya pinansin at hinarang ang mga mensahe ng aktres dahil galit nga ang kanilang ama.