Gabby confirms Sharon gifted him with his first pair of color blind eyeglasses.

Ikinatuwa ni Gabby Concepcion, 60, na makitang ginagamit pa rin ng ex-wife niyang si Sharon Cuneta, 59, ang “friendship ring” na bigay niya.
Ipinarating ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gabby na namataang suot ni Sharon ang ring nang dumalo si Sharon sa isang endorsement event nito noong January 30, 2025.
“Yeah, I think yung pagbibigay ng ring is very powerful. Mas lalo na siguro kung [smart watch and ring brand] din yun, makakatulog ka nang mabuti,” nakangiting saad ni Gabby.
Ibang brand ang ibinigay ni Gabby kay Sharon dahil isa lang daw ang health ring na dala niya noon sa U.S.
“At that time, iisa lang yung ring ko. Nagpunta pa ako sa mall at binigyan ko siya ng ring.”
Nakapanayam ng PEP at piling entertainment press si Gabby sa presscon para sa endorsement niya ng mWell smart watch and ring noong Martes, February 25, 2025.
Nagkasama sina Sharon at Gabby sa Dear Heart eight-city concert tour sa U.S. at Canada noong October-November 2024.
November 23 nang bigyan ni Gabby si Sharon ng friendship ring sa gitna ng kanilang concert sa Hawaii.
Patuloy ni Gabby, “Okay naman nangyari sa amin.
In fact, yung umpisa ng Dear Heart was a good thing for us because it renewed friendships.
“From that point on until now, natutuwa ako, minsan nakikita ko sa reels niya—may nagpapadala sa akin—na parati niyang hawak yung ring.
“Thank you very much for cherishing that friendship.”
GABBY CONCEPCION ON GIFT FROM SHARON CUNETA
May regalo ring natanggap si Gabby kay Sharon—isang color blind glasses, na makikitang suot ng aktor sa pictorial niya para sa bagong endorsement.
“Oo, yan yun,” kumpirma ni Gabby sa suot niyang glasses sa tarp na nasa presscon.
“Kasi color blind ako. Kaya pinasuot niya yan sa akin para makita ko raw siya nang mas malinaw,” nakangiting dagdag ni Gabby nang tanungin ng entertainment editor na si Jun Lalin.

Na-appreciate daw ni Gabby ang regalo ni Sharon.
“Of course, kasi ngayon lang ako nakakita, at least sa aking perspective ng version ng green.
“Yung green ko kasi, ako lang nakakaalam ng color na yun.
“Nag-test na ako ilang bess ng color blindedness, talagang green and red ang aking [hindi nakikitang color].
“So, madalas naka-blue or black and white.”
Sabay biro ni Gabby, “Maganda nga kasi I’m not racist. I’m color blind.”
Iyon ang unang color blind glasses niya.
Iyon lang ang gamit niya dahil wala pa raw ibang nagbibigay sa kanya ng color blind glasses.
WILL gabby concepcion TOUR AGAIN WITH SHARON cuneta?
Nang tanungin kung kailan uli sila magkakasama ni Sharon para sa isang concert tour, wala pang pinal na masagot si Gabby.
“Wala pa kami napag-uusapan so di namin alam kung matutuloy yung mga concert na gagawin sana namin abroad.
“Pero hoping na matuloy…”
Sa ngayon ay nakatakda raw gawin ni Gabby ang bagong teleserye niya sa GMA-7.
“…because mag-uumpisa na yung teleserye namin. We’ll end in November. So, baka wala ng time mag-show.
“I’m under contract with GMA, baka di ko magawa yung [concert] shows.”
News
So it’s them! The HEIR of Nora Aunor | This is their property! Wow, they’re incredibly wealthy! Read more in the comments section👇👇(DG)
So it’s them! The HEIR of Nora Aunor | This is their property! Wow, they’re incredibly wealthy! Revealed: The Heir…
SHOCKING NEWS: FAREWELL, KRIS AQUINO? WILLIE REVILLAME’S MESSAGE LEAVES FANS IN TEARS!(DG)
The entertainment industry has been shaken by a surprising and emotional message from veteran host Willie Revillame, addressing none other…
Willie Revillame Heartbroken After Seeing the Tragic Condition of Jimmy Santos(DG)
Willie Revillame Heartbroken After Seeing the Tragic Condition of Jimmy Santos The entertainment industry was left in shock after beloved…
LAHAT NAGULAT sa LUMABAS Na VIDEO ni CASSY LEGASPI at DARREN ESPANTO Ito nangyari sa Kanila(DG)
Isang shocking at heartwarming na video ang lumabas sa social media na nagbigay ng malaking sorpresa sa mga fans nina…
TONI GONZAGA 2nd BABY SHOWER❤️BIG REVELATION Gender Reveal sa NEW BABY Ni Toni G at Paul Soriano(DG)
Isang malaking selebrasyon at heartwarming na kaganapan ang naganap para kay Toni Gonzaga at kanyang asawa na si Paul…
FIRST TIME TO! Kathryn Bernardo KINILIG ng May IPINAGTAPAT sa Kanya HARAP-HARAPAN si Alden Richards(DG)
FIRST TIME TO! Kathryn Bernardo KINILIG ng May IPINAGTAPAT sa Kanya HARAP-HARAPAN si Alden Richards Isang nakakakilig na eksena ang…
End of content
No more pages to load