Umaani ng samu’t-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang ilang mga larawan at videos na kumakalat ngayon sa social media patungkol sa mga ginagawa ngayon ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo matapos ang kanilang hiwalayan ni Daniel Padilla.Nakakatanggap ngayon ng pambabatikos ang award-winning actress na si Kathryn Bernardo mula sa mga netizens at ilang mga tagahanga dahil sa paglalasing nito. Ayon pa sa ilang mga tagahanga ng aktres na hindi na umano maganda ang nakukuhang impluwensya ni Kathryn Bernardo mula sa kanyang mga kaibigan.
Marami ang naiinis habang nag-aalala naman ang ilan dahil sa mga pinagagawa ngayon ng aktres. Marami ang nakapansin na tila palaging naglalasing ang aktres mula nang maghiwalay sila ni Daniel Padilla.
Marami rin ang nagsasabi na hindi nakatulong kay Kathryn Bernardo ang ilang mga kaibigan niyang celebrities na nakakasama niya ngayon dahil sa mga kumakalat na larawan at videos na hindi na umano kaaya-aya.
Pinangalanan pa ng mga netizens kung sino sa mga kaibigan ng aktres ang itinuturi nilang bad influence para rito particular na sina Alora Sasam at Sofia Andres.
Samantala, isa rin ang isyung ito sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin sa latest episode ng Cristy Ferminute kung saan naitanong ni Cristy Fermin kung may kaugnayan ba ang mga kaibigan ni Kathryn sa mga negatibong balita na lumalabas ngayon patungkol sa aktres.
Ayon kay Cristy Fermin, hindi naman umano nararapat na sabihin na masamang impluwensya kay Kathryn Bernardo sina Alora Sasam at Sofia Andres lalo pa’t hindi naman umano nila kilala sa personal ang mga ito.
Tila naiintindihan rin naman umano ni Cristy Fermin ang ginagawa ngayon ni Kathryn Bernardo dahil tila ngayon lamang nagsisimula ang aktres na i-enjoy ang pagiging single.
Ayon naman sa kasamahan ni Cristy Fermin na si Romel Chika, nag-ugat ang mga negatibong komento patungkol kay Kathryn Bernardo sa mga isinisiwalat nitong larawan at videos sa social media kung saan ibinabahagi nito ang mga bagay na dating hindi niya nagagawa noong sila pa ni Daniel Padilla.
Iba naman umano ang naging interpretasyon ng mga netizens sa mga ipinapakita ngayon ng aktres dahil marami ang nag-iisip na nagwawala ito at nagrerebelde mula nang aminin nila ni Daniel Padilla sa lahat ang kanilang paghihiwalay.
Sa ngayon ay may kumakampi na rin kay Daniel Padilla at naghinalang may iba pang kwento ang nasa likod ng hiwalayan nilang dalawa ni Kathryn Bernardo.
Nagbigay naman ng payo si Cristy Fermin para kay Kathryn Bernardo, inilahad niyang sana ay hindi na umano ibinabahagi ng aktres sa kanyang mga social media account ang mga larawan niyang nakabikini habang hawak ang bote ng alak kung ayaw nitong makatanggap ng mga negatibong komento mula sa mga netizens.
News
Gabby Concepcion Halos MAIYAK sa Kaligayahan ng Bumisita sa Kanya mga Anak, KC SAMANTHA GARIE(DG)
Gabby Concepcion Halos MAIYAK sa Kaligayahan ng Bumisita sa Kanya mga Anak, KC SAMANTHA GARIE Isang emosyonal na sandali ang…
JHONG Hilario Halos Mapa-IYAK sa Kaligayahan sa MALA-ANGHEL na Boses ng ANAK nasi Sarina Hilario ❤️(DG)
Jhong Hilario Halos Mapa-IYAK sa Kaligayahan sa Mala-Anghel na Boses ng Anak na si Sarina Hilario ❤️ Isang nakakakilig na…
Baby Peanut 2nd Birthday❤️Vilma Santos Na-SHOCK sa Bonggang Blue Dress ni Rosie | Jessy Luis Manzano(DG)
Baby Peanut Celebrates Her 2nd Birthday with a Heartwarming Celebration: Vilma Santos Shocked by Rosie’s Stunning Blue Dress | Jessy…
Coco Martin Publicly Reveals His Daughter, Zia Grace Martin, with Julia Montes!(DG)
In a heartwarming moment that has caught the attention of many fans, Filipino actor Coco Martin has officially introduced his…
NAKADUDUROG ng PUSO💔Matapos ang 7 Yrs na Pagsasama Barbie Forteza at Jak Roberto Hiwalay Na!(DG)
NAKADUDUROG ng PUSO💔Matapos ang 7 Yrs na Pagsasama Barbie Forteza at Jak Roberto Hiwalay Na! Isang nakakagulat at malungkot na…
How Rich Is Jodi Sta. Maria? The Shocking Truth About Her Fortune, Career, and Luxurious Lifestyle(DG)
How Rich Is Jodi Sta. Maria? The Shocking Truth About Her Fortune, Career, and Luxurious Lifestyle Jodi Sta. Maria is…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply