Kim Chiu, Nagsalita Na Tungkol Sa Rumored Breakup Nila Ni Xian Lim
Marami sa mga KimXi fans ang nabahala nang ilang linggo nang hindi namamatan na nagkasama sina Xian Lim at Kim Chiu mula noong ABS-CBN’s Ball hanggang nitong Holloween.
Maging sa kani-kanilang mga social media accounts ay wala rin silang ginawang posts patungkol sa kanilang dalawa.
Napansin pa ng ilang mga netizens na hindi na nila-like nina Kim Chiu at Xian Lim ang ginagawa nilang post.
May mga nagsasabi naman na low key lamang ang relasyon ng dalawa upang hindi maapektuhan ang kani-kanilang mga showbiz career.
Nagsimula ang mga usap-usapan patungkol sa diumano’y break up ng longtime celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim nang maging madalang ang pagkikita nilang dalawa.
Maging sa mga pagbabakasyon ay nagso-solo na lamang si Kim Chiu o di kaya ay kasama niya ang kanyang mga kaibigan, gayundin naman si Xian Lim.
Samantala sa kamakailang media con para sa serye na pinagbibidahan ni Kim Chiu na Linlang, hayagang naitanong sa kanya kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Xian.
“Kayo talaga, baka nalilinlang lang kayo.”
Nilinaw din ni Kim Chiu sa nasabing media conference na hindi totoo ang kumakalat na tsismis na umano’y on the rocks na ang relasyon nila ni Xian Lim.
“Okay naman po kami ni Xi.”
Paglilinaw pa ni Kim Chiu, “Mapanlinlang ang showbiz pero maayos naman. Masaya naman po kami.”
Samantala, noong November 2, 2023 episode ng It’s Showtime, naitanong ni Vice Ganda kay Kim Chiu kung sino ang nagpapasaya sa kanya.
Agad naman itong sinagot ni Kim Chiu na ang nagpapasaya sa kanya ay ang kanyang mga kamag-anak at pamilya.
Kalaunan sa kanilang pag-uusap muling tinanong ni Vice Ganda si Kim Chiu kung ano ang kulang sa kanya.
Agad naman itong sinagot ni Kim Chiu kung saan sinabi niyang kulang siya kapag walang usap.
“Kulang ‘pag walang usap. Because in everything that we do, communication is the key.”
Muli pang tinanong ni Vice Ganda si Kim Chiu kung sino ang gusto niyang makausap iyong pakiramdam na hindi buo ang araw kung hindi umano sila nagkakausap.
Sinagot naman ni Kim Chiu na ang kanyang pamilya at si Xi.
Matatandaan na mag-isa lamang na dumalo noon si Xian Lim sa Preview Ball 2023 habang mag-isa ring rumampa si Kim Chiu sa ABS-CBN’s Ball 2023.
Nilinaw naman kaagad ni Kim Chiu noon na nasa India si Xian noong ABS-CBN’s Ball kaya hindi siya nito nasamahan. Nilinaw din ng aktres na maayos naman itong nagpaalam sa kanya sa pagpunta sa India kasama ang kanyang mga kaibigan upang mag-motor.
“Nasa India siya, kasama niya yung mga friends niya, nag-motor. Noong na-schedule, na-timing sa ball. Sabi ko sige, go lang.”
Hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na napabalitang nagkahiwalay ang dalawa.
Taong 2012 unang napabalita ang padi-date ng dalawa. Taong 2015 naman nang inamin ni Kim Chiu na may romantic relationship na sila.
News
Di Kinaya ni Aljur Abrenica Mapa-IYAK na Muli sila Nabuong Pamilya ni Kylie Padilla sa School Event(DG)
Isang emosyonal na kaganapan ang naganap kamakailan nang magtagpo muli ang mga landas nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, kasama…
Unseen Footage! CHELSEA Manalo di Naipinta Mukha sa KILIG Panalo na sa Puso ni Jose Guillen(DG)
Unseen Footage! CHELSEA Manalo, di Naipinta ang Mukha sa KILIG – Panalo na sa Puso ni Jose Guillen ❤️ Isang…
ITO HINIHINTAY NG LAHAT! May NAPANSIN ang Publiko kay Sarah Geronimo NEW BLESSING Matteo Guidicelli(DG)
Isang malaking kagalakan ang hatid ng bagong balita kay Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, na nagbigay ng dahilan para magdiwang…
REAKSYON ni Cassy Legaspi NATAMEME sa KILIG ng Pagtagpuin Muli ng Landas Nila ni Darren Espanto!(DG)
REAKSYON ni Cassy Legaspi: “NATAMEME sa KILIG” ng Pagtagpuin Muli ng Landas Nila ni Darren Espanto! Isang nakakakilig na pangyayari…
REAKSYON Ngayon ni Rico Blanco DUROG na DUROG ang PUSO sa NALAMAN Kay Maris Racal & Anthony Jennings(DG)
Isang malupit na reaksyon mula kay Rico Blanco ang nagbigay ng pansin sa mga social media at showbiz circles, matapos…
Maris Racal at Anthony Jennings CHEATING ISSUE! Matinding Rebelasyon ni Xian Gaza FULL VIDEO(DG)
Isang kontrobersyal na isyu ang nagbukas ng usapan sa social media nang lumabas ang mga pahayag ni Xian Gaza na…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply