VMX actor Victor Relosa: “I was raped by a priest.”
Victor Relosa on being a rape victim at a young age: “Actually, kapag naranasan mo yun, hindi agad siya magsi-sink in sa iyo, e. Darating ka muna sa point na tatanungin mo kung normal ba iyon. Or, ano ba iyon? Parang it will take you time talaga. Matagal! Siguro taon bago ka mandiri sa sarili mo at bago ka magalit dun sa tao, sa nangyari.”
Dalawang taon na sa si Victor “VR” Relosa.
Kabilang sa mga proyekto niya sa VMX ang Litsoneras, Kamadora, Kabit, Kahalili, Lagaslas, Paluwagan, Palipat-lipat, Papalit-palit, Sila Ay Akin, Rita, Secret Campus, Halo-halo X, at ang Mama’s Boy na mag-i-streaming sa Disyembre 31, 2024.
Sa tuwi-tuwina ay naka-plaster si Victor sa maseselang eksena, maliban doon sa Kabitan kung saan naka-prosthetic na ari siya.
May nag-take advantage ba sa kanyang babaeng kaeksena?
“Wala naman po, wala naman po,” tugon ni Victor nang makatsikahan ng PEP Troika sa Christmas party ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) noong Disyembre 2, Lunes, sa Rampa drag club, Quezon City.
“So far, close ko naman lahat ng nakatrabaho ko. Nakakabiruan ko naman lahat. Wala namang mga awkward.”
Dahil sa paghuhubad niya sa VMX, may mga bading bang fans na humaharot sa kanya?
“Madami po. Sa social media po, minsan pag sobrang aggressive yung approach nila, actually minsan hindi ko na lang po nire-reply-an,” lahad ni Victor.
“In person naman po, ano lang, hindi ko naman sila iniisnab pero siguro naglalagay lang po ako ng konting wall.
“Na parang siguro dinadaan ko na lang sa biro para mawala po yung awkwardness, na parang eto lang ako, masaya, bibiruin kita ng ano ba, yung naughty na joke.
VICTOR RELOSA ALSO A VICTIM OF SEXUAL ABUSE
Isiniwalat nina Sandro Muhlach, Gerald Santos, Enzo Almario, at unnamed talent ng TV5 na hinalay sila ng bading na taga-TV industry.
May ganoon ba siyang karanasan na naging biktima siya ng pang-aabuso?
“Sa industry, so far, wala pa naman po. Kasi ewan ko, feeling ko, parang lahat sa industry, kaibigan ko,” pagtatapat ni Victor.
“Wala pong nag-a-attempt na gawin. Siguro sa umpisa parang magiging naughty yung approach sa akin.
“Pero parang pag nakakausap ko na, parang wala, nagiging kaibigan ko po lahat.
“Pero before ako pumasok sa pag-aartista, opo, meron. Actually po… sabihin ko ba? Ahhhh… the reason why hindi po ako…
“Ano po ako, Christian po ako pero hindi po ako nagtse-church. Kasi, I was raped by a priest.”
Nagse-serve dati si Victor Relosa sa simbahan.
Taong 2011 nang molestiyahin umano siya ng pari.
“Grade 6 or first year high school po yata ako noon,” malumanay na pagsisiwalat ni Victor.
“That’s the reason kung bakit hindi na po ako pumupunta ng simbahan. Pero nagdadasal po ako. Maka-Diyos po ako, hindi lang po ako maka-simbahan.”
Nagsumbong ba siya noon? Nagreklamo?
“Mahirap po pag bata ka, lalo na po independent po ako. So, wala po akong matakbuhan.
“Wala po akong malapitan. So, sinarili ko na lang,” sabi ni Victor.
Nasaan ang ama at ina niya noon? Ang kanyang pamilya? Sino ang kasama niya sa buhay?
“Independent po ako since 12, e. Wala na po akong kasama. May kani-kanya na pong family yung parents ko,” saad ni Victor.
“Sila naman po ang nagbabayad sa tinutuluyan ko. Simula 12 years old, mag-isa na po ako.”
Wala siyang mapagsumbungan noon?
“Wala po. Kahit relatives, pinsan, tito, tita, wala po akong kakilala, e. Mom and dad ko lang po yung kakilala ko,” sabi ni Victor.
“Kasi parang hindi OK yung sides nila, so inilayo nila ako sa lahat. So, lumaki akong silang dalawa lang ang kakilala ko.
“So, nung naghiwalay sila, wala po akong relatives na nalalapitan.”
Na-trauma ba siya sa panghahalay ng pari noong bagets pa siya? Kung na-trauma siya, paano niya iyon nalampasan?
“Actually, kapag naranasan mo yun, hindi agad siya magsi-sink in sa iyo, e,” sagot ni Victor Relosa.
“Darating ka muna sa point na tatanungin mo kung normal ba iyon. Or, ano ba iyon?
“Parang it will take you time talaga. Matagal! Siguro taon bago ka mandiri sa sarili mo at bago ka magalit dun sa tao, sa nangyari.
“So, hindi ko na din po alam pero kasi ako, sobra akong mapagpatawad na tao. Kaya ayun na lang po siguro.
“Parang nakalimutan ko na lang siya over time. Pero hindi na talaga ako nakabalik ng simbahan.
“Parang feeling ko, pag pumupunta ako ng simbahan, lalo lang akong napapalayo sa Diyos.”
News
How Rich Is Jodi Sta. Maria? The Shocking Truth About Her Fortune, Career, and Luxurious Lifestyle(DG)
How Rich Is Jodi Sta. Maria? The Shocking Truth About Her Fortune, Career, and Luxurious Lifestyle Jodi Sta. Maria is…
Coco Martin Publicly Reveals His Daughter, Zia Grace Martin, with Julia Montes!
Coco Martin Publicly Reveals His Daughter, Zia Grace Martin, with Julia Montes! In a heartwarming moment that has caught the…
VIDEO: Jericho Rosales and Janine Gutierrez’s Sweet Vacation Trip in Japan Reveals Many Surprises.(DG)
JERICHO ROSALES – Celebrity couple Jericho Rosales and Janine Gutierrez melt hearts as they share adorable moments from their sweet…
Sanchai PUMANAW NA sa EDAD na 48 DAHIL sa PAG EXPOSED sa MARAMING TAO?(DG)
Sanchai PUMANAW NA sa EDAD na 48 DAHIL sa PAG EXPOSED sa MARAMING TAO? Isang malungkot na balita ang umabot…
Karla Estrada BIKTIMA DIN ng PANANAKIT ni Jam Ignacio MAY BWELTA kay Jellie Aw!(DG)
Karla Estrada, Biktima ng Pananakit ni Jam Ignacio; May Bwelta Kay Jellie Aw! Isang nakakagulat na balita ang umabot sa…
ITO DAHILAN ng PAG-ALIS ng MAG-ASAWA sa BANSA, Jessy Mendiola at Luis May ANUNSIYO sa PAGBUBUNTIS(DG)
ITO DAHILAN ng PAG-ALIS ng MAG-ASAWA sa BANSA, Jessy Mendiola at Luis May ANUNSIYO sa PAGBUBUNTIS Isang masayang balita ang…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply