Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga larawan ng dating aktor at 4th District of Leyte, Representative na si Cong. Richard Gomez dahil wala nang bakas ang pagiging matinee idol nito noon.
Isa sa mga hayagang pumuna sa hitsura ngayon ni Cong. Richard Gomez ay ang writer-director na si Ronaldo Carballo.
Sa isang Facebook post ng writer-director na si Ronaldo Carballo, inihayag niyang halos hindi na niya nakilala si Richard Gomez at halos hindi siya makapaniwala na ganito na ang hitsura ng dating tinitiliang matinee idol.
“Matagal ko na syang hindi nakikita. Ganito na ba talaga ang itsura ni Richard Gomez now at 58?” halos hindi makapaniwalang pahayag ni Ronaldo.
“Parang masyado naman nyang in-internalized ang kanyang pagiging Farmer at Pulitiko sa Probinsya.
Hindi man lang makapagpa-haircut,” dagdag pa niya.
Isa sa nakikitang dahilan ni Ronaldo Carballo kung bakit ganito na ang hitsura ngayon ni Richard Gomez ay dahil sa pagpasok nito sa pulitiko.
Kung sakaling aktibo pa rin ito bilang isang aktor ay natitiyak niyang magandang lalaki pa rin ito hanggang ngayon.
“Naku, kung hindi sana sya nag-Pulitiko, aktibo pa rin sana syang leading man sa TV at Pelikula at magandang lalaki pa rin sya hanggang ngayon. Nakaka-miss ang kaibigang aktor at nag-iisang Adonis ng Pelikulang Pilipino.”
Sa comment section ng kanyang post, inilahad niya ang mensahe para sa kanyang kaibigan na sana ay alagaan naman nito ang kanyang pisikal na anyo. Maging ang asawa ni Richard Gomez ay binigyan rin niya ng mensahe na imonitor rin ang kanyang mister dahil tila napapabayaan na nito ang kanyang sarili.
“ok lang kung medyo tumambok ang tyan. wag lang pabayaan ang sarili na mukhang gusgusin o very untidy.
hindi naman komo di na sya naga-artista pababayaan na nya ang looks nya na pwede pa naman i-maintain.
Sana as a wife, inaalagaan at minu-monitor din ni lucy ang itsura ni Goms.
magpa-haircut man lang.”
May ilang mga netizens naman na sumang-ayon sa naging pamumuna ni Ronaldo Carballo kay Richard Gomez. Hirit nila na dapat ay kahit paghi-haircut ay gawin rin ni Richard Gomez.
May mga ilang mga netizen din pinagkumpara ang mga looks nila Aga Muhlach at Richard Gomez.
Ipinagtanggol naman ng ilang mga netizens si Richard Gomez kung saan iginiit nila na napakaabala nito sa kanyang mga responsibilidad bilang ama at bilang Congressman 4th District ng Leyte.
News
Sunshine Cruz Speaks Out About Her Daughter’s Pregnancy with Atong Ang read more
Sunshine Cruz Speaks Out About Her Daughter’s Pregnancy with Atong Ang In a heartfelt and emotional statement, actress Sunshine Cruz…
BREAKING NEWS: Elon Musk officially banned from all upcoming games after Baltimore Ravens announcement, shocking reason revealed…(DG)
Baltimore, MD — In an unexpected turn of events, the Baltimore Ravens have announced that tech magnate Elon Musk is officially…
BREAKING NEWS: NFL Star Travis Kelce Leaves Elon Musk’s X App, Condemning It as a “Toxic Waste Dump” After Scathing and Hurtful Comments About Taylor Swift. (DG)
BREAKING NEWS: NFL Star Travis Kelce Leaves Elon Musk’s X App, Condemning It as a “Toxic Waste Dump” After Scathing…
CONFIRMED: Taylor Swift is officially ‘under the same roof’ with Elon Musk after he offered to give her half of his Tesla shares. (DG)
CONFIRMED: Taylor Swift is officially ‘under the same roof’ with Elon Musk after he offered to give her half of…
Patrick Mahomes Shares Sweet Milestone as Baby Golden Turns One Month: See the Photos! (DG)
Patrick Mahomes Shares Sweet Milestone as Baby Golden Turns One Month: See the Photos! In a heartwarming moment for NFL…
Taylor Swift Got Pregnant with Travis Kelce First Baby | Pregnant Taylor Swift Baby Gender (DG)
Travis Kelsey and Taylor Swift: A New Chapter in Their Love Story Hey guys, my name is James, and welcome…
End of content
No more pages to load