Ian and Matet de Leon want Nora Aunor and Lotlot to reconcile
Ian de Leon hopes that the misunderstanding between his mom, Nora Aunor, and Ate Lotlot will soon be settled.
Ian de Leon clarifies that he has no ill feelings against Norie Sayo, who was rumored to have married Ian’s mother, Nora Aunor.Umaasa ang magkapatid na sina Ian at Matet de Leon na matapos na ang umano’y di pagkakaunawaan sa pagitan ng kanilang ina, si Nora Aunor, at Ate nilang si Lotlot de Leon.
Nagsimula ang diumano’y tampuhang ito nang lumabas ang isyu ng pagpapakasal daw ni Nora sa babaeng manager niya na si Norie Sayo noong Mayo
Sa interview ng The Buzz noong June 10, hindi naitago ni Lotlot ang nararamdaman niya sa kanyang ina ng marinig ang mga bali-balita. Aniya, “Nagulantang ang mundo ko. Nasaktan ako. I wish na nandito siya. Kahit na si Norie Sayo na lang ang hanapin ninyo. Siya na lang ang hagilapin ninyo, tutal siya naman ang sikat ngayon, di ba?”
Nasabi rin ng panganay ni Nora na, “As the one always faces the camera, they owe that to me kasi ako iyong napapaligiran ninyo ngayon, e. Si Mommy ang gusto kong makausap. Nasasaktan ako. Alam naman ni Mommy na mahal ko siya, hindi naman magbabago iyon.”
Bahagyang napatunayan din ang tampuhang ito sa exclusive interview ng Nagmamahal, Kapamilya kay Nora, na kasalukuyang naninirahan ngayon sa Fairfield San Francisco. Nang tanungin siya kung nagkakausap sila ni Lotlot, ang sagot ng Superstar ay, “Sa ngayon, hindi ko siya nakakausap kasi tuwing tatawagan ko siya hindi siya sumasagot.”
Bagama’t hindi nila alam ang tunay na dahilan, parehong naniniwala ang magkapatid na Ian at Matet na unti-unti ring maayos ang tampuhang ito.
Sa live interview ng The Buzz kahapon, August 5, sinabi ni Matet, “Sana po mapag-usapan po nila kung anuman… Kasi hindi ko pa nakakausap din si Ate [Lotlot] so hindi ko po alam kung ano ang pakiramdam niya sa lahat talaga ng nangyayari. Sana po mapag-usapan po nila.”
Gayundin, nilinaw din ng dalawa na walang silang galit o anuman sa napapabalitang karelasyon daw ng kanilang ina na si Norie. Para kay Ian, “Iyong tampo-tampo isyu na ‘yan, sa totoo lang, Kuya Boy, sawa na kami diyan, e. Kung ano meron sa loob namin na hindi magandang pakiramdam or pagda-doubt sa isang tao, why don’t we just bury that, you know.
“Huwag na nating patulan iyang tampo na iyan or kung anuman iyong nakikita nating hindi tama, pag-pray na lang natin. Kasi wala, e, sayang ang ang energy natin kung papatulan natin.”
Sa ngayon, todo suporta ang ibinibigay ng magkapatid sa kanilang ina at nais ng magkapatid na sana ay maging mabuti lagi ang kalagayan niya .
At para naman sa kanilang Ate, ang mensahe ni Ian ay, “Alam kong hindi pa time ngayon para maayos ang lahat pero don’t worry maso-solve din ang lahat ng problems natin. And gusto ko lang ipaalam sa ‘yo, na sa mga problema, hindi natin kailangan magkawalaan, magtampo-tampo. Basta ayusin natin iyan.”
News
DI MO AKALAIN Mag-asawa nasi Coco Martin at Julia Montes Tandem Pala sa Pagluluto sa Kusina ❤️(DG)
DI MO AKALAIN Mag-asawa nasi Coco Martin at Julia Montes Tandem Pala sa Pagluluto sa Kusina ❤️ Di Mo Akalain:…
Tunay na Dahilan ng Pagkamatay ng GMA Sport Journalist nasi Chino Trinidad(DG)
Tunay na Dahilan ng Pagkamatay ng GMA Sport Journalist nasi Chino Trinidad Tunay na Dahilan ng Pagkamatay ng GMA Sports…
NAKADUDUROG ng PUSO💔Angelica Panganiban IYAK ng IYAK ng Mawala BIGLAAN ang Kanyang INA 😭 Panoorin!(DG)
Isang malungkot na balita ang kumalat kamakailan, kung saan ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban ang matinding kalungkutan na…
REAKSYON ni Vic Sotto at Pauleen Luna Na-SHOCK sa Pagiging TSISMOSA ng ANAK s USAPAN ng Sotto Family(DG)
Reaksyon ni Vic Sotto at Pauleen Luna: Na-shock sa Pagiging Tsismosa ng Anak sa Usapan ng Sotto Family Nagulantang ang…
ANAK ni Manny Pacquiao Tuluyan ng LUMAYAS at INIWAN na ang Family Pacquiao para Mag-aral sa London(DG)
Isang kontrobersyal na balita ang kumalat kamakailan tungkol sa anak ni Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao, na tumulak patungong…
Sheena Halili Ganito Pala Ka-Hirap ang Pinagdaanan niya sa Panganganak sa Kanyang Second Baby(DG)
Sheena Halili: Ganito Pala Ka-Hirap ang Pinagdaanan Niya sa Panganganak sa Kanyang Second Baby Si Sheena Halili, ang aktres na…
End of content
No more pages to load
Leave a Reply