Lee O’Brian Naniningil Ng 2.4 Million Kay Pokwang Dahil Sa Kanilang Channel
Kamakailan lamang ay natalakay sa YouTube vlog ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ang isyu sa pagitan ng dating magpartner na sina Lee O’Brian at Pokwang.
Tila nagkaroon umanong muli ng isyu sa pagitan ng dalawa dahil sa pag-aagawan nila sa tunay na nagmamay-ari sa kanilang YouTube channel na ‘Poklee’.
Ayon kay Ogie Diaz, may nakapagsabi umano sa kanya na humihingi ngayon si Lee O’Brian ng mahigit 2.4 million pesos kay Pokwang para masolo na umano ng aktres ang kanilang YouTube channel.
“Kasi nga ang nakarating din sa atin, na para ibigay ni Papang ‘yung ‘Poklee’ channel nila sa YouTube kay Mareng Pokwang, na may 531,000 na followers, e 2.4 million ang sinisingil ni Papang. Totoo ba yun papang?” pagsisiwalat ni Ogie Diaz.
Matatandaang nauna nang ipinahayag ni Pokwang na nais niyang makuha ang kanilang YouTube channel mula kay Lee O’Brian na kasalukuyang may hawak nito ngayon. Para makatulong naman kahit papano sa kanila ni Malia.
Subalit, hindi umano pumayag si Lee O’Brian kaya naman nagpatulong na si Pokwang sa kanyang abogado para mabawi niya ang nasabing YouTube channel.
“Hi Mare. Thank you so much sa tulong. Sensya na maga ang mata ko, maghapon akong iyak nang iyak. nanghihinayang kasi ako sa PokLee Youtube namin. E ayaw naman i-surrender nung isa. Ayaw nmang ibigay sa amin ng anak niya. So we decided na mag-start na naman ako from the top.”
“Mag-iipon na naman ako ng followers na pinagpaguran ko doon sa ming Youtube channel na PokLee. So papa-shut down ko nalang kaysa naman pakinabangan ng kung sino-sino,” pahayag noon ni Pokwang.
News
Pauleen Luna at Vic Sotto Ganito Pala DISIPLINA sa Kanilang ANAK nasi Baby Mochi Sotto!
BREAKING NEWS: Pauleen Luna at Vic Sotto, Ganito Pala Magdisiplina kay Baby Mochi Sotto! Maraming netizens ang namangha sa paraan…
ITO PALA NANGYARI sa SURFING Ni LILO MAG-ISA sa GITNA NG KARAGATAN PANOORIN ANAK Ni ANDI EIGENMAN
Ito Pala Nangyari sa Surfing ni Lilo Mag-isa sa Gitna ng Karagatang Panoorin Anak ni Andi Eigenmann Isang nakakakilig at…
JUST IN! Atong Ang KICKS OUT Sunshine Cruz and Her THREE Children? The SHOCKING Truth Revealed!
In a shocking turn of events, businessman Atong Ang has reportedly kicked out Sunshine Cruz and her three children, sparking…
SHOCK: Lorna Tolentino’s Heir Reveals Jaw-Dropping ASSET
SHOCK: Lorna Tolentino’s Heir Reveals Jaw-Dropping ASSET Introduction Isang nakakagulat na balita ang lumabas mula sa mundo ng entertainment: ang…
Melai Cantiveros plans to have third child, hopes for baby boy
(From left) Jason Francisco, Mela, Stella and Melai Cantiveros. Image: Instagram/@mrandmrsfrancisco Melai Cantiveros revealed that she and her husband…
BREAKING NEWS !! ATONG ANG AND SUNSHINE CRUZ, HAVE SEPARATED!! AWESOME! THIS IS THE REASON! OMG!
In a shocking turn of events, it has been confirmed that Atong Ang and Sunshine Cruz, who had been one…
End of content
No more pages to load